De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

27 November 2011



I did nothing the whole day but sleep. I feel sick ... I feel tired .. I'm bored. I hate it when this happens .. when I lose interest on everything.



Pero ang pinakagusto ko sa lahat .. ay makatagpo ng lalaki na magsasabing na-"I can't fight this feeling anymore" siya sa akin at yun ang dahilan bakit niya ko pakakasalan. Sweet right?! :))

My current display picture in Facebook. :) Looks better than my own photo, right?!

May naalala ako. Meron akong .. ah .. teka di ko alam kung kaibigan ko siya pero ... o sige ganito na lang .. meron akong dating kaklase. Tuwing magkatext kami .. nagbobolahan kaming dalawa. Sinasabi niya na payat daw ako, which, alam ko naman na isang malaking kasinungalingan. So ayun na nga. Ako naman . .. sinasabi ko sa kanya na di naman siya mataba tulad ng iniisip niya .. dahil tama lang ang katawan niya para sa height niya .. which is, totoo. So ayun na nga. One time, nagkita kami .. at biniro ko siya na .. "ui, tumataba ka ah .. " Ang totoo niyan ... hindi ko naman ibig sabihin na mataba talaga siya at lalong tumataba sa statement kong yan. May karugtong pa kasi dapat e .. ganito yan o .. "ui, tumataba ka ah .. hiyang ka talaga kay ----". Kaso .. bago ko pa nadugtungan, ayun todo react na siya na nagresulta sa ilang buwan naming di pagkikibuan. Buti na lang .. last month .. naging ok na kami. 

Hay ... pero natatawa lang ako. Lagi niyang sinasabi na mataba siya .. at todo kontra naman ako. Pero nung sinabi kong tumataba siya nagalit siya. Halatang gusto lang makarinig ng magagandang bagay e .. kaya dina-downgrade ang sarili. Hay.


cutting isn't a funny thing. it may appear that people who self-harm is just seeking for attention ... but believe me, it's more than that.

-------,

Masilayan, masulyapan, makita, maaninag, mamasid, matingnan, maisalarawan at masaksihan. Iyan ang nais kong gawin ngayon. Kung pwede lang sana.
            Masaya ako pag kausap kita. Pag naririnig ko ang boses mo, para bang tumitigil bigla ang mundo ko. Kaso hanggang dun na lang yun.
            Lagi kitang naiisip at naaalala. Walang segundo, minuto, oras at araw ang lumilipas na di ka sumasagi sa isip ko. Nababaliw na nga ata ako, pero iyon ang totoo. Alam ko namang hindi kita dapat isipin pero di mapigilan ng isip at puso ko na ikaw ay alalahanin. Kahit naman gusto ko, hindi kita maiwaksi sa utak ko. Nahihirapan ako alam mo ba yun? Pero ang hirap mo talagang kalimutan, at tila ayaw ng umalis ng pangalan mo sa sistema ko. Parang di na ako mabubuo pag nawala ka sa buhay ko.   
            Kahit na anong tago’y nalabas pa rin. Pigilan ko ma’y lumalaban pa rin. Iyan ang nadarama kong pag-ibig para sayo. Pag-ibig na nais ko na lamang sanang patayin, ilibing at limutin, ngunit napakahirap gawin.
            Pag-ibig! Ano ba’t bigla akong dinapuan! Bakit ba ngayon pa at sa di pa katanggap tanggap na kapanahunan? Bakit sa tao pang di dapat pagtuunan?
            Mali ba ang ako’y umibig sayo? Kasalanan bang maramdaman ko ito? Wala na akong ibang nagawa pa ng dapuan ako nito kundi ang tanggapin ang sakit na kahihinatnan ko.
            Ikaw lamang ang nais ko, ang tanging pangarap ko’y walang iba kundi ikaw. Kung pwede lang talaga, kung pwede lang sana. Gusto ko namang ipagsigawan sa mundo na mahal kita. Pero hindi na pwede.
            Sana totoo ang muling pagkabuhay sa ibang katauhan. Sa pagkakataong iyon, luluhod ako at hihiling sa Panginoon na sana, tayo naman, tayo na lang, at tayo na lang lagi.

Inna


----------------------------------
Love letter na ginawa ko para sa Filipino subject namin last semester. Obviously, para sayo to ...