De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

23 April 2011

assuming na kung assuming.

Kanina .. naghahanap ako ng pictures .. tapos yung isang source ng nakita kong pic, blog din siya. nabasa ko sa isa sa mga post ng author ang ganito ..

"How can you say that you don't love someone but you still care a lot for her?"

hai. sa nabasa ko sa blog nia ... parang wala namang ka-assume-assume no. pero alam ko na may pinaghuhugutan siya kaya niya naitanong iyon. sana kinwento pa niya para mas maintindihan pa siya ng ibang tao. ako, nagegets ko siya. minsan na rin akong nagkaroon ng kaibigang ganyan.

wala naman akong balak na ilahad ang buong nangyari dito sa post na ito no .. pero .. kasi... ayun nga, nagkaroon ako ng ganyang kaibigan ... super sweet, super caring. as in. may time pa nga na sinasabi niya na di kumpleto araw niya pag di niya naririnig ang boses ko .. miss na niya ko .. then he always checks on me .. asan ako, ano ginagawa ko .. kumain na ba ko .. pag di pa ko natutulog he'll wait or me to sleep. ok lang naman yung mga ganyan eh .. nung tumagal kasi .. may mga instances na na parang umaamin na siya .. one time he told me na kung may choice lang daw siya .. he'd choose to be with me at that very moment that we're talking. he'd choose to eat with me, have fun with me... but he can't. then may time na he insist na makita ako ... nagtatampo pa siya pag ayaw ko ... eh akala mo naman pwede. at marami pang time na parang aamin na siya sa feelings niya but he just can't. kasi alam niya (matalino e) na kapag nakapagbitaw na siya ng word, he can't have it back.

pero kasi .. guys are really good with words and actions and women are very foolish pagdating sa ganyan. i mean, ewan ko ba kung bakit pero ambilis mahulog ng mga babae sa patibong. or, is it just na mas showy lang talaga sila? kasi ang mga lalaki ... they try to hide what they feel. pero ang babae malakas ang pakiramdam. kaso, most of the time, she's tagged as "assuming" kahit na may basis. kesyo ganun lang daw talaga yung lalaking yun sa friends niya. which is, i think is unfair. nakakainis kasi. alam mo yun? sabi nung lalaking yun sakin, bakit di ko na lang diretsuhin .. dami ko pang loopholes. gusto ko din sabihin sa kanya yun .. na bakit di pa niya ko diretsuhin kung ano bang meron kami .. edi sana di ako nagtitiwala sa nafifeel ko diba. eh sa feeling ko gusto niya ko e .. na mahal niya ko. ewan. pero noon lang to ah. wala na ngayon .. move on. tapos na. hahaha. shinare ko lang.

sana .. kung di mo mahal, wag kang maging ultramega super caring. tamang care lang. care ng isang kaibigan lang. kahit nga bestfriend ko di ganun ka-openly concern sakin e .. tapos siya tinalo pa niya nanay ko sa sobrang pag-aaruga sakin. diba? san ka pa?! tsaka kasi .. ang lalaki naman .. di naman caring sa lahat diba .. caring lang yan sa nililigawan, gf, bff o kadugo nila. pero yung simpleng friend lang tapos over caring? di rin.

kaya iba pa rin yung actions with words. wag puro actions, wag puro words. ... kasi .. jan nauuso ang "it's complicated" at jan maraming nasisiraan ang ulo kasi di nila malaman kung san ilulugar ang mga sarili at paano haharapin ang rejection mula sa mga taong fake na walang ginawa kundi dayain ang kanilang mga sarili. mahal ka na nga, idedeny pa. sus.


ikaw na maganda. XD


ano kayang feeling ng pinag-aagawan ng dalawang lalaki? as in yung literal ha .. yung ganyan ... hahaha.

hindi. yung gusto ka ng dalawang lalaki. battle of the toots sila para sayo. hahaha.!!

hmmm.. syempre ang haba ng hair mo niyan diba .. pero mahirap kasi ... syempre sa dalawa merong mas matimbang sayo .. pero aminado ka rin sa sarili mo na kahit papano may feelings ka rin sa isa. kaso ... yung tipong .. feel na feel mo na at enjoy na enjoy mo na na pinag-aagawan ka ... pag ganun ayaw mo ng bitawan pareho e. gusto mo sayo sila pareho. ang hirap ng ganun. tapos syempre darating din naman yung time na magiging mabait ka at kailangan mo ng mamili kasi nakokonsensya ka na .. kaso maiisip mo ayaw mong saktan yung isa. pero kailangan. so go go go ka naman. tapos biglang .. pag nakapili ka na ... eemo emo ka .. pero mag eenjoy ka na rin sa natira .. mamimiss mo nung dalawa pa sila .. tapos one day nagkatampuhan kayo ng pinili mo sabay makikita mo naka-move on na yung di mo napili .. tapos .....tapos ..........tapos ............... marerealize mo bigla na dapat pala yung isa yung pinili mo kasi siya pala yung gusto mo talaga. eemo emo ka nanaman ..... mag-iisip, mag-iinarte .. hanggang sa iiwan ka na nung pinili mo dahil aaminin mong di talaga siya taz sasabihin mo naawa ka lang .........tapos ................. wala na. wala na sila pareho. iwiwish mo na sana magbalik ang dati .. na pinag-aagawan ka pa nila ... na di ka na lang mamimili at pahahabain mo pa ang panahon na parehong sayo pa sila.

parang tanga no? based on exeperience? OO. XD