Kanina galing ako sa Shrine of the Five Wounds (na akala ko dati Parish of the Five Wounds) nag-meeting kami para sa upcoming 2013 elections sa Monday. So parang ayoko pa pumunta kasi tinatamad ako at nahihiya na rin at the same time kasi ako lang mag-isa. Pwede namang di na ako sumipot kasi volunteer naman, kaso naisip ko nakakahiya at isa nanaman ito sa mga iiwas-iwasan ko pagdating ng araw. Ayun so tumuloy na rin ako. Late ako pero ok lang. Mabuti naman at winelcome ako ng malugod ng mga kasama ko sa Talon 1, at in all fairness marami kami ngayong araw ... kaso nagpa-assign yung karamihan sa Talon 3 at 4. So ayun, briefing lang sa gagawin sa Monday, walang maayos na orientation so medyo nakakakaba. Hindi kasi masyadong inexplain, tinamad pa pagdating sa likodng checklist. At sobrang dami ng oobserbahan grabe. Andami pa namang assigned precincts per volunteer sa voting center namin dahil kaunti lang kami, eh samin pa naman ang pinakamaraming presinto. Parang gusto ko na nga magpalipat na lang dun sa lima lang ang presinto eh. haha. Anyway, ayun binigyan kaming t-shirt, which is nakakatuwa sa pakiramdam kasi parang reward na yun ng pagpunta ko ngayon at nakaka-motivate siya at the same time. Kaya paglabas ko kanina, nasabi ko sa sarili ko na oo, darating pa rin yung tatamarin ako at for sure sa Monday kabadong kabado ako, pero pag nalagpasan ko to, ibig sabihin marami pa akong mas kayang gawin. Yung pag-volunteer ko sa PPCRV ng mag-isa ay di biro dahil alam ko sa sarili ko na lumalabas na ako sa comfort zone ko. Pero sabi nga ni Fr. Egay ba yun, kung hindi tataya walang mapapala. So eto, itnataya ko ang sarili ko .. pag nakaya ko to I can do more! :) At plano ko rin na sumali pa sa mga organization, kasi nakakatuwa ang sarap sa pakiramdam, at marami pang nakikilala. At sana maging daan ito para maging sociable na ko (asa pa ko. LOL) God bless sa Election 2013!
#White Vote
#BUHAY PARTYLIST