nabanggit ko din sa hulihan ng post ko about first year si Draenzel ng buhay ko..sino nga ba si Dranzel?? ano ang naging papel niya sa paglimot ko kay ----??
sa totoo lang, hindi totoong napagtakpan ni Dranzel si ---, kasi hanggang 4th yr. mejo kinikilig pa rin ako kay ---. si dranzel, isa lang naman siya sa milyon-milyon kong lalaki (sa panaginip). oo, marami akong lalaki sa panaginip. hanggang sa pagtulog ko kasi ay hindi ako nagsasawang mangarap. pero naman, baka isipin niyo wala akong lalaki sa totoong buhay aa..marami...isa na si dranzel.
sino ba si dranzel??
-- kaklase ko siya noong first year.
anong naging relasyon mo sa kanya bukod sa nabanggit??
--ka- m.u ko lang naman siya.
oo, m.u lang ang inabot namin. di naisakatuparan ang lahat. bakit?? halina't usisain natin ang aking nakaraan...
sa kalagitnaan ng pakikipaglandian ko kay ---, biglang sumulpot si dranzel. sa pagkakatanda ko, hindi kami close. magka-grupo lang kami noon sa science. madalas ipagtabuyan siya sa grupo namin dahil sinasabi nilang wala siyang silbi. pero sa totoo lang, siya ay may sense...di lang pinakikinggan. naawa naman ako kaya kinakausap ko siya...hanggang don na lang ang naging turingan namin. natatandaan ko din na pareho kaming sumali sa isang religious org sa school at nagretreat kami overnight sa school. kagroup ko din siya noon at kahampasan ng throw pillow sa ibabaw ng patong patong na foam. pero hanggang don lang yun. hanggang sa dumating ang araw ng planong pagpapraktis ng dula sa Ibong Adarna. kakaunti lang kaming nagsipunta at isa siya doon. wala kaming ginawa kundi ang kumain at magharutan. ewan ko kung anong nangyari...ang naaalala ko na lang, kumakain kami ng junk food tapos binigyan niya ako ng mr. chips (yes, naaalala pa!). tapos nagkakwentuhan kami sa isang sulok. tuwang tuwa ako noon sa binti niya...kasi, di tulad ng ibang lalaki, napakapino at ang ganda ng bagsak ng buhok niya sa paa. yun yata ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan ee..pero wala pa tayo dun.
simula noon naging malapit na kami sa isa't isa. hindi ko talaga maalala kung paano ee basta close na kami!! minsan nga, nagpapraktis ang lahat sa classroom, e dahil isa lamang akong hamak na scriptwriter, matapos ko magawa ang script ay inichapwera na lang ako sa isang tabi. nakaupo ako non, tahimik na nanunood sa walang kakwenta kwentang praktis. bigla siyang tumabi sa akin. nagkakwentuhan kami. di ko maalala ang eksaktong usapan namin (wa kong pake!) pero naaalala ko pa ang mismong ginagawa namin..nagtatawanan kami as in kami lang tapos wala kaming pakealam sa paligid. tapos pinipilit ko siyang ipakita ang binti niya...para akong naglilihi...payag naman siya..tapos nagkikilitian kami...basta! maya-maya may gumulo s usapan namin. sabi niya, kanina pa daw niya ako tinatawag pero busy daw ako kay dranzel. letche tameme ako nun a!haha..
simula noon ,naging tawagan na namin ni dranzel ay pangit at buhok. pangit talaga kaso iniba ko ang akin ginawa kong buhok in honor of his legs!!haha!!
edi ayun close na nga kami. araw araw na kaming nag uusap. tumatabi na siya sa akin lagi. (sa right side ko lang kasi yung seatmate kong si --- laging nasa upuan niya e nasa left ko siya.). basta nagiging sweet na kami, marami ng nakakahalata. may insidente pa nga na umupo siya sa left ko kasi di nakaupo doon si ---, nakikipaglandian siya noon kay "Ona". edi syempre selos ako diba..babae yun e..edi di ko siya pinansin. tinuon ko ang atensyon ko kay dranzel. magkadikit kami as in..magkaharap sa isa't isa habang nagngingitian at masayang nag uusap. nasa gitna ako ng pag-iilusyon ng lumapit si --- at pinaalis si dranzel sa upuan niya. nagalit ako sa kanya noon. paano, di naman pala siya uupo.
nung umupo na siya, e galit nga ako diba...lumayo ako sa kanya, tumalikod. sabi niya, ok lang daw umupo kahit sino, wag lang si dranzel. nagtataka ako kasi magkaibigan sila at dati ok lang sa kanyang maghapon kaming magdaldalan ni dranzel habang nasa upuan niya. strict na si loves kaya di na ko umimik. matagal ko siyang di kinikibo. ng makaramdam, siya na kumakausap sa akin. ok na lang, me right side pa naman e. pero pag nasa right si dranzel, kinukuha niya ang monobloc at pumapagitna sa amin (aisle kasi sa right ko bago ang sunod na upuan).
yun. hanggang sa kinuha ni dranzel ang number ko. naging textmate kami at lalo kaming napalapit sa isa't isa. hanggang sa bakasyon, nagkwento siya tungkol sa first love niya. ok naman...maya-maya bigla niyang tinanong (sa text yun a kasi nagtetext kami), "gusto mo ba malaman kung sino 2nd love ko??" sabi ko, "sino??", sabi niya, "ikaw.". whatda!!! tumigil ang mundo ko dun aa!! napatulala ako sa cellphone ko, lalo na, alipin pa sakto ang pineplay sa radio..theme song naming 2 yun. tae di ko alam gagawin ko. oo, me nararamdaman na ako para sa kanya...as in in-love na din ako sa kanya...yun na ee...tinatanong na niya ako kung pwedeng maging kami...sa kasamaang palad, nasa kalagitnaan ako ng identity crisis noon (feeling ko lalaki ako)...at sobrang na-shock ako sa sinabi niya. lam niyo sinabi ko?? sinabi ko sa kanya na tibo ako at di ko siya gusto!!!!
umiyak siya nun. nagkita pa kami at yun. yun nga. sbai niya ok lang daw kahit tibo pa ako, actually di siya naniniwala pero sabi niya kahit ano pa daw ako mahal niya ako. tae binasted ko talaga.
nawalan kami ng communication matapos kunin ng bruha kong tita ang sim ko at ipinalit ang sim niya.
kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi ako, OO SOBRANG NAGSISISI AKO!!!! kung nakinig lang sana ako sa puso ko diba...naman!!!kaya ng di rin totoo na "sundin ang utak wag ang puso" kasi mas masakit pag utak..di ka na sumaya, nagsisi ka pa. sayang talaga yun.
matagal din kaming di nagkakausap. di na kami naging magkaklase hanggang 4th year. muli kaming nagbati noong 3rd year ng maging student teacher ako. nitong 4th year, angkatext kami ulit at pinilit niyang pag usapan namin yung nangyari sa amin. sinisisi niya ako tungkol dun. sabi niya, may feelings pa siya ngayon pero malayo na daw kami sa isa't isa. naiyak ako. ewan. basta. naiyak ako. nagpasya na lang kaming maging friends na lang. noong outing nga ng batch namin, ang bait niya sa akin, pero halatang nagkakailangan pa kami. lalo na nung magkayakap kami sa pool..akala ko may kissing scene na magaganap pero wala. nakita ko ang lungkot sa mata niya. at sa tuwing magkatext kami o nagkikita katulad nung sa pool, lagi niyang binubulong sa akin ... "ikaw kasi ee, edi sana hanggang ngayon tayo pa.."
sabi niya, para sa kanya naging kami. edi ganun na rin sa akin.
pag naaalala ko siya, nalulungkot talaga ako. mahal ko siya. minahal ko siya.