Kagabi ko pa ito iniisip. Actually nung Thursday pa .. tapos inisip ko rin nung Friday .. tapos mas inisip ko pa kahapon (Saturday) ... pero ngayong araw di ko na masyadong naisip .. ngayon na lang ulit.
So start tayo nung Thursday.
Magkausap kami over the phone Thursday night. Ok naman ang conversation .. at isa yun sa mga pinakamasaya kong gabi na kausap ko siya. Wala lang. Pero that night .. parang may something na nagsasabi sakin na, "wag mo munang ibababa ang phone .. habang gusto ka pa niya kausap go .. baka bukas biglang magbago ang lahat..." pero kahit na parang ang powerful nung voice na nagsabi nito .. pinili ko pa ring ibaba ang phone dahil naaawa na ko sa kanya .. antok na antok na talaga siya.
Friday.
Nag-umpisa na. Umaga. Medyo may tampuhan. Then that time, and that day ... marami ng nagsasabi sakin na magkaayos na daw sana kami ni Tralala. Di ko naman masyadong pinapansin kasi napakababaw ng issue tungkol samin ... dala lang ng kaartehan niya. So yun. Tapos nagpunta kami (Sapak, Tralala and I) nun sa Bamboo Organ. Tapos habang nakatayo kami in front of the church .. bigla kong naisip na .. what if magkabati na kami ni Tralala? Feeling ko may di magandang mangyayari. Basta parang nafi-feel ko na may lose-gain na magaganap. Pero di ko pa rin pinansin until nung gabi. Nung huling gabi na nagparamdam si MP sa akin. Nung gabing nag-iiiyak ako sa kwarto ,... parang tanga lang.
Saturday.
Ok na kami ni Tralala. And guess what ... di kami ok ni MP. Just like before. May lose-gain ngang naganap. I gained Tralala, Sapak, and even 'agent jack' and 'agent espie' (kasi diba antagal ko ring nawalan ng connection sa kanila and lagi ko silang di sinisipot) ... then .. I've lost MP. Once again. Grabe. I told Tralala last night na "alam mo ba, di rin naman ako ganun kasaya na ok na tayo ... naalala mo ba yung sinulat ko dati na nabasa mo? sabi ko dun ok ng mawala silang lahat wag lang ang isang tao .." Then she replied, "yeah i know ... ok lang yun ...o cge di wag na muna tayong magbati para ok kayo ... " Pero naisip ko, di kami pwedeng magkunwari na di kami ok kasi ok na kami ...as if naman pagbibigyan kami ng pagkakataon diba .. pero ang nakakatawa dun ... bakit kaya ganon?? pag ok na ko sa isa biglang nawawala yung isa .. can't i have them both?
Sunday.
Ngayon ko lang talaga naalala aya nga ito pinopost ko diba. Grabe. Wala lang. Nakakalungkot lang isipin. Hindi talaga lahat binibigay ni Lord. But if I'll be given a chance to choose ... siguro ..I'd choose .. him of course. Sige na ako na tanga .. ako na desperada .. but you know what .. with all my friends now .. siya lang ang nagbigay sakin ng time niya .. as in di birong time a .. and effort .. and kindness .. and everything .. and talagang tinuring niya akong kaibigan . Even his ears .. hindi ganun kadaling makinig sakin ... kasi wala akong kwentang kausap .. but then after all those things ... he remained ... hindi nga lang ngayon .. because of that one stupid mistake of mine.
I hope and I pray na maging ok na ang lahat tomorrow. haizt.