weee!!!
ayun, kakatapos ko lang mag-gather ng mga pictures namin nung 4th year...andami nga ee di pa ko tapos...amp!
by the way, hindi yun ang talagang iseshare ko.
gusto ko lang naman sabihin na andami kong namimiz..now na as in.
una, kanina habang nanunood ako ng jollitown (walang kinalaman ang palabas sa namiz ko ok!), naalalako ang classmates kong sina PaMelanie. ah...hay nako..
naalala ko noon magkagrupo kami laging 3..(lagi nila akong inaampon kasi kawawa ako lagi sa section namin..xD)ayun, minsan naisip namin na ang ipangalan sa grupo namin sa thesis sa eko ay PaMelanie Leyco's Group. ang una naming naisip na topic noon ay teenage mom. taz napunta kami sa 'fix me i'm broken' na emo topic. ayun. kaso hindi natuloy yun kasi itinapon kami ng aming ewan na tchr. sa isang grupo kasi 3 lang daw kami. hanggang sa matapos namin ang thesis na tungkol sa annulment, hindi pa rin kami nakaka-get over sa naisip naming topic na tungkol sa mga emo. andami kasi naming plans at adventure para sa amin ang topic na yun. haizt!
taz minsan, may calendar na tinitingnan si Pam, yung calendar na yun may pictures ng Zagu. alam niyo ginawa namin? after ng class dumeretso kami sa SM para bumili ng Zagu. madalas nangyari sa min yun...mga di planadong kainan. Minsan din CAT training, e mahaba ang break. sa SM kami nag-lunch at bumili uli kami ng Zagu namin.
Ansaya ko talaga pag kasama ko sila..hai..namimiz ko talaga sila.
tapos minsan tinry naming magplano. Ang plan, kakain kami sa McDo..nakalimutan ko kung anong araw yun. Madalas kasi na di natutuloy ang mga plano kaya sinabi namin sa sarili namin na itutuloy namin yun. Alam niyo ba, nung araw na kakain na kami ng McDo, napakaraming conflict ang nangyari. Ako, may pupuntahang patay dahil yung kaibigan ko namatayan ng lola. Tapos paubos na pera ko nun at muntik ng mawala ang pinaka iingat ingatan kong 50 pesos para sa McDo. Si Pam, walang pera at kailangan pang umuwi. Si Melai di ko maalala basta lahat kami may problema. Pero wag ka, natuloy pa rin ang lahat. nakapagpalusot ako sa kibigan ko kaso naghintay sila sa akin (2 sila.). Habang kami nil Pam at Melai, masayang masayang kumakain sa McDo. Di ko na maalala eksaktong inorder namin e pero yung resibo naming 3 (oo hiwa-hiwalay resibo namin) e asa aming tatlo at sa likod nun nakasulat ang inorder naming lahat, ang date na kumain kami pati mga wishes namin para sa isa't isa. sa pagkakatanda ko ang nilagay ko sa wish ko e sana matupad ang pangarap naming maging model ng McDo. Kasi habang kumakain kami, marami kaming nakitang pictures sa McDo na todo lait kami. taz gusto naming mailagay ang cute na picture naming 3 minsan doon sa McDo. hahaxD. alam niyo ba, malungkot ako sa paglabas namin sa McDo nung gabing yun. malapit na kasi ang graduation namin noon kaya ayun, ang bigat sa loob kong magpaalam sa mnga tulad nilang kaibigan ko.
Mahilig kaming mantrip sa classroom. yun nga lang mas tahimik ako sa kanilang 2.
ai nga pala, sasabihin ko history kung paano kami naging friends sa section namin. Kasi si Melai di ko pa talaga nagiging classmate yun since first year kaya di ko pa siya kilala nung 4th year. malapit lang ang upuan niya sa akin. ang hilig niyang ikaskas noon ang sapatos niya sa box niyang may tape kaya ang resulta ay nakakabwisit na tunog. Sobrang galit talaga ako sa kanya noon. pero di ko expect na magiging close kami. Si Pam naman, classmate ko na siya nung 2nd year kaya ok nman kami. kala ko nga di na niya ako papansinin pero mabait pa rin siya sa aking nung 4th year.
ano pa bang mga naaalala ko?? ah..lagi ko silang kasama..tapos mahilig kaming magchismisan. Kami ni Pam, naku dami naming chismax. Ang hilig niyang magkwento at ako naman aliw na aliw sa mga chismis niya. hahaxD. madalas siyang umupo sa tabi ko. minsan nga, english time, pinagsabihan kami ng teacher namin na.."kayong 2 aa nag uumpisa nanaman kayo.." kasi tchr. din namin yun nung 2nd year at alam niya kung ano nangyayari pag magkasama kami ni Pam. ayun. taz basta. mahilig din kaming gumawa ni Pam ng bunutan...lalo na tungkol sa mga crush niya. o kaya sa mga paul. basta. taz mahilig din siyang magshare ng experiences niya kay 'boss'. si Arth, di ko yun malilimutan. taz minsan nagchachat kami sa papel, ako kunwari si yen at siya si Arth. saya talaga. tapos nag-aacting kaming 3. basta saya talaga.
si Melai mahilig din mag share tungkol sa lab lyf niya. hai andami kong namimiz!!poutek!!!
silang 2, ilan lang sila sa napakaraming kong namimiz noong high school. pero silang 2, iba sila sa lahat ng namimiz ko. mahirap ng makakita pa uli ng mga tulad nila. hindi ko alam kung namimiz din ba nila ako o kaya naman e naiisip pa nila ako pero kahit ano pa man, kalimutan man nila ako, basta sila, habambuhay ng nakatatak sa isip at puso ko. ang mga natatanging taong tulad nila ay hinding hindi ko malilimutan. at ang mga masasayang memories namin ay lagi kong maaalala. nalulungkot man ang puso ko sa tuwing naiisip sila, sa huli, masaya pa din ako at nasasabi kong..
"SWERTE KO, SA BILYON-BILYONG TAO SA MUNDO, ISA AKO SA MGA NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MAKASAMA sINA PAM AT MELAI..."
kaya sa mga taong naiinis sa kanila, naaawa ako sa kanila kasi ni hindi man lng nila itry na iaalis ang inis nila at kilalanin ang 2. iba sila..ibang iba.