De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

12 April 2011

bingo. XD

ayun o ...

ako na nawili mag bingo ,,,

naku anong oras nanaman ako magigising nito ...

kailangan kong masunod ang sched na ginawa ko kanina ..

5 am wake up time!! wooooooo!!!

haha!!

ang kulit kasi nung bingo nakakaloko .. palibhasa yun lang ang alam kong sugal. ang masaya pa andami kong kalaro .. hahaha!!

i'll play again tomorrow .. saints and sinners! woooohhoooo!!!!
TUTULOG NA KO!

MORNYT. XD

plastik.

si geh at si wendy .. magkasama nung sabado nung nakita ko. nung una halatang ilang si geh na kausapin ako at parang gusto na niyang umalis . pero nung tumagal, umupo din siya sa tabi ko at nagkwento. alam niya kasing makikinig ako.

si geh .. ewan ko ba .. pero ilang na rin ako sa kanya. sa tuwing nakikita at nakaka usap ko siya, di ko maiwasang isipin na pinaplastik niya na lang ako. yun talaga ang feeling ko. nag iingat ako sa mga sasabihin ko sa kanya .. kasi wala na talaga akong tiwala sa kanya.

ewan ko .. hindi ko alam kung nabiktima na niya ko. pero nung nakita ko kung paano niya tirahin si clay patalikod .. naalarma talaga ako.

pero ang maganda kay geralyn .. kapag ayaw na niya sa tao .. nilalayuan na niya .. tapos saka siya magsasalita sa likod niya. tapos kakausapin ka pa rin niya paminsan pero di na tulad ng dati. pero pag ayaw na niya talaga sayo .. di na. yun lang ang ok kasi at least . nalayo na siya diba. pero plastik pa rin. backbiter pa.

hai. pero mabait na kaibigan si geh. syempre di ko pa rin naman malilimutan yung mga super efforts niya for me. :D

tulad nung sa math problem ... nung sa photocopy ng sa cdw .. tapos .. marami pang iba. :)

nung sabado ko pa dapat ipopost.

hmmm... wala ako sa mood ikwento pero gusto kong ikwento.

noong sabado, magkasama kami ni wendy. naka upo kami sa ... basta sa tapat ng avr yun. kumakain kaming dalawa. dumaan si kuya abby tapos sabi niya lilibre niya kami ng milo. di sana kami sasama kaso wala e, kinuha na ang bag ko at binitbit na ni kuya hanggang sa tindahan / canteen malapit doon.

nagkukwentuhan kami tapos kinuha ni kuya yung number namin. si wendy, as usual, memorize lahat ng number ko. tapos nakitext siya. tiningnan niya rin yung contacts ko. nakaayos. naka-segregate kasi yung smart, globe at sun. tapos sabi niya ganun din daw ang kanya. gaya gaya daw ako kasi nauna daw siya .. luma na daw phone niya. sabi ko naman, kahit sa mga nauna kong phone ganun na ko sa contacts. tapos pinakita niya sakin yung smart, globe ... yung symbols na gamit niya .. tapos yung sun. kaming dalawa lang ni geh ang may number na sun sa kanya. sabi ko, burahin na niya dahil wala na ang sim ko ..sira na. ayaw niya maniwala kaya pinakita ko ang wasak kong sim card sa kanya. tawa siya ng tawa, tapos tinatanong niya ko kung umiyak daw ba ko. syempre sabi ko hindi. :D

tapos bigla niyang sinabi .. nung di pa kami magkasama (maaga kasi siyang pumunta ng Amvel nung araw na yun kasi sabi niya may dadaanan pa siya yun pala kasama niya mama niya. haiz) ayun na nga .. nung di pa kami magkasama, nagpunta na daw siya ng avr. nakita niya daw si MP. tinanong daw siya kung sino kasama niya, sabi niya sya lang. tapos nagtanong daw ulit kung sino kasama niya mamaya .. tapos naputol .. di na naituloy ni wendy kasi ininterrupt kami ni kuya abby.

ayun hanggang sa di na niya naituloy.

pero ..

alam kong di totoo ang sinabi niya. .. na gawa-gawa niya lang yun.

bakit?

1. sabi niya sakin di pa siya napunta ng avr tapos ngayon sasabihin niya pumunta siya.
2. wala si MP. di ko siya nakita nung gabing yun. mukhang di siya umattend.

kaya nung hinatid ko si wendy sa pwesto ng mama niya, sinabi ko sa kanya na disappointed ako sa kanya. kasi, nung nakaraan, sinabi ko sa isang kakilala, .. di ako sigurado kung si geh ba o si sarah .. na si wendy .. kahit medyo plastik, di siya marunong gumawa ng kwento. mahahalata mo pag nagsisinungaling siya. tapos, di pa niya nagagawa sakin yun... kasi pag magsisinungaling siya sakin inaamin niya agad wala pang 1 second. pero yun nga sa sinabi niya .. alam ko at ramdam ko kasing gumawa lang siya ng kwento. pero tingin ko di niya naintindihan kung san ako disappointed sa kanya. pero ok na yun. slow talaga yun si wendy.

pero wala napaisip din naman ako sa kinwento niya. napaisip lang. pero di ako naniniwala.

di ako naniniwalang ...












nakita niya si MP. hahaha!

buti di ako tinamad...

kanina ,, thank God .. naka-attend ako sa BFRV. medyo parang tinatamad pa ko kanina .. at una, kinakabahan akong magpaalam kay Papa kasi baka di ulit ako payagan. e nung pinayagan ako .. ayun .. parang yun na ang naging motivating factor ko.

so mga past 7 na kong umalis ng bahay .. dumating ako dun mga 7.30 na .. pero ayun .. misa pa lang. Homily na nung dumating ako. umaasa ako na si Bro. Jun ang preacher (kahit na syempre malabo) .. at ayun nga ..hindi nga siya. haha.

asa likod kasi ako .. tapos natingin ako sa paligid .. hinuhulaan ko kung sino ang preacher. may nakita akong isang mama na naka-pink na polo na long sleeves. akala ko siya na .. pero naisip ko ..mukang mayaman yung tindig niya .. i mean... di pang preacher kasi mayabang ang dating.

tapos may nakita naman akong naka-yellow na polo, hindi long sleeves. at ayun nga, siya nga ang preacher. nung una akala ko isa siyag preacher na na-encounter ko na dati pero di pala. ang cute niya. di siya kagwapuhan pero ... nadadala siya ng kanyang dimples. ngayon ko lang napansin ang sinasabi nila na cute sa lalaki ang may dimples. basta ang cute ng dimples niya. ngayon ko lang din nagustuhan ang dimples kahit na ako mismo meron nun. tapos tuwing magsasalita siya lumilitaw kaya akala mo tuloy lagi ka niyang nginingitian. ang cute. para sakin maganda siyang model preacher. alam ko na malaki ang naitutulong ng dimples niya kasi kahit ako minsan kahit di ko trip ngumiti lumabas lang dimple ko para na kong nakangiti. pero kasi dapat ang mga preacher .. laging naka-smile. e napansin ko na sa dami ng preachers na nakikita ko lalo na kung sabado .. karamihan suplado. aba, sila pa suplado a. pero sabagay. majority kasi sa kanila, may asawa na ..nabibilang nga ata sa kamay ang single pa (na bata a, yung matatandang single, wa ko pake. joke!). tapos, sabi ni MP noon, bawal nga yung magka-chuva sila sa ibang babae. kaya siguro suplado sila. pero di pa rin tamang dahilan yun.

so enough na tayo sa kanya. ang post na ito ay tungkol talaga sa message na sinabi niya kanina. tungkol kasi sa last supper at betrayal kay Christ ang Gospel. haba nga e ... ang tiyaga niya basahin. di tulad ng iba na pinuputol. so ayun na nga. sabi niya, may tatlong dahilan kung bakit "the wounded heart of Jesus" ang title na ginamit niya. at ito ang mga iyon:

1. betrayal

-alam naman natin na si Judas, kaibigan at itinuring na kaibigan ni Jesus, ay ipinagkalo siya. sabi niya, masakit ito. parang sa real life. kapag binetray tayo ng ating friends, sobrang nasasaktan tayo.

ako .. maraming beses na rin akong binetray. ang masakit pa dun yung mga gumawa nun mga taong talaga namang mahahalaga sa akin. malalapit sa akin.

nitong fourth year high school ako, alam naman natin na naging rebelde ako sa aming paaralan. may iilang tao lang na nakakaalam na ako ay nagsasabi ng aking mga obserbasyon sa paaralan. noong graduate na kami .. first year college na ko nun sa munti, nalaman ko na alam na ng adviser ko dati ang ginawa ko. hindi ko alam kung nagalit siya sa akin, pero yung mga galamay niya na dati kong kaklase nagalit sakin. may nag-post pa nga sa fb na ngayon daw, alam na niya kung sino ang "spy". hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa mga pinagkatiwalaan kong tao .. pero may hinala na ko kung sino. pero ok lang yun kasi at least alam na nila. hahaha.

nangyari din ito noong 3rd year ako. nireport ko kasi sa prefect ang talamak na bentahan noon sa aming classroom ng mga porn DVDs. walang nakakaalam noon na ako ang nagsabi. naparusahan ang mga sangkot. pinagmumura nila (ng buong klase namin) kung sino man daw ang pahamak na yon. nasasaktan ako pero di ko pinapahalata dahil ginawa ko lang naman kung ano ang tama. hanggang sa namatay na ang issue. noong matatapos na ang klase .. parang may recollection sa section namin nun .. lumapit sakin yung nagbenta ng mga DVDs .. at sinabing alam na niya na ako yun. di naman kami nag away kasi di na naman daw siya galit dahil tapos na .. at di rin naman ako nakunsensya. sino ang nagsabi sa kanya.? may hinala na rin ako. kasi yun lang naman ang kasama ko nung sinabi ko yun. nakakalungkot. di siya marunong magtago ng sekreto. buti di na nagkagulo. e pano kung nagkagulo pa diba? haizt.

ngayon .. wala na kaming komunikasyon ng mga nagbetray sa akin. noong una nasasaktan talaga ako .. dahil sa ginawa nila. pero ayoko ding masira ang friendship namin. pero ngayon na-realize ko .. sa una lang yun masakit .. masasanay din ako na wala sila. at eto nga, nasanay na ko. hahaha.

2. He was left alone.

- si Jesus ay iniwan ng kanyang mga kaibigan sa gitna ng kanyang pagdarasal sa Gethsemane at noong siya ay dakpin. see? mabait na si Jesus iniwan pa .. ako pa kayang masama...

tulad nga ng sabi ni MP, sanay naman daw ako na iniiwan ng mga kaibigan ko. yun siguro ang pinanghawakan niya noong iwan niya na rin ako. alam ko naman, na kaya ako iniiwan ay dahil sa ugali ko. pero ang nakakatawa dito, hindi naman talaga ako iniwan ng mga kaibigan ko. meron akong mga kaibigan na iniwan ako .. pero di dahil sa ugali ko. ngayon lang naman nangyari to. nung una kasi, iniwan ako ng best friend ko kasi dahil iisa kami ng nagustuhang lalaki at ako ang pinili nung lalaking yun (ganda ko e. yuck.). yung second bff ko naman, iniwan ako at pinagpalit sa iba dahil nagselos siya sa bago kong kasama. yung barkada ko noong first year, ang ministry of darkness, iniwan ako dahil karamihan sa aming members naglipat na ng school (dalawa na lang kaming natira at grumaduate ng sabay noong 4th year). pero nawala man sila sa school, nagkikita kita pa naman kami tapos magkakaibigan pa rin.
meron din naman akong kaibigan na nasa ibang bansa na. pero friends at may commu pa rin kami. pero ngayon, meron akong naging kaibigan .. na iniwan ako kasi di na ma-take ang ugali ko. hai. kakalungkot.

masakit talaga .. pag nawawala yung mga taong mahahalaga sayo .. lalo na kaibigan. kasi ang mga kaibigan .. na totoo .. mahirap makita. bihira. yun ngang lilipat ng school o pupunta lang sa ibang bansa .. magkaibigan pa rin kami pero masakit pa rin sakin na mawalay sa kanila dahil nasanay na kong kasama sila. e yun pa kayang nawala dahil sa ugali ko? mas masakit yun. sobrang sakit.

3. Denial

-dineny ni Peter si Jesus. sobrang sakit nito.

maka-ilang beses na rin akong nakaranas na ilaglag ng kaibigan. pero ayos lang. dati na yun.



masakit oo, pero lumilipas naman ang sakit. sa huli, ito naman ang masasabi ko sa sarili ko pag nakita ko sila ulit eh... "naging kaibigan ko pala to?!" hahahaha!


hai. nakakatuwa. yung message kanina about friendship at kung ano ano ang mga nakaka hurt dito. super like. :D super relate.

kabado for wednesday!!! ahhhh!!!!!

kanina, tanghali, habang ako ay nagpeprepare para kumain, narinig ni Papa na nagriring ang cell phone ko. buti na lang at narinig niya dahil importante ang tawag na yon. hindi ko naman siya inaasahan pero importante talaga. umakyat pa ko sa taas para kunin ang phone. pagtingin ko, "ms. keina". si mam chona. kinakabahan kong sinagot (kabado ako kasi di ako sanay na tinatawagan ng mga teacher .. di dahil may nagawa ako dahil wala naman). so ayun .. sinabi niya na wala pa akong grade sa science .. incomplete ako at mahahatak nun ang grade ko. kaya ayun, dali dali niya akong pinapunta ng school.

pero syempre di naman ako ganun ka-atat. kumain muna ako tapos ayun pumunta na nga ako ng school.

pagdating ko doon, sina leah, mam chona at sir lee tanda lang ang nandon sa faculty. si mam chona ay nagcocompute ng wpa ... si sir lee naman gumagawa ng sched. tapos ayun .. nag final exam na ko. isinulat lang ni sir lee ang tanong sa yellow paper .. buti nga mabait si mam at binigyan ako ng papel. sabi niya pa, "mamahalin tong papel ko.." di ko alam ang gusto niyang ipahiwatig .. kung pinababayaran niya ba o hindi. pero di ko pinansin. so ayun nag exam na nga ako... essay form. buti naman at after one hour nakaraos din ako. hindi ko sinagot yung mismong mga meaning sa libro .. kung ano lang ang pagkakaintindi ko sa mga nabasa ko habang nasa jeep ako (kasi biglaan, ngayon lang talaga ako nag-review. grabe). ok naman. tinulungan naman ako ni Lord. ang saya. sana ok naman.

at ayun .. umalis na rin ako agad after ko mag exam. sa nstp di na ko nag exam kasi sabi ni batang lee noong sabado (nakita namin siya ni wendy), may grade na daw ako sa kanya. ang inaalala ko lang .. baka mahatak nun ang grades ko. kailangan ko kasing maging full scholar pa rin kundi patay ako. ngayong second sem pa kung kailan ang dami kong kontrobersiya at chismis na hinarap (celebrity kuno). kasi, kung ngayon ako babagsak, naku patay na .. may isusumbat sila mama sakin. at ako rin may maisusumbat sa sarili ko. bat naman kasi tinamad ako ng bongga e. di na talaga mauulit. buti sana kung maniniwala silang tinamad lang ako . hainako. wag lang talaga nila masali sali sa usaping ito si MP ... ai .. nako.

so ayun ... sobrang nagpi-pray talaga ako kay Lord na sana full scholar pa rin ako. nakita ko post ni leah kanina .. full pa rin daw siya. sana ako din. kung ikukumpara naman sa kanya mas ok naman ang performance ko (yabang! joke lang). i mean, kung siya na hindi lagi napasok o madalas wala sa room e full, ako pa na sobrang laging nasa room diba. pero talaga .. grabe .. nagpipray talaga ako ... sobra.


kabado na ko for wednesday. kuhaan na ng class cards. God, help me please.

1+1=3 .... :D