De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

19 January 2010

si neneng.

..butil-butil ang pawis ni neneng habang papasok sa isang maliit kwarto. ang kwartong ito ay sapat na para sa 2 hanggang 3 tao kung nakatayo, 2 para sa nakabaluktot. kinakabahan siya habang unti unting natatanaw sa unti-unti rin niyang pagpinid ng pinto ang isang haring naghihintay sa kanyang pagdating. pagkakita pa lamang niya rito'y alam na niya ang kanyang gagawin. walang sali-salita, walang anumang utos na maririnig mula sa hari, hinubad niya ang kanyang salawal, at agad siyang pumwesto sa kanya, pwestong handang handa na para sa isang bakbakan. kinakabahan si neneng. ang malalamig na pawis ay marahang dumadaloy sa kanyang katawan. ang init ng katawan niya'y sabay ding umeeksena. nag-umpisa na ang palabas. sa reaksyon ng mukha ni neneng habang ginagawa ang kanyang tungkulin ay mababakas ang matinding kahirapan. napapakagat pa siya sa kanyang mga labi habang medyo napapapikit. nakagagawa na rin siya ng kakaibang tunog na di niya mapigil dahil sa di malamang nadarama mula sa loob. medyo napapaluha pa siya sa hirap. "kaunti na lang..malapit na.." sa isip niya. makaraan ang isang mabilisang aksyon, maya-maya lang ay inilabas na ang nagpapahirap sa kanya. sa wakas, biglang umaliwalas ang mukha ni neneng. ang mga pawis ay nananatili sa kanyang mukha, pagod man ang dalaga, maaaninag sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan. nakaraos na rin siya. nadama niya ang labis na sarap matapos niyang sandaling matikman ang hirap at sakit ng pagtae. bukas muli siyang babalik sa kwartong maliit na kung tawagin ay banyo...kung saan siya hinihintay ng haring inidoro.


-wakas-