ayun .. tutal nagpuyat na ko .. e susulitin ko na diba. buti na lang natulog ako kaninang tanghali kahit na konti kaya di pa ko gaanong inaantok.
so anong ginawa ko buong araw?
sumabay ako kina mama palabas. tapos, dumiretso ako sa tindahan ng school supplies sa kanto ng annex para bumili ng filler. kaso may mga nagpapa photocopy na hs students ng annex. badtrip yung tinderang masungit. nagtatatalak at nagsisisigaw .. natatranta tuloy yung mga student. laughtrip yung isang batang babae ... na napagbuntunan ng lahat ng galit mula sa nauna sa kanyang magpaxerox. 4 copies ang hiling tapos nagbigay ang batang babae (1st year ata) ng 4.00. binalik ni ate kasi kulang .. 1.50 kasi isa. aba, nagalit si ate .. sabi kulang. edi nagtanong tong bata kung magkano lahat. sabi ni ate,"1.50 nga isa .. kwentahin mo .. di ka ba marunong magbilang? estudyante ka diba?" tapos nagbigay uli yung bata ng 2 5.00 coin. ayun lalong nagalit si ate at nasabihan pa ng tanga ang bata. kawawa naman. antanga din naman ni ate kasi binalik pa niya lahat ng pera ng bata at pinilit niyang pakwentahin .. e natataranta na nga. sana kinuha niya na lang ang 6.00 at nanahimik. ang aga aga hb. balak pa ng nung batang babae kunin na lang yung original copy sa inis niya sa manang .. kaso na-xerox na nga. parang gusto ko ngang ibulong sa bata na 6.00 lang dapat ang ibayad niya kaso .. tarantang taranta na talaga siya at kay manang na lang nakatuon ang isip niya. ang nakakatuwa .. yung pangatlong costumer niya na lalaki . mga 4th year na ata .. ayun nakahanap siya ng katapat. sinagot sagot tuloy siya.
oo, nakita kong lahat yan. antagal kong nakatayo dun ng maisipan kong bumili na lang sa iabng tindahan. haha.
umuwi ako sa Cavite. nauna ako kay mama sa tricycle station sa gawaran ... ayun ... naghintay ako ng matagal dun. may kumausap naman sakin na isang tricycle driver pero wala akong pake sa kanya. after .... hay .. ayun .. dumating si mama. hahaha! pagdating sa bahay, ang nadatnan namin ay sina papa at nikki. ayun. wentuhan. ako, nagtaho. sarap! tapos .. hmm ... nagbalat ako ng kalabasa at naghimay ng sitaw .. grabe ang saya! feel na feel ko talaga. at nilubos ko na ang kasipagan ko nun umaga. naghugas ako ng pinggan, tapos naglaba ng damit at sapatos. nagwalis din ako sa bubong. tapos .. kumain ... then ... ayun umidlip kasi sa sobrang pagod. di ko na nga nagawang itupi ang mga damit na natuyo e. nagising ako (infairness nakatulugan ko ang tv) ng pumasok si mama at dala dala si happy. namiss ko si happy. hai... mejo matamlay siya today dahil .. may symptoms siya ng tigdas hangin...
ayun. kain ng tanghalian .. tapos natulog. binasa ko nga pala ang "suyuan sa tubigan". laughtrip yung "patigasan ng kalabaw" na sinulat ko sa book na yun nung 3rd year hs ako... hahahaha!
then .. ginising ako ni mama ng mga 4.30 ... naligo .. nagbiyahe. mahabang mahabang biyahe. namemorize ko ang 2nd stanza ng mi ultimo adios dahil sa sobrang traffic. soundtrip tapos nakausap ko pa si sarah kasi tumawag nanaman siya. pero sandali lang naman. 7pm na ko nakarating sa sm .. san ka pa?!
diretso sa nbs. naiinis ako sa sm southmall ... binago kasi nila yung tiles nila .. at sobrang dulas! grabe. nakakainis. hahaha!
ayun. sa nbs, hanap ng book. nakita ko yung sa filipino .. ang mahal. tapos buti na lang nagtiyaga akong hanapin .. nakatago lang pala yung rizal .. kaso english pero ok na rin. pumunta ako sa costumer service para itanong kung may 2nd edition ba yung libro sa filipino .. kasi for sure mas mura yun. antagal. grabe. ampangit ng serbisyo. ang susungit pa ng mga sales lady. lalo na yung tinawag para i-assist ako. badtrip. wala daw silang display ng 2nd edition. e ang tinatanong ko .. kung meron bang 2nd edition yun . .. hindi kung may display o available ba silang ganun. ayun. di ko kinuha. pumunta pa ko ng festi .. at ayun .. wala talaga so dun na ko sa mahal. tapos uwi. 9pm na ko nakarating sa bahay. at eto .. nag search para sa english .. maganda sana to kaso ,... baka di naman magustuhan ng groupmates ko .. hai .. at least nag search ako.
ka chat ko si wendy sa fb. ayun. maya maya tutulog na ko. haha!
tomorrow is another hell day. mamimeet ko na si jose .. ang aking mortal enemy.!