Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
28 July 2011
I wish....
Gusto ko jan yung (I wish...) sa baba e. Anlakas ng impact para sakin. Ok na e . Me + You = True Love. Ayos na talaga e .. kaso .. pwede ba? Naman.
Bakit kaya ganun no?? Positive naman yung hinihiling mo pero sadyang di pwedeng pagbigyan. nagmahal ka lang naman .. kasalanan ba yun? Naghahangad ka lang naman ng tunay na pagmamahal, masama ba yun? Nais mo lang naman maging masaya, di ba pwede yun?
Pero ganito talaga ang realidad ng buhay. Hindi lahat ng tingin natin ay tama ay mabuti. Hindi lahat ng nais natin nasusunod. Minsan kahit ok naman ang hinihiling natin, tayo pa rin ang lumalabas na masama dahil nagiging makasarili tayo. At......
Minsan sa buhay ko, minahal ko siya at hiniling na sana kami na lang .. kaso .. sadyang mahirap ipilit ang BAWAL. (ano to? konek?? XD)
Sabi nga sa isang tagalog text quote, "Ok naman kayo eh, ang tanong, pwede ba?". Oo na. Di na kami pwede. Give up na nga ko diba?? Move on move on din.
Memories, like change, don't change.
Maaaring di ko na nga pwedeng ibalik pa ang mga nangyari pero siguro naman, may karapatan akong balikan pa rin ang mga iyon. Sabi nila kalimutan na ang nakaraan, pero ako? Di ko kayang gawin yun. Hindi naman ako yung taong nabubuhay sa nakaraan pero ... mahalaga sakin yun. Kasi marami akong gustong mga pangyayari sa nakaraan na alam kong kahit pagbali-baliktarin ang mundo, hinding hindi na mauulit pa. Napakahiwaga talaga ng buhay. May darating, may aalis. Maraming nagbabago. Pero yung mga nangyari na, imposible ng mabago. Pero buti na lang di nagbabago ang mga alaala. Kasi kung nagbabago yun, hindi na mangyayari ang ngayon. Totoo ngang mahalaga na sa bawat oras na nagdaraan, maganda kung ma-maximize natin ito. Maganda na lagi tayong masaya. Kasi kung uubusin natin ang ngayon sa galit at mga walang kwentang bagay na di naman nakapagdudulot ng saya, hindi ito magiging isang magandang alaala. Hindi na magiging makabuluhan ang pagbabalik-tanaw. Kaya dapat mamuhay tayo sa mga simpleng bagay lang, dahil kadalasan, doon nagmumula ang mga big time na alaala. :D
Subscribe to:
Posts (Atom)