De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

28 January 2011

apektado ako .. and so?

a .. ayun .. kaninang umaga .. grabe mapaglaro talaga ang tadhana ... kung kailan hindi ko siya gustong makita .. dun ko siya nakikita .. at napaka-inevitable ng mga pagkakataong ganun .. as in wala na ... di na ko pwede magtago .. di na ko pwedeng umiwas .. dead end na .. na-corner na ko.
naalala ko dati nung sinabi niyang 'thank you, sorry and goodbye' .. ayoko na siyang makita non .. may pa-pray-pray pa ko kay God ... akala ko nakalusot na ko .. grabe bigla ko ba namang nakita sa coop kung saan kami dumaan .. feel ko na nun e .. sabi ko posible .. pero kasi parang hindi rin kasi baka andun nga siya sa loob .. tapos yung mga kasama ko nagpipilit na dun dumaan kasi may bibilhin sila .. grabe. nakaitim din siya nun .. kung ano yung suot niya kanina yun din ang saktong suot niya nung gabing yun. no choice talaga ko nun. ang o.a naman kasi kung aatras pa ko. ang nakakainis pa .. lahat ng kasama ko nilapitan siya .. at binati .. ako dire-diretso sa likod nung isa kong kasama para at least matakpan ko man lang ang sarili ko laban sa kanya .. takang taka sila kung bakit di kami nagpansinan .. tanong sila ng tanong sakin habang naglalakad ... ayoko ng sagutin ang mga tanong nila na may halong pang aasar kaya binilisan ko na lang ang paglakad ko.
wala lang .. naalala ko lang ang gabing yun. di rin niya ko pinansin. grabe. walang text ng ilang araw .. walang kahit na ano. parang ngayon lang. haha.
so ayun nga .. kaninang umaga. papunta kami nina Jodi, Joan, Geh at Arjay sa Kabihasnan (ok tulad nga ng sinabi ko babanggitin ko na ang mga pangalan nila mula ngayon.). so ayun nga .. magpapaprint kami ng picture. malayo pa lang siguro nasa tulay pa lang sila ng kasama niya .. kami kakaliko lang sa Le Colonial ... parang nakikilala ko na yung kasama niya. pero siya hindi. kaso naisip ko pwedeng siya yun kasi bff niya yun e. haha. aba tama nga ang aking hinala. siya nga. lalong tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ng isa-isa .. una si Jodi, sunod si Joan, sunod si Arjay .. lahat sila sinabi nilang, 'ui si .....' (ok ayokong banggitin ang pangalan niya. naiinis kasi ako. pero hindi naman talaga. joke lang yun. haha.) pilit kong binabagalan ang lakad ko ,... para sana di namin sila maabutan .. kasi malamang papasok yun sa pinto papuntang coop .. kaso nagpang-abot pa rin. natatawa nga ko sa sarili ko e .. nakapikit ako habang papalapit sila ... as if naman may magagawa ang pagpikit ko diba. at ayun .. wala na .. lahat sila binati siya. gusto ko sanang magtago sa likod ni Jodi pero ayun .. nahawi .. alam mo yun .. sa harap ko sina Jodi at Joan tapos may space (ako yun) tapos sina Arjay at Geh sa likod ko .. walanghiya .. tapat na tapat sa kanya. Nginitian ko siya (sabi kasi sa librong binabasa ko, don't punish him. haha.) hmm.. ngumiti ba siya? parang hindi. parang ngumisi. haha. nakatingin siya sakin. ang kulit ng mata niya .. lalong lumiit. hanggang ngayon pala may sore eyes pa rin siya (di yun gagaling hangga't di niya ko binabati ... ang solusyon dun .. yung gatas ko sa labi. hahahaha! joke lang! XD) grabe siya. ni di man lang nag-hi sakin. isnab to the maximum leveling. grabean talaga. tapos yun tumuloy siya sa paglakad na parang di ako nakita .. inapiran lahat . maliban sakin .. tingnan mo naman ang ugali .. grabe. grabe talaga. buti naman walang nagtanong sakn kung bakit ganun. so ayun.
paglagpas .. siguro nasa tulay na kami .. di ko mapigilang mag-react... gusto kong sumigaw sa inis na rin siguro sa kanya .. para kong tanga .. pero di naman ako ganun kainis .. parang nagtataka lang talaga ko kung bakit ganun ... kasi wala naman akong ginagawa sa kanya ... (parang wala akong natutunan sa libro e no .. pero kahit na alam ko na kung bakit .,.. ang hirap pa rin e .. di maiwasang mag-react.) so ayun na nga .. hanggang sa nakarating sa kabihasnan .. hanggang sa nakabalik sa school .. iniisip ko yun. nakalimutan ko lang nung nawiwindang na kami ni Geh sa dokyu sa Filipino.
wala lang ..para 'kong tanga no .. affected masyado .. feelingera. e bakit ba? and so what kung apektado ako? ikaw ba di mawiwindang pagka ganun??
MAGKAKAAYOS PA KAYA KAMI???
ANO BA?? GALIT BA SIYA SAKIN??
HINDI KO NA ALAM ANG IISIPIN KO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

last post.

wala .. parang naisip ko lang bigla na parang gusto ko na wag ng gumamit ng code names .. yung mismong names na lang ng mga tao ang gagamitin ko .. tutal wala namang ibang nakakabasa nito kundi ako .. at isa pa .. ang hirap mag-isip at ang hirap tandaan lahat ng code names nila. Maganda ba ang naisip ko?? oo maganda. (tanong ko, sagot ko. muntanga lang.) Sige .. sa susunod na mga post .. asahan na ang mga totoong pangalan ng mga tao.. except kay ano .. hahahaha! joke lang. pag siya wala na lang akong babanggiting pangalan .. panghalip na lang pwede na yun sa kanya. XD

di pa ko antok bakit ba?!

Ayun o .. kakatapos ko lang i-print yung ginawa kong dokyu sa Filipino namin tungkol sa mga special children. Grabe isipin mo yun ngayon ko lang tinapos e andali lang naman gawin kasi tagalog naman. Ang totoo niyan nung Wednesday pa ng gabi ko iyon binalak gawin pero ayun .. ilang araw nga akong naging antukin .. (siguro kasi ilang araw ng walang nag-iisip sakin XD) kaya ayun ... imbis na ginawa ko tinulog ko na lang at in-emote nung gabing yun. Tapos Thursday ng umaga, gumising ako ng maaga (7:00 am) at humarap agad sa computer para gawin sana yun .. pero wala .. tumunganga lang ako hanggang tanghali .. bukas ang computer .. dating gawi ..tinitigan ko lang. May iniisip kasi ako. (sana di nakatulog yung iniisip kong yun! siya ang dahilan kung bakit di ko nagawa yung dokyu. hahaha.) Tapos yun wala na kong nagawa kundi patayin ang computer pagkatapos tumawag ni Papa. Sinundo namin si Sam sa school niya. Tapos umuwi na kami sa Cavite. Nainis pa ko sa sinakyan kong jeep .. lumagpas ba naman dun sa pinarahan ko .. marunong pa sakin .. sa kanto niya daw ako ibababa e gago pala siya e ... naglakad pa tuloy ako ng malapit lang naman.. pero napagod pa rin ako lalo na't mabigat ang bag na dala ko. Akala niya kasi di ko alam na Gawaran Loob ang nasakyan ko .. abnormal. Kainis. Tapos yun .. pagdating sa bahay ... lunch. After lunch .. nanood kami ng news .. nakita ko sa tv yung nabasa ko sa yahoo kagabi yung tungkol sa piano na napadpad sa gitna ng dagat. Astig. Tapos ano na?? pasensya na kung walang hati-hati ng paragraph a .. nitatamad ako e. So ayun pumunta kami ni bunso sa bahay ni Lola para sana magpasama sa bahay nung special child na bahagi ng dokyu ko. Kailangan ko kasing magpapicture kasama siya. So ayun, habang naglalakad, nasalubong namin si Butty .. ayun galing daw siya dun sa bahay na pupuntahan namin kaya sinamahan niy ana lang kami doon. Ayun picture-picture. Natawa ako sa kapatid ko kasi naliligo yung special child nung dumating kami. Tapos pinalabas na siya ng mama niya at pinapunta sa kwarto para kumuha ng brief niya. Winarningan siya ni Butty na baka mabitawan niya ang towel niya na tinatakpan ang 'toot' niya. Ako, busy-busy-han sa pagtetext kunwari .. kasi alam kong may mangyayari. At di nga ako nagkamali. Lumabas bigla yung bata (11 years old na siya. imagine!) dala-dala niya yung brief niya at wala na yung twalya! As in .. nakahubad siya. At sa peripheral vision ko .. nakita ko kung gaano siya kalapit sakin .. at ... nakaharap at nakatingin siya sakin. Ayun dinala siya ng mama niya sa kwarto. haha. Ayos e no. Wala lang. Hindi naman ako natatawa .. o kung nakita ko man di na ko mabibigla ..di na bago .. hahaha. Pero ayun yung kapatid ko todo react parang ewan lang. Tapos nun, pumunta na kami kina Lola. Manghihiram sana ako ng libro sa Trigonometry kaso wala daw. So Psychology Book na lang. Tapos may pinahiram siya sakin .. libro siya na ang ganda .. naintindihan ko bigla kung bakit ganun si MP at alam ko na ang gagawin sa kanya. haha. Share ko next time yung natutunan ko sa book. So ayun nag-stay kami 'til 3pm.. ayaw pa nga umuwi ni bunso e .. pagdating sa bahay, natulog kami. Pagkagising ko gabi na .. so di na ko nakapaglinis ng mga bote (wala akong kita today. :( ) Ayun. Tapos nagkwentuhan kami ni Lola (pumunta siya sa bahay) tapos pag-alis niya naligo na ko. Umattend kami ng kapatid ko sa gawain. Ok naman. Paminsan-minsan bigla kong naaalala si ano ...nakakalimutan kong nasa gawain nga pala ako... pero nakinig ako a. Dami ko ngang natutunan e. Relate na relate kahit papano. hahaha. So ayun. dinner tapos umuwi na kami ni Papa dito sa LPC. Iwan sina mama at kapatid ko sa Cavite. Haizt. Naiwan ko yung cell phone ng kapatid ko ,,. andun pa naman yung picture. Asar. Babalikan ko pa tuloy. Sayang pamasahe. Tsk. So yun ..

Ito lang nangyari sa buong araw ko ... ok naman .. masaya naman ako. Wala naman akong inintay ngayong araw. (oi, ano yun? hahaha) Ang ibig kong sabihin ..wala naman akong inasahang mangyari ngayon kaya di ako masyadong na-disappoint. That's all folks.








[miss ko na talaga siya. ahai ... T.T]