Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
10 July 2011
TFTM
Maganda man o pangit ang kinalabasan ng mga relasyong nagdaan, sa kaibigan man, kaanak o kasintahan ... kahit kapitbahay o nasalubong lang sa daan .. pasalamatan natin silang lahat sa mga alaalang kanilang iniwan .. kasi kung di dahil sa mga 'memories' na yun .. hindi natin maiisip kung gaano kahalaga ang bawat taong nakakasalamuha natin sa araw-araw .. dahil sila ay ilan lamang sa mga bumubuo ng buhay mo . na kung wala sila .. walang kwenta ang lahat .. walang mangyayaring interesante sayo.
Kaya ako .. naniniwala naman ako sa past is past ... sa forgive and forget .. medyo. pero alam mo yun .. ang nakaraan .. hindi naman dapat kinakalimutan e... dala pa din natin yan hanggang sa kasalukuyan at hinaharap .. hindi para ikulong tayo sa kanya kundi .. para maging baon nating mga alaala sa pagharap sa bukas at sa pakikibaka natin sa ngayon. Amen? :D
Masaya ako ngayong araw na ito .. ngayong linggong nagdaan. Hindi ko man nakita si Juanito noong Martes at Sabado .. ayos lang. Mas naging makahulugan at makulay naman ang linggo ko.
Lunes >> Dahil antagal ng practice nila Geralyn .. nauna na kami ni Wendy .. at sa Coastal kami pareho dumaan. Bumili ako ng Slurpee na grape bubble gum flavor sa 7-11 at bumili kami ng tinapay ni Wendy sa Mimipan. (grabe di ko maalala ang pangalan ng binili ko. Frenzy ang naiisip ko .. buti sinabi ni Wendy [via fb chat] pati flavor alam niya. hahaha!) Nung araw din na to .. kinwento na niya sakin ang mga napag usapan nila ni Bro. Natatawa pa nga ako sa kanya dun sa isang bagay na sinabi niya .. ayaw pa niyang sabihin actually .. kasi daw masasaktan ako at naiiyak na daw ako .. ganun ganun. hahaha! Pero di naman. Walang 'side effect'. hahaha!
Martes >> Umattend kami ng gawain (ako, si Sjane at si Wendy). Dapat mass lang talaga kaso .. ang galing walang mass. So ayun. Lumabas kami .. nakita sina Bro. Jerry at Bro. Ernie .. at ayun .. nahikayat na tapusin na lang. Alanganin din kasing umuwi ng 7pm .. ang hirap sumakay sa Coastal at heavy traffic. Nung umuwi kami .. naunang nakasakay si Wendy .. after 15 minutes si Sjane .. tapos ako.
Miyerkules >> Nakakwentuhan ko sina Ellaine at Shairjane .. pati sina Karen E. at Joan. :))
Huwebes >> Rest day. Nakabawi ako ng tulog at pahinga. Wala pang masyadong assignment kaya sulit talaga.
Biyernes >> Di man kami natuloy ni Geralyn sa lakad namin, nasamahan ko naman si Shairjane (biglaan) sa Library ng Parañaque. Tapos nakibaka ako sa matinding trapiko sa SM Bacoor. Pag-uwi, ulan at kawalan ng sasakyan naman ang kalaban. Sabay-sabay kaming naghapunan nila Mama, Papa at Sam. Sa Cavite ako natulog .. ang lamig. :)) Masaya rin ako dahil dalawang beses akong naka-perfect sa quiz sa Statistics (chamba). hahaha!
Sabado >> Di nanaman kami natuloy ni Geralyn, di rin natuloy kina Yeta (debut niya). Nakapag-stay at nakapag-relax tuloy ako sa bahay. Natapos ko ang kalahati ng "Ang Mundong Ito ay Lupa". Pumunta ako ng SM .. swerte at nakasakay ako sa jeep na ang biyahe ay papasok ng SM malapit sa National Bookstore. Sinugod ko ang Booksale at matiyagang nag-ikot at nanghalungkat ng mga libro. Buti na lang di ako sumuko at nagdasal ako .. dininig ng Diyos .. nakakita ako ng MLA Handbook. Ang galing. Ang saya rin dahil si Roxie hindi late sa usapan .. halos sabay lang kaming dumating sa SM kaya nagkita kami. Hindi nga lang ako nakarating sa meeting ng group namin sa Rizal. Naaliw ako sa SM. Kumain kami sa Jollibee at pinagchismisan ang mga kaklase namin nung high school. Tapos habang nag-iikot, nasalubong namin si Marosa. Sinamahan namin. Konting kwentuhan at bolahan sa food court. Mga 8pm na ko nagpaalam. Pumunta ako ng Amvel .. wow video conference. Buti nakita ko sina Mama at Papa. Nagkita din kami ni Emz at iniabot ko sa kanya ang MLA book. Salamat kay Lord .. sakto naabutan ko ang 1 to 7 ni Bro. Mike. :)) Bumait na daw ako sabi ni Christine. haha. Dami ko ding katext .. nakakahilo mag reply. .. pero nasulit ang unli... nun nga lang ako nag load sa globe ulit e. Nakatext ko din si Xielo .. nakakatuwa. Sa Cavite ako umuwi.
Linggo >> Sa Cavite. Natapos ko na ang another half ng "Ang Mundong Ito ay Lupa". Maganda. May bago akong mga pantalon. :)) Nagpunta kami ni Sam sa Puregold .. tapos umuwi sa Annex. Naka-usap ko sa telepono si Ate Grace .. as in telebabad. Ito ang araw ng pinakamasaya kong hapunan .. :)) tingin ko ok na kami ni Mama.
---------------------------------------
Sabi nga, "happiness is a choice". Pinili kong maging masaya at maligaya nitong nagdaang linggo. Marami din namang di kaaya-ayang nangyari .. pero di ko na iniisip yun. Ang mahalaga ay yung mga bagay na nagpasaya at nagbigay kulay sa linggo ko. Na sa tuwing maaalala ko ang mga pangyayaring yun .. mas lalong akong ginaganahan sa buhay ko at mas lalo akong naghahahangad ng mga ikasasaya ng buhay ko. Sa isang madilim na kwarto .. makakakita ako ng liwanag kung bubuksan ko ang aking flash light. :)))
Subscribe to:
Posts (Atom)