De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

12 January 2007

Bagong Taon, unang kalokohan.

Hay...masaya na malungkot ang aking New Year. Kasi kanina...napagalitan ako ng aking teacher ng dahil lang sa isang word...’boring’. filipino time non. Kasalukuyan kaming nagkaklase. Umupo ako sa tabi ni Nogtse Tababoi...likod ng chair koh. Umupo ako sa sahig dahil ayokong mag-recite. Eh,,,napansin ako ng mga classmates koh kaya ako ang tinawag. Hindi ko alam ang number pero nasagutan ko naman. Then, si Nogtse Tababoi naman. Mali yung mga sagot niya. Sinabi ko sa kanya na ang sagot ay letter d. then biglang lumingon sa amin si Kitty at sinabing...”ang boring kasi noh!” then sinabi koh...”oo nga noh...boring...” with matching actions pa. then nagalit na si Ms. Ana. Marami siyang sinabing masasakit na salita at halata namang ako ang pinariringgan niya dahil sinabi niyang nasa likod at umupo pa sa sahig. Ayos lang sa akin ang mga salitang binitiwan niya...ang tanging bagay na di koh lang natanggap ay ng sabihin niyang gumagawa ako ng ibang subject. At mula pa daw first quarter, gawain koh na yun...which is not true. Sa totoo lang, nagbabasa talaga ako. Ayoko lang mag-recite. Tapos sabi niya, simula sa araw na ito, hindi na niya ako isasali sa anumang recitation. Hindi sana ako iiyak kung hindi lang ako nilapitan ng mga classmates ko. Hagulhol ako. Sino ba namang hindi...eh nakakalungkot ng ginawa ko. Buti na lang meron akong mabubuting classmates na handang mag-comfort sa akin...girl man o boy. Nakakatuwa nga eh...kinausap din ako ni Tchr. 'Cherry'. Buti na lang wala si Sir MelO...nakakain ako ng lunch nung time niya. Balak ko sanang mag-hunger strike kaya lang nagugutom na talaga ako. Mag sosorry sana ako nung dismissal kaya lang maaga daw siyang umalis ayon sa kanyang mga estudyante. Sumulat na lang kami ni Kitty. Then, nanood kami ng laban ng girls ngayon. Una, Andrew and Augustine girls. Tambak ang Augustine. Then pumunta muna kami sa boys. Na-injury si SanCai. Natapilok siya matapos niyang maapakan ang paa ni Pako. Naabutan namin siyang namimilipit sa sakit at nagyeyelo ng paa. Then bumalik kami sa girls. Tarce at Andres na. tambak pa den ang Tarce. Konting aliwan at daldalan kina Old Lady, Journalist at Mipss Idol. Then nakita ko si Tchr. Ana na kausap nung tatlo. Nagtago kami ni 'Zhelle'. Takot kasi ako. Then hintay kami ng sasakyan. Naabutan pa kami ng boys. Dahil walang jeep, sumabay na lang kami kina Nogtse Tababoi at SanCai. Nakakatuwa nga eh...for the first time...nakasabay kong umuwi sina Nogtse Tababoi, SanCai, Old Lady at 'Zhelle'. Then apat na lang kami kasi pagbaba namin sa Chesa, umalis na si Nogtse Tababoi. Sinabayan namin si SanCai. Nagkwentuhan kami ni SanCai. Niloloko nga kami nina Old Lady at 'Zhelle'. Kung sa Annex lang ako ngayon uuwi,,, ihahatid ko si SanCai sa bahay niya. Kawawa naman kasi siya...kaya nga kahit mabagal ang paglalakad niya,,,sinabayan ko siya...hay...ang sarap palang maging St. Andrew. Ngayon ko lang naramdaman na open pala ang lahat para sa isa’t isa. Sana parati na lang kami ang magkakaklase. Di ako nagsisisi...masaya ako....sa piling nila...