De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

12 July 2011

Memories.



Grabe gawain ko to. Minsan nga .. ang himbing himbing ng tulog ko a .. aba mga 5 am .. tumawag ba naman ang loko. Grabe nagising talaga ako.

Siya: Aba, gising ka pa pala.

Ako: Tange, nagising ako sa tawag mo. Grabe parang alarm clock.

Siya: Dapat kasi sinilent mo.

Ako:Eh di ako nagsa-silent e para pag emergency. Adik ka talaga.

Siya: Matulog ka na ulit.

Ako: Wala na gising na ko e.

( pag nagigising kasi ako .. bihira na lang ako ulit makatulog. XD)

Ayun. Tapos wala na .. usap na lang kami .. hanggang sikatan ng araw. 5 am .. tumawag .. e 3 am na ko natulog nun dahil kami din magkausap. Adik lang e. Pero nakakamiss. Biruin mo puyatan. Grabe sakripisyo .. tapos aawayin lang pala ako. XD

Minsan naman alas tres biglang tatawag. ADIK.

Wala lang. Naalala ko lang. Memories. XD

F.I.N.G.E.R.S for a R.E.A.S.O.N

I lie because I have to.

See you soon.. honey. XD

hahahaha!

So don't make stories about me ... adik ka ba??

Kaya wag na siya. Tama ng pagiging tanga!!!

The heart knows well what the head hides. XD

Yeah right?!

Girls?!?!?!?!?!!!!!!!




So I will not marry you na talaga. Bukod sa taken ka na, pinagpalit mo ko dati sa video game. Now I know. You used me! (bitter??? hahahaha!)

Amazing Moments...



1. Kahit gaano ako kapagod .. di ko naman nakakalimutan maghugas ng katawan at magpalit ng damit. hahaha.

2. Masaya talaga to. But I hate sales .. kasi wala akong pera tapos andaming magandang bilhin,. hahahaha!!!

3. Yeah. Nothing's more amazing. joke. I miss those days .....

4. Unexpected moments .. mostly .. embarrassing and laughable moments .. tsaka moments with strangers and not-so-close people ... grabe. I love those.

5. Whoa. Yeah I miss those days and nights talking over the phone for long hours with one same person. Yung tipong sunog na tenga mo sa init ok lang .. as long as you both are talking. Kahit wala ng topic kung minsan. hahaha! I remembered being stalked by my Lola .. hinuhuli niya ko tuwing madaling araw .. gising kasi ako lagi at nakikipag-usap sa aking boyfriend. XD

6. T.T hahaha! Joke lang. Yeah .. on his chest. What a memorable scene ...

7. Yeah right. Ewan ko ba pero parang may healing power ang shower. The water itself .. it makes me feel relieved.

8. Currently experiecing this. Feeling ko nga nag-iimprove na ang confidence ko .. and nakikita ko na ang sarili ko with other people. I'd like to work for it more. :)

9. I haven't done this yet. Joke. Merong plans pero ... di pa talaga e. Go with the flow.

10. Always ... lalo na pag luto ni Mama ang kinakain ko. Nothing satisfies me even more. XD

11. Better remedy. Pag badtrip ako mas ok na makatulog na lang ako .. and then the next morning .. I tend to forget about being upset. hahaha.

12. I soooooooooooooo love this. I would want to thank them for being part of my life ... sana magawa ko no?? Kaso nakakahiya kasi.

13. I miss a 'great night sleep'. reeeeeeeaaaaaaaaaallllllllllyyyyyyyyyyyy.

14. Yeah. Wow, di na pala ko nakaka-inom ng tea. tsk.

15. And I'm realizing it now .. THANK GOD, :)

You're asking why I like you?? Read below.

Nais kong magpakalasing .. XD


mooooooooovvvvvvveeeeeeee oooooooonnnnnnnnnn!!!!!!!!!!!!!!! XD

wag na kasing isipin. move on! XD

Si ♥ Juanito ♥ #34

Si Juanito.

Ngayong linggong ito .. dalawang beses ko na siyang nakita. Una, kahapon. Pangalawa, kanina.

Si Juanito.

Crush ko siya. Simula pa ito noong February 7, 2011 .. sabihin na nating ... CRUSH AT FIRST SIGHT. XD

Si Juanito.

Hindi siya gwapo. Mukha nga siyang .. monggoloid e. Joke. XD Medyo malaki ang tiyan niya .. hahaha! Pero .. maputi siya. Ampangit ng ngipin niya. Yung mukha niya di ganun ka-aya-aya. Sa malayuan lang siya cute. Mukha siyang bata pa.

Si Juanito.

Ang hinangaan ko sa kanya .. ang galing niya sa pagpi-preach. Exceptional. Ang galing talaga. Hindi boring. Hindi over acting. Natural na natural .. hindi trying hard.

Si Juanito.

Nakamayan ko na siya. At isa rin yun sa nagustuhan ko sa kanya. Ang ganda ng mga ngiti niya.

Si Juanito.

May asawa na siya.

Si Juanito.

Ayaw ko lang sa kanya ... suplado siya. Napaka. Grabe. Nakakaturn-off na nga e .. ang totoo niyan .. kailangang kailangan ko lang ng crush (kelan pa yun naging need??) kaya sinasabi kong crush ko pa siya .. nagkacrush talaga ako pero .. di na gaano ngayon. Kailangan lang talaga. hahaha!

Si Juanito.

Ok na sana. Kaso yun nga suplado lang. Bat kaya karamihan ng preachers ganun?? Tapos kung di over sa kasupladuhan, over naman sa ka-epalan. ahai.

Si Juanito. Si Juanito. Si Juanito.

DI KO NA SIYA CRUSH. HAHAHA!!!!!

Acceptance is the key to happiness.

Ito ang ayaw ko sa past.

DI NA MABABAGO

MAHIRAP KALIMUTAN

HINDI PWEDENG I-EDIT

HINDI PWEDENG BURAHIN

Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataong bumalik at baguhin o alisin ang ayaw ko .... hindi ko iga-grab yung opportunity. Bakit?? Kasi ... ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi mangyayari ang ngayon kung hindi dahil sa nangyari noon. At isang bagay lang ang baguhin ko .. lahat ng susunod dun mababago. Kung noon, sinampal ko ang ex ko, tapos binago ko .. di ko na siya sinampal .. iba na ang mangyayari kasunod. Maaaring sa gagawin kong iyon ay di ko na makikilala ang mga taong na-meet ko ngayon. Well, masaya kasi ako sa buhay ko ngayon kaya siguro .. ganito ang view ko. Pero depende pa rin sa tao. Kung napakasalimuot talaga ng kasalukuyan .. malamang sa malamang gustong baguhin ang nakaraan.

Pero wala namang sense kung may ibigay na ganitong scenario e .. kasi hindi naman ito mangyayari. Paaasahin ka lang nito at kung sasabihin mong may gusto ka ngang baguhin, nagpapakita lang ito ng kawalan ng kakuntentuhan mo sa buhay mo.


Masaya ako. Tunay na kaligayahan. Wala na 'kong gustong mabago. Kung may mga mali man, ano pang saysay kung pagsisihan ko diba?? Tatanggapin ko na lang ... makaka-move on pa ko. :)

That's why PAIN is necessary.

Asan na ang 'Justin' ko????????????





Grabe .. ito ang isa sa mga pinaka kinalokohan kong Korea Novela. Kahit Mama ko adik na adik dito non .. tigil lahat ng operasyon pag ito na ang palabas sa tv. Pag naaalala ko nga yung ginagawa ko dati .. nirerecord ko pa yung mga lines nila taz pinapakinggan pag gabi .. tapos super kilig na kilig ako .. grabe .. nakakahiya naman sa Mama ko. hahaha! E kasi naman e .. :))

Bali .. year 2005 siya nag-air sa GMA (tae .. malawakang search ang ginawa ko .. hahaha. ) so .. mga grade 6 lang ako nun. asteeeeeeeg.

Wala natutuwa lang ako. Hindi naman ako masyadong mahilig sa ganitong mga story lalo na't nagkatuluyan din sila sa huli .. pero basta kakaiba kasi ang impact e.

Hmm.. bakit bigla kong naalala? Wala lang ... naisip ko lang ... sana sa susunod na magka-boyfriend ako .. yung matino at .. yung pang matagalan (ito nanaman ako sa pangmatagalan.. :[ ). Eh kasi .. ayoko ng lokohan at laru-laro lang .. nakakabagot na kasi .. at isa pa .. hindi na ako bata (wow, f na f ko pagiging matanda) para maglaro pa. At hindi na ko magboboyfriend para may display lang o may inspirasyon lang ... hindi rin naman sa mag-aasawa na no .. pero kasi .. bilang isang young adult, (hahaha!) I need affection. naks!

Pero ang totoo .. wala pa sa isip ko mag boyfriend ulit ngayon. Una, kagagaling ko lang sa isang matinding heartbreak at kagagaling lang ng sugat sa aking puso. hahaha! Wala na akong panahon para sa 'rebound' no .. alam mo yon .. waste of time .. di mo naman mahal makiki-echos ka. Sasaktan mo lang siya at lolokohin mo lang ang sarili mo. Tsaka .. graduate na ko jan. :D Hindi na ako katulad ng dati na nasaktan, hahanap ng kapalit agad.. di na applicable sakin ngayon yan.

Pero kung biglang dumating ang 'Justin' ko?? di ko alam gagawin ko. Gusto kong maging almost perfect Jessie para sa kanya. Pero sabi ko nga kay God, wag niya na muna akong bigyan ng 'Justin' habang di ko pa kayang magpakabait .. saka na pag I'm good enough to handle another relationship. :D

At pangarap ko ang mahabang ligawan. Hindi naman sobra. At gusto ko .. 17 ko siya sasagutin... preferred month ..?? Hmmm ... (isip ... isip .. hanap kalendaryo .. tinamad kunin ..isip ulit .. hmmm...) aa...... aaa.... aaaa... aaaaa..... wala. Wala akong maisip na magandang month. Saka na yun. haha. Bahala na. XD