Napapansin ko sa sarili ko nitong mga nakaraang araw, may isang tao akong kinaiinisan ng sobra, to the point na naikukwento ko na yung mga mali sa kanya. Kahapon magkasama kami, at inis na inis talaga akong makita siya. Ni hindi ko na siya kayang tingnan kasi naaasar talaga ako. Minsan na kaming nag-away ng taong ito, at alam ko sa sarili ko na napatawad ko siya noon sa lahat ng sinabi niya. Pero simula nung may nakaaway siyang malalapit na tao samin, at sakin niya mismo sinabi na di na niya gugustuhin maging kaibigan yung mga yun.... bumalik yung inis ko sa kanya. So, ganun na lang yun? Pag galit siya may karapatan siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin, kahit nakakasakit na siya ng ibang tao? Tapos pag ok na siya... wala na lahat yun? Oo, sabi nga nila forgive and forget...pero hindi kasi basta-basta yung mga sinabi niya. Hindi yun isang bagay na pwedeng i-consider as joke. Nakakasira ng pagkatao. Nakakasira ng tiwala. Nakakasira ng relasyon. Kaya ngayon nahihirapan talaga ako. Ayoko ng makipagplastikan sa kanya. Gusto ko na lang na mawala siya sa landas ko... I mean, yung di siya makausap ever. Kasi alam ko na sa ganung paraan lang ako magiging ok. Pero naaawa naman ako, kasi para namang di ko naranasan noon na iniwan ako ng isang taon tinuring kong kaibigan. Kaya naisip ko naman, ano kaya kung kausapin ko siya, sabihin ko na ayaw ko na? Na ayoko ng ugali niya, na ayoko ma-encounter ulit na magsasalita siya ng di maganda pag galit siya? Napaka-childish kasi ng ugali. Ngayon nga nararamdaman ko nagiging childish na rin ako.. pero kasi naman e. Kesa mas masaktan ko siya sa pakikipag plastikan ko sa kanya, maigi na siguro na sabihin ko na lang ang totoo. Na ayoko na siyang makausap. Na ayoko siyang kasama. Na ayoko sa taong tulad niya. Hay. Patawarin ako pero ito lang talaga ang alam kong pinaka mainam na paraan. Kasi ayoko na nahihirapan din ako. Hay,..........