De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

01 March 2010

entrance exam.

Ngaung araw na ito ang entrance exam ko sa CDW...sa makatuwid, kanina.

Inihatid namin ang kapatid ko sa paaralan niya ng parehong oras ng paghatid namin sa kanya pero sa pagkakataong ito, kinailangan namin siyang iwan ng maaga kasama ang iilang unang dumating sa school nila (trivia: early bird lagi ang kapatid ko sa school...sarado pa gate andun na siya...este...kami pala.XD). Kailangan kasi bago mag-8:30 ng umaga nasa CDW na kami.

Mga 7:30 nandun na kami...kakaunti lang tao. Maya-maya dumating na yung magbibigay ng exam. As usual Filipino time..sabi 8:30 start ng exam pero 9:00 na kasi nag-orientation pa at inikot pa ang buong school building.

Exam. Disappointed ako kasi share-share kami ng questionnaires. Nahirapan akong gumalaw. Isa pa nakakaasar yung katabi ko kasi ang bilis niyang sumagot sa Math! ampft! Tapos sa English di namin natapos kasi 100 items tapos 30 minutes lang..partida may reading comprehension pa yun.

It was all ruined.

Hindi ako kinabahan buong araw, hindi rin naman ako na-satisfy sa nagawa ko. Ang nasagutan ko lang ata ng walang kahirap-hirap doon e yung Theology. Yung Science kontodo hula ako!

Hindi ko laam kung naong mukha ang maihaharap ko sa Mama ko noong Lunch Break. Disappointed talaga ako sa sarili ko. Ngayon ko mas na-feel na bobo talaga ako..na wala akong binatbat. Sabi ni Mama kain daw ako sa McDo after ng exam...pero tumanggi ako. napilitan nga lang akong inumin yung Royal ng binili niya sa tindahan ee..para sakin kasi hindi ko deserve yung mga bagay na yun lalo pa't hindi ako sure kung papasa ba ako.

Nakaka-guilty. Masyado kong nasayang yung opportunity. Pag di ako pumasa, masasayang ko ang oras na sana kasama pa ng kapatid ko yung mama ko sa school niya. Masasayang ko ang pamasahe. Masasayang ko ang oras ni Mama na ginugol niya sa paghihintay sa akin at sa pagbibigay sa akin ng moral support imbis na pinahinga at tinulog niya na lang yun sa bahay. Masasayang ko ang pagod ni Mama. Masasayang ko ang mga pangarap nila Papa at Mama para sakin. Masasayang ko ang pagkakataong matulungan silang mabawasan akg mga bayarin nila at gastusin sa akin.

Kaya nga kanina sinolve ko yung grade ko..kung sakaling makakuha man ako ng 75% sa entrance exam..pasado pa rin kaso mababa na...pero ayos lang. Basta ang main goal ko makapasok sa paaralang iyon.

Ngayon lang as in this time lang ako nakaramdam ng kaba..kasi kung iiimagine mo talaga yung performance ko kanina...milagro ang kailngan ko para pumasa.

PERO NANINIWALA AKONG MAY AWA ANG DIYOS

Gusto ko sa school na yun kasi una, makakatulong nga talaga siya sa aming pamilya. Mahirap humanap ng Catholic School na pang mahirap. Tsaka hindi na ako matatagtag sa biyahe. Gusto ko rin mag-grow at magbago...at yun ang naisip kong paraan. Kailangan ko uling mapalapit kay God. Wala ng Sir MelO o Lola para lagi akong i-guide kay God. Tsaka gusto talagang mag-aral sa Catholic School.


KAYA KAILANGAN PUMASA AKO!!!!!!!!!! IDADAAAN KO NA LANG TO SA MATINDING DASALAN...WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS...ALAM KONG GUGUSTUHIN NIYANG DOON AKO MAG-ARAL!!!!!!


Prayer:


God, marami pong salamat dahil binigyan Niyo ako ng pagkakataong makilala ang CDW. Alam Mo po God, sobrang nabigyan po ako ng pag-asa nung nalaman kong magbubukas ang College na yun. Malaki po ang maitutulong nun sa pamilya namin pati sa aking sarili. God, alam Niyo naman po kung gaano ko kagusto dun...please God ipasa Niyo naman po ako sa exam. Nakita Niyo naman po yung ginawa ko kanina...talagang pinilit ko pong tapusin yung exam. God Please nagmamakaawa po ako sa Inyo..ngayon Niyo po ako pagbigyan sa hiling ko...ito po talaga ang gusto ko..naniniwala po akong walang imposible sa Inyo..

I-aanounce po sa radio ang makakapasa within this week....kung maririnig man po ng mga magulang ko ang pangalan ko na babanggitin ...iyon na po ang magiging pinakamalaking regalo ko sa kanila. Tsaka God, ipinapangako ko po...kung makakapasa ako pagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko.

God, I know it's your plan, I put my trust in your hands....Amen.