Pagkatapos kong maligo kani-kanina lang at kumain ng Pancit Canton (meryenda) e naisipan kong umayat at eto .. mag computer. Wala naman akong inaasahang text o tawag ngayong araw na ito dahil linggo ... walang gaanong nagpaparamdam .. at lalong di siya magpaparamdam ... pero ayun ... sinilip ko pa rin ang cellphone ko .. at laking gulat ko ng makakita ako ng 2 missed calls at 2 text messages. Ano pa nga ba .. edi galing sa kanya.
Ang huling missed call ay sa oras na 4:57 pm ... halos kasabay ng unang text message na ang sabi ay, "Kamusta?". Tapos yung 2nd text ay nagsasabing "d2 na ko sa bahay" at sa oras na 6:05 pm.
Nung nabasa ko yun ... di ko alam kung matatawa ba ko o malulungkot. Pero napangiti naman ako. Hmm...
Hindi ko alam .. pero wala naman kasi akong karapatang mahirapan sa set-up na ganito. Una sa lahat e wala naman kaming relasyon na dapat itago. Nakakatawang isipin na kung umarte kami e parang may dapat talaga kaming itago kahit na wala naman. Nakakalungkot namang isipin na kailangan pa naming gawin to para lang iwasan ang mga makikitid na pag iisip ng mga tao.
Wala lang .. at least alam kong naalala niya ko sa araw na to. Sayang at tulog ako nung tumawag siya ... pero ayos lang .. di naman ako ganun na nanghihinayang.
Iniisip ko nga kanina kung alam kaya ng asawa niya na may communication pa rin kami. What if one time magkita kami tapos kausapin niya ko tapos itanong, "tumatawag pa ba sayo ang asawa ko?".
Paano kaya kung isang araw mangyari na kailangan na niyang gumawa ng paraan para magkalayo kami dahil di na talaga pwedeng lagi kaming magkausap ... tulad ng ginawa niya dati sa kaibigan niya ... wala akong ibang maisip na gawin kundi ang tanungin siya (kung mangyari man yun na sana wag naman), "kailangan ba talaga? hindi ba talaga pwedeng ipagpatuloy na lang natin tutal wala naman tayong ginagawang masama?".
Ayoko. Ayokong mangyari to. Ayokong mawalan ng kaibigan dahil lang sa mga mabababaw na dahilan.
Ang mahalaga naman dito e wala kaming anumang ginagawang masama.