De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

27 March 2010

DARATING DIN ANG ARAW....

Nakakainggit naman yung mga mayayaman. Parang yung friend ko sa facebook. Proud na proud na ipinost na may first car na siya..regalo sa kanya,..partida kasing edad ko lang yun aa...

Mayaman na..matalino pa...talented pa...san ka pa??

Unfair no? Lahat ng magaganda ibinibigay sa isang tao tapos may isang tao din na sumalo lahat ng pangit. At sa kamalasang palad ako yun.

Buti pa yung ka-edad kong yun...may kotse na...ako nga halos malusaw na ang puso tuwing nakikita ko ang lumang motor namin na pinagtitiyagaan ni Papa....ni hindi man lang kami makabili ng bago o ni wala man lang kaming pampagawa sa sira non....kailangan pa naming magtipid at mag ipon para don.

Sana dumating ang araw na kaya ko ng ibigay ng instant ang mga bagay na tulad non kina Papa at Mama. Sana dumating ang araw na barya na lang ang libo, laruan lang ang sasakyan, sing halaga lang ng eraser ang librong aking pinaka-aasam asam, at di lang tingin at sulyap ang magagawa ko tuwing may magandang damit at sapatos akong nadaaanan..

Sana dumating ang araw....MAYAMAN NA DIN AKO....

I dont mind other people. rich or poor. they're the same. - jopert

Hindi ko kilala si Jopert pero astig yung title no..?? nakuha ko yan sa nabasa kong thread tungkol sa Starbucks...kung bakit dito sa Manila considered as "pang mayaman lang" ito.

http://www.pinoyexchange.com/forums/archive/index.php/t-32303.html

Ito yung site kung saan ko nabasa yung thread. Sobrang haba...inabot na ko ng 12:26 AM sa pagbabasa at pakikiusyoso.

Nakakatuwang basahin ang iba't ibang reaksyon ng mga tao. Yung iba may point talaga..yung iba pointless talaga. Pero itong mga nabanggit ng ilan ang talagang pumukaw sa aking atensyon.

I dont mind other people. rich or poor. they're the same. - jopert

Tama! Na-inspire ako dito infairness. Ilabas muna natin ang usapin mula sa Starbucks. Totoo naman diba. Rich or Poor, they're the same. Tao din naman. At bow ako sa mga taong ganito mag-isip...walang diskriminasyon...walang pagmamaliit. Hindi tulad ng ibang kakilala ko..tsk tsk.

walang mayaman at walang mahirap pagdating sa KAPE!!! =) - Darkshader

Ayan! Tama nanaman diba. Kape lang naman...naging batayan pa ng estado ng buhay. Sakin wala namang problema kung pang mayaman o pang mahirap na kape ang meron jan...kung iisipin mong mahirap lang ako dahil di ako makapasok pasok ng Starbucks o kahit na anong mamahaling kainan..edi bahala ka...basta at the end of the day isa lang naman ang mahalaga...
NABUSOG KA BA?


well it is normal in to use your 10 mins. salary for a cup of coffee but in the philippine 1cup of coffee from starbucks will gonna cost you almost half of your day's work . guys stop comparing the place where you are now from the place you where before 'cause it doesn't make sense. if you use half day salary of an average worker from where you are for a cup of coffee it means you are rich right? or stupid ? - Izzandro

Ay ito resonable. Oo nga naman. Hindi natin pwedeng ikumpara ang US sa Pilipinas dahil ibang iba ang pera ng dalawang bansa. Hindi mo talaga maitatangging ang mayaman o may kaya lang ang kayang iwaldas ang otsenta pesos na kinita niya sa kalahating araw para sa isang baso ng kape. Kung isa kang maglalako at kailangan mong maglakad ng 4 na kilometro para maibenta ang isang produkto sa halagang 100 piso..kaya mo bang ipambili iyon ng 80 piso na kape na sandaling kaligayahan, kaginhawaan at karangyaan lang ang kayang ibigay sayo??haha...

----------------------------------------------------------

Pero sa huli isa lang ang masasabi ko..

Wants and Needs.

May mga taong mahalaga sa kanila ang needs..may mga taong mahalaga sa kanila ang wants. Kung kaya mo edi bahala ka...kung hindi tiis ka.

Wag lang sana itong maging dahilan ng INGGIT NA NAKAMAMATAY at DISKRIMINASYONG NAKAKASIRA NG BUHAY.

-------------------------------------------------------------

Basta ako...ipinagmamalaki kong ang greatest achievement ko ngayong taon ay ang matutunang iiwas ang sarili ko sa mga WANTS ko para matugunan at mapag-ipunan ang mas mahahalagang bagay tulad ng NEEDS ko. Isa pa di lang nakatulong sa needs ko...pati needs ng pamilya ko natulungan ko. :) Iniisip ko na lang na gutom lang ako pag napapatingin ako sa mga resto...tapos paglingon ko sa bag ko may biscuit na pabaon ni Mama...nakatipid na ako, nakaiwas pa sa temptasyon...nakain ko pa ang bicuit ko.