De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

22 January 2011

Desperada de Soltera

Desperada de soltera. Yan yung term na ginamit ni Sguru kay DdS dati. Tumatak yan sa isip ko. Ang kulit kasi e. Desperada ... Desperate. Soltera ... Maiden. Kunwari invisible na lang ang de.
So ito yung post na sinasabi ko sa nauna kong post...
Title pa lang alam ng ito ay tungkol sa isang babaeng desperada ... at ... sabi nila .. ako daw yun.
Sa dami ng na-experience ko tungkol sa love-love na yan ... lalaki .. babae na rin ... ni minsan di ko narinig o nalaman na sinabihan ako ng 'desperada' ng mga naging kaibigan ko. Siguro meron din di ko lang narinig. Pero wala din talaga kasi di naman ako ganun at di ko naman nakikita sa sarili kong nakaganun ako. Kaya nagulat ako kasi bago sa pandinig ko yun ... ngayon kasi .. congrats sakin .. natawag na kong DESPERADA.
Bakit?
Hindi ko na gustong i-detalye pa. Pero magkukwento ako ng konti. Noong kelan lang ... mga last, last week... magkatext kami ni Tralala at sinabi ko na, "Alam ko iniisip niyo napakadesperada ko..." sabi niya, "Buti alam mo."
Bago yan, bakit ko naisip? Simple lang. Narinig ko sa kanilang dalawa ni Sapak nung minsang pinagbubulungan nila ko sa classroom (actually di yun bulong kasi narinig ko .. pero para sa kanilan bulungan yun).
Nangyari ito noong .. a ... Lunes yun alam ko e. Oo Lunes nga. Si MP, ininvite ako na umattend sa gawain kung san siya magto-talk na tamang tama malapit sa amin. So syempre go naman ako .. kasi first time ko nun makaka-experience ng gawain sa ibang lugar at dito sa Las Piñas kasi laging sa Cavite lang ako. Tsaka nga diba ... di ko ugali yung tumatanggi sa imbitasyon depende na lang kung di ko talaga trip.
So Lunes na. Anong date ba yun??? Hmmm .. Jan. 3??? Tama ba ...basta .. tama nga ata. Oo tama. First day of class after ng Christmas vacation. So ayun nasa plano na nga na after dismissal pupunta ko dun sa simbahan.
Hindi ko naman pinagsabi yun kahit kanino. Wala as in wala akong sinabihan. Pero astig talaga yung si Sapak at Tralala ... ang galing nilang manghula.
Dismissal. Nagpasama sila sa computer shop .. SANDALI LANG DAW...ang alam ko nun ika-copy lang ni Sapak yung term paper na gawa ni Tralala. So ayun. Bale apat kami... si Sapak, Tralala, ako at si ATBAB. Isang computer lang ni-rent nila ... tipid-tipid din ... naunang gumamit si ATBAB. Medyo nagtagal siya ... sabi niya sandali lang ... haiz. Eh nung mga time na yun nagtetext si MP ... di pa daw start ang Mass pero meron .. e gusto ko sanang makaabot sa Mass .. at abot na abot naman talaga ko kung umalis na ko nun ... pero ... di ako makaalis .. kasi ...
Ayun. After ni ATBAB mga 20-30 mins siguro .. nagpaalam na siya. Nauna na siyang umalis samin. Di naman ako inis sa kanya. Ayos lang. Di pa ko umalis kasi nagpapatulong sakin sina Sapak at Tralala. Una sa pagkakabit at pagbubukas ng Flash Disk ni Tralala na kung saan-saan ko na sinaksak wala pa rin. Tapos nung nabuksan na namin yung term paper niya .. akala ko ika-copy na lang .. alangya pinapa-edit pa nila sakin! Andaming typographical errors! Sabi ko, may computer naman siya bat di niya na lang i-edit sa kanila. Sabi niya wala daw silang ink ... at gusto na niyang ipa-print habang andun kami. Eh ayun dahil mabilis daw ako .. ako na lang. E jusmiyo ... 10 pages tapos sobrang dami pa .. as in di bababa sa 10 typographical errors ang meron kada page. Grabe.
Nung una ayoko .. sabi ko mauna na ko sa kanila. Tapos sabi ba naman ... "sus.. magkikita lang kasi kayo ni ano kaya ka nagmamadali .." so no choice. Kailangan kong ipakita sa kanila na di si MP ang dahilan ng pagmamadali ko. Actually sinabi ko pala na aattend ako ng gawain sa amin dito nga sa Las Piñas ,.. tapos sabi nila .. at pinagpipilitan nila .. na kaya ako aattend kasi si MP ang Preacher. Grabe mga manghuhula.
So yun habang ginagawa ko na .. nauubusan na ko ng pasensya at nauubusan na rin ako ng oras. Narinig ko silang nagbubulungan sa likod ko (bulong nila parang natural na usap ... rinig na rinig ko grabe.) Sa usapan nila, narinig ko na ang desperada ko daw masyado dahil nga pupuntahan ko pa si MP. Di na lang ako nagrereact.
After an hour nakapag-out na kami. 7:30 pm na nun. Nagpapasama pa si Sapak sa SM para bumili ng papel niya. Ayoko na sana kaso sabi niya, "sige na mauna ka na, wag na tayong pumunta ng SM ... hinihintay ka na ng date mo .." tapos magtitinginan sila ni Tralala at tatawa. So ako naman ... sabi ko, "date ka jan .. tara na samahan ka na namin ... di naman ako nagmamadali ..."
So ayun. Nagtext ako kay MP na papunta na ko nun mga 7:30 ... pero ang totoo 8:30 na kami nakaalis sa SM. Grabe talaga.
Tapos di pa natapos dun. Bibili sana ako ng cake tulad ng sinabi ko kay MP na bibigyan ko siya ng cake bilang gift ko sa kanya ng Christmas. Aba, nung nag-iisip na kong bumili ng cake .. sabi ng dalawa ... para san daw ang cake at parang ang special naman ng pagbibigyan ko .. tapos tinginan ulit tapos tawanan sila ... as in yung may meaning na hagikhikan nila. Sabi ko, "hindi wala tiningnan ko lang .." so no choice, sa brownies ako nauwi. Ayos lang nakatipid ako ... pero kasi wala nasira yung plano.
So yun ... mga quarter to 9 na ko dumating sa simbahan. Tamang-tama ... halos wala na rin akong naabutan. Meron pa naman pero last parts na .. yung part na as in mahihiya ka ng pumasok dahil patapos na nga. Ayun.
Kinabukasan, ayun .. magka-usap kami sa room ni Tralala .. at yun nga .. desperada nga daw ako. Dapat daw si MP ang pumunta sakin di daw ako .. pero sabi niya alam niya kung bakit ako desperada kasi nga daw ... may asawa si MP. Grabe.
So hindi man halata pero na-hurt ako dun. Natawa na lang ako pero ang totoo di ko talaga nagustuhan yun. Napaisip ako. Desperada ba talaga? Kasi naman ... di naman si MP ang pinunta ko dun kundi yung gawain nga ... pero syempre may butas pa rin .. kung gawain lang talaga bakit pinilit ko pa ring humabol kahit alam kong wala na halos akong aabutan .. dun na papasok si MP ... kasi nangako na ko na pupunta ako. At kahit ano pa man ang abutan ko.. dapat pumunta ako dahil yun ang sinabi ko.
Pero wala naman yung kinalaman sa kung anuman ... ang ibig kong sabihin .. walang ibang ibig sabihin ang ginawa kong yon ... pero ako lang pala ang nag-iisip ng ganun ,. kasi sa mata ng iba napakadesperada ng move ko. Haiz.
Yun nanaman ang issue kanina.
Environmental Science. Dumadaldal kami ni Sapak. Sabi niya nanaman desperada daw ako. Tanong ko naman, bakit niya nanaman nasabi yun. Wala naman siyang diretsong sagot .. ang sabi niya lang ... di daw siya tutulad sakin (kasi ang pinag uusapan namin nun kung sino yung crush niya sa room ... at nung si Tom na ang nasama sa usapan nasabi nga niyang di siya tutulad sakin.) So panong di tutulad?? Sabi niya .. di daw siya tutulad sakin na yun nga .. sa may asawa pa at matanda na .. desperada daw kasi ako. Grabe. Grabe. Grabe.
At hanggang sa pagpunta namin sa Bamboo Organ yun ang pinagdidiinan niya sakin .. pinapaalis na niya ko ... sabi niya nagmamadali daw ako kasi pupuntahan ko pa si MP. Ewan ko ba dun. Lagi na lang. Tulad nung Wednesday maaga kasi akong umuwi. Tapos tinatanong niya ko kung san ba ko pumunta nun at nagmamadali ako. Sabi ko may hinahanap ako .. pero pinagpipilitan niyang may kakikitain ako .. pero di naman niya sinasabi kung sino ... pero sino pa nga bang iisipin nun diba .. matik na yun. Tapos nung Thursday din .. kasi sa Sucat ako dumaan pumunta pa kasi ako ng Alabang. Iba din tingin niya nun. Haiz. Feeling nila lagi makikipagkita ako kay MP kahit di naman. Kaya nga ganun na lang ako umiwas kay MP kahit di naman dapat e.
Desperada ba talaga?? Parang di ko kayang tanggapin yung term. Ampanget. Grabe talaga ang mga tao .... kakaiba ang takbo ng isip. Di makontrol ...iisipin nila ang gusto nilang isipin kahit wala na sa lugar ... magsususpetsa sila sa lahat ng kilos mo ... lagi ka na lang sinungaling .. ang iniisip lang nila ang tama.
Desperada ba talaga?? As in?? Ganun ba talaga yun?? Anong dapat kong gawin?? Dapat ko na rin bang iwasan si MP tulad ng pag-iwas na ginawa ni Iwasya kay Sguru???
NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

basag ang pride ko nanaman grabe talaga.

Bakit kaya ko ganito?? parang di ak nauubusan ng kaaway kada linggo. Ginagawa ko na naman ang lahat ng makakaya ko para maiwasan ... kahit magkabasag-basag na ang pride ko ok lang ... kahit mukha na kong tanga kaka-sorry kahit di naman kailangan ... kahit ang korni korni ko na ... wag lang magkaroon ng di magandang relasyon sa aking mga tinuturing na kaibigan. Pero at the end of the day, same old phrase ang naririnig ko ..

"ANSAMA MO ..."
Ganun na ba talaga ko kalala? As in wala ng lunas??
Noong Tuesday, nabasa ko sa papel ni Tralala na one week na kaming war. Oo nga. Di ko namalayan. Saktong one week nung Tuesday. Ni di ko naramdaman kasi di ko naman dinamdam yung nangyari at isa pa hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit nga ba kami hindi nag-uusap.
Kanina sabi naman nina Sapak at Plastic Earth na sabi naman daw ni Tralala di siya galit sakin .. ang alam daw niya ako ang galit sa kanya. Parang gusto kong mainis kasi bakit ganun .. binabaliktad niya. Kaya naman pala ganun na lang kung makatingin sakin si Nabera ... kasi ang labas pala ako nanaman ang galit ... ako ang nag-iinarte. Pero di naman talaga. Pero di ko naman gustong mabadtrip kaya di na lang ako naiinis .. natatawa na lang ako. Natatawa na lang akong makita si Tralala na kung ituring ako ay parang isang untouchable ... e kung tutuusin mukha pa lang niya untouchable na untouchable na datingan.
Paano ko nasabing parang untouchable kung ituring niya ko??
Kasi naman .. katulad nung mga nagdaang araw ... parang lagi niyang kailangan mag-maintain ng 1 meter distance mula sakin ,.. yung tipong anlapit lang ng pupuntahan niya pero dahil andun ako ... hindi na siya lalapit or kung kailangang kailangan na niya talaga .. as in iikot pa siya ng pagkalayo-layo wag lang mapalapit sakin. Tapos may insidente pa na tipong .. nakaupo ako. Yung upuan niya katabi ko. E uupo siya dun. Ayun hahatakin niya yun palayo bago umupo. Grabe. Parang meron akong sobrang nakakahawang sakit kung pandirian niya. Tapos tulad kanina ... todo react siya ... yun pala ... nakaupo kasi ako sa upuan niya at ang bag niya at bag ko ay magkatabi sa isang upuan. Grabe talaga. Tapos kanina din ... edi kinuha ko yung ID niya ... kasi nga ako na gumagawa ng paraan para maging ok na kami ... so kaya ko kinuha ID niya para siya kumuha sakin mismo hindi yung inuutos niya kay Sapak tapos para yun nga ok na kami. Ayun edi binibigay ko na. Ayaw akong lapitan. Nag-iinarte. Ewan ko ba pero di ko na makuhang magalit sa kanya. Naaawa na lang ako ,... nababaliw na kasi talaga siya .. tingin ko. Tapos ayun .. nung pauwi na... pasakay na ko ng jeep ... inabot ko na ang ID niya .. ayoko naman kasing iuwi pa yun no ... grabe halos ayaw hawakan yung ID kasi ayaw niyang madikit yung dulo ng mga daliri ko sa kanya. Grabe talaga.
Diba ... para kong may ketong ... mas malala pa nga ata e ... di ko maintindihan kung pinandidirian niya ko o ano ... kasi sabi naman ng mga nakakausap ko (kusa silang nag-oopen kahit di naman ako nagtatanong ... gusto ko nga sanang sabihin na hindi naman ako interesado pero mukhang interesado silang malaman ko ang sinasabi sa kanila ni Tralala.) Ayun nga ... sabi ng mga nakakausap ko katulad ni Plastic Earth kanina ... sabi nga daw ni Tralala AKO ANG GALIT AT HINDI SIYA. Ewan. Ako pa ngayon. Ako pa talaga. Ako nanaman ang lumalabas na echosera.
Dahil napag-uusapan si Tralala, malamang kakabit niyan si Sapak. Isa pa yun. Di ko din maintindihan ang utak nung ano na yun. Ok naman kami .. d ko naman siya inaaway .. di rin naman niya ko inaaway. Pero maya-maya biglang badtrip na siya. Katulad kanina. Nasa Bamboo Organ kami. Grabe good mood pa naman ako kanina a ... tapos siya ...grabe. Di ko ma-explain ang ugali. Gusto kong ikwento dito pero kasi para yun sa isa pang isuue sa ibang post. So ayun ,... dahil ayoko na lang na may masabi pa ko na makakalala ng sitwasyon .. umalis na lang ako kanina at napilitang umuwi kahit na hindi pa dapat.
Sabi ko nga kanina .. sana pala di na lang ako sumama sa kanilang dalawa. Di na ko natuto. Nasira nanaman ang araw ko for the nth time around. Laging ganun pero lagi pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat. At .. lagi din akong bigo. Grabe. Pag nasira pa naman araw ko .. wala na .. kabit-kabit na yun ... kaya yung mga trip ko sanang gawin wala na .. kaya ayun panibagong problema nanaman.
So yun nga. Plano ko kasi talaga ngayong araw e umattend ng gawain kung saan si MP ang magpipreach. Kasi nag-invite siya na pumunta ako ... isa pa yun nga yung trip ko ngayon .. ang umattend at magpunta sa iba't ibang simbahan. Pero di ko ito nagawa ngayong araw (hala kahapon pala ... Jan. 22 na ...). Kung kelan naman nagpaalam ako ng maayos kay Mama. Kaya gulat si Papa nung tumawag ako at sinabi kong nakauwi na ko .. mga 6:30pm siguro yun. Alam ko di valid reason ang sabihin kong nabadtrip ako kaya di ako nakapunta. Di naman din kasi yun yung rason ko. Gusto ko mang ikwento dito yung rason ... wag na lang .. sa susunod na post ko na lang kasi isa pa siyang panibagong topic. So ayun. Di nga ako nakapunta. Ayoko talagang di makapunta kasi una, yun ang gusto kong gawin (ang umattend). Pangalawa, si MP alam ko magtatampo yun sa di ko pagpunta .. parang nun kay Crush .. e matampuhin din kasi yung matandang yun. Pero kahit alam kong magiging ganun nga di pa rin ako pumunta ... tinulog ko na lang ... kaya nga eto mulat ako ngayon e kasi nakatulog na ko saglit kanina.
So yun nga. Nagtampo siya. Hindi ko alam kung tama. Hindi ko naman kasi siya nakausap o nakatext ngayong gabi. Diba natulog nga ko. Nagising ako sa text niya mga bandang 10 pasado na ... sabi nya "Daya mo". Ang interpretasyon ko dun, ang daya ko kasi di ako pumunta sa gawain nga. Pero nagtanong pa rin ako ng, "bkt?". Di siya nagreply. Ako ayun pinipilit ang sarili kong wag mawindang. Mga after 30 mins nagtext ulit siya ... paidlip na sana ako nun .. sabi niya, "wag ka ng magtext". Grabe nagising talaga ko. Wag daw magtext. Pwedeng ibig sabihin nun, "wag ka ng magtext, andito na ko sa bahay" o "wag ka ng magtext, kasama ko o kausap ko asawa ko" pero ang naisip ko, "wag ka na magtext ... ever! I hate you! rawr!".
So di nga ko nagtext. Mga 1 hour siguro o mga 45 mins lang. pinipilit kong matulog ulit at wag na lang dibdibin ang mga sinabi niya... pero wala e .. gising na gising na talaga ako at wala akong ibang naiisip kundi yun. Naisip ko nga tawagan ko kaya kasi sabi niya lang naman 'wag magtext' hindi 'wag tumawag'. Kaso naduwag ako kasi baka di nya sagutin o kaya naman baka sigawan lang ako sa phone o kaya sabihin ang echosera ko masyado. So nagtext na lang ako. Sabi ko muna.. "bro .. . " tapos "ui, sori na .. .". Grabe. Habang naaalala ko ngayon to naaawa ako sa sarili ko ... ganito na talaga ko ngayon .. grabe talaga. Ang korni ko na. Tapos ako pa nagpapakagaga. Grabe talaga. Ngayon ko lang ginawa to.
Tapos di na sya nagtext. Di sya nagreply. Wala.
Naalala ko tuloy kaninang umaga .. medyo may away din kami kanina. Kasi tinanong ko siya kung lasing ba siya kagabi. Sabi niya hindi naman siya tomador at lasinggero at galing siya sa gawain .. kesyo wala naman daw okasyon ... at antok lang daw talaga siya kagabi. Tapos tinatanong niya ko kung bakit ko nasabi o natanong. Sabi ko, wala lang kasi kakaiba lang sya kagabi. E ayun .. diba nga di siya nakukuntento sa sagot na 'wala lang' .. yung mga ganun ... kaya sabi niya after ng pagpipilit sakin.. "bahala ka na nga". Tapos reply ko ... "bahala talaga ko".
Pero san ka, nagtext ako ...grabe talaga. Sabi ko bati na kami ... sorry na... ganyan ganyan. Sabi niya bati naman daw niya ko lagi kahit ginaganyan ko siya. Hindi ko alam kung ano yung 'ginaganyan' pero halata naman na negative. Tapos ayun. Sabi ko ''sobrang sama ko na ba talaga sayo?? sorry na.." tapos reply niya, "Iba ka talaga". So ano pa nga ba ang ibig sabihin nito?? malamang ....
"IBA KA TALAGA KASI ANG SAMA-SAMA NG UGALI MO."
Yeah right.
Ano ba talagang problema ko?? Bakit ba ganito? Sa kanilang tatlo wala na kong pakialam kina Sapak at Tralala kasi din naman ako tinuring na kaibigan nun .. at si MP .. siya lang ang kaibigan ko ngayon ... pero kahit na ganun pare-pareho ko silang ayokong maging kagalit ko. Ayoko talaga. Ayoko na nga ng kaaway. Pero bakit ganun?? Lagi na lang. Lagi na lang talaga. Kaya di na ko magtataka kung bakit ganun na lang ang tingin sakin ni Nabera e ... yung tingin na tipong nagsasabi na ako na talaga ang pinakamasamang tao sa mundo .. at pati yung favorite line ni Sapak na ... "ansama mo talaga. masama ka. wala kang kasing sama."
Ako naman e di na masyadong apektado nun kasi tinanggap ko na yun na ganun nga ako .. pero bat ganon?? Pinipilit ko namang magbago .... binababa ko na ang pride ko ... iniiwasan ko na nga lagi na sumagot kahit gusto ko e ... nananahimik na lang ako para wala na lang gulo at di na lumala pa ang sitwasyon. Pero wala, ganun pa rin.
Ako talaga .. alam ko ... ang may problema dito. Kasi .. lahat na lang kaaway ko. Tapos ... dahil lahat kaaway ko wala na akong kaibigang natitira ,.. kasi lahat sila magkakakampi. Syempre san ba papanig ang mga tao kundi dun sa naagrabyado.
Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya. Parang ayokong umattend pero syempre ang pinunta ko naman dun si God. Kaso ayokong makita si MP. Buti na lang di na talaga ko pumayag sumama sa lakad nila Sapak at Tralala mamaya .... yun na ata ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko. haiz.
Ano ba ... Ano ba ... bakit ba ko ganito ... ?? !!!
Self-pity? Hindi no.
Pero ito talaga .. di ko alam kung matatawa ako o maiinis. So yun nga di na nga nagtext o nagreply si MP. Mga siguro past 12 na rin ...biglang nagtext si gago. Sabi niya andun na siya sa kanila. Bigla ko tuloy naisip, "so?". Hai. Di ko malaman tuloy kung galit ba talaga o sadyang o.a. lang talaga ako.