Tinanong niya kung hanggang kailan kaya ang komunikasyon naming dalawa. Hindi kasi kami makapaniwala pareho na mangyayari tong ganito...na magiging (hindi naman malapit...iwasang saktan ang sarili!haha!) aa...naging magka-usap kami (para di masyadong masakit diba?! haha!). Ayun. Sabi ko ngayon pa lang. haha. Parang tanga e no?? Feeling ko naman kaya ko. hahahaha!
Pero alam mo yun...may mga bagay nga talagang sadyang di na magiging sayo kahit na gaano mo pa kagusto. May mga bagay na kahit segu-segundo mong ipanalangin e sadyang hindi mangyayari. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang...masaya ko...kasi kahit na hindi na mangyayari kailan man ang nais ko...at least may ibang paraan na ginamit si God...at yun ang komunikasyon namin.
Hanggan kailan nga ba???
Hindi ko rin alam.
Sabi ko sa kanya hangga't may load.
Pero tama siya.
HINDI RIN.
Alam ko (masakit mang aminin) na ang lahat ng bagay ay may wakas.
(shet naiiyak na ko..amp!)
Hindi habambuhay mananatili ang mga bagay bagay sa atin. Kaya nga ganun na lang kahalaga sakin ang mga ala ala. Ayoko silang mawala. Ayokong kalimutan. Sabi nila dapat iwanan na ang nakaraan dahil di tayo makaka-move on. Pero di rin. Minsan may mga panahon na kailangan mo talagang sariwain ang mga nangyari sayo...at timabangin kung ano ba ang mga naging epekto nito satin...sa kinikilos natin sa kasalukuyan.
Hanggang kailan nga ba??
Sana...sana...sana magtagal pa.
Kung pwede nga lang sana hindi na matapos pa.
Pinaalala ko sa kanya na nasa kanya pa ang libro ko...sabi niya hndi pa niya tapos yun kaya hangga't di pa tuloy pa rin ang komunikasyon.
Sana...sana...sana di na niya matapos ang libro (over na yan ah!hahaha!)
Alam mo yun...hindi ko sinasabi to dahil lang sa gusto ko nga siya or what. Sinasabi ko ito dahil ayoko sa lahat yung time na kailangan ng umalis ng mga taong naging parte ng buhay ko...yung time na kailangan na nilang lumayo...yung time na kailangan na nilang magpaalam....
AYOKO NUN.
Yun na ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa akin. Pero hindi ko kontrolado ang mundo. Patuloy itong umiikot. Ang mga bagay ay patuloy na nagbabago. At ako...patuloy na makakatagpo ng mga mabubuting tao...at patuloy rin nila akong iiwan.
Sabi niya dati may dahilan kung bakit kami humantong sa ganito (nagkaka usap kami. yun lang yon.). Hindi ko alam kung ano ang rason o dahilan na yun. Ang mahalaga masaya ko dahil kung anuman ang rason na yun...ng dahil dun...naging masaya nanaman ako.
HANGGANG KAILAN NGA BA?????????