De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

17 October 2008

Unity

“HONESTY is TELLING the TRUTH, not SPREADING the TRUTH...”
- C/1stL R Delos Reyes SCO

“LOYALTY, para sa unit, hindi sa iba”

Isang inspirational quotation galing sa isa sa aking mga ka-mate sa Class Neodynary. Unity. Isang napakalaking issue sa loob ng aming unit. Bakit? Tunghayan...

Ang Neodynary ay Class 2009 ng CAT sa MIPSS...(la lang...facts lang...)...kabilang ako sa mga opisyal ng Class na ito.

Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Unity ang isa sa mga problema ng aming samahan. Sa tinagal tagal ng aming pakikisalamuha sa isa’t isa, hanggang ngayon ay di pa rin namin nakakamit ang susi sa matagumpay na pagsasama-sama...ang unity.

Noong nakaraang linggo, isang napakalaking issue ang pagdadala ng karamihan ng fourth year students ng cell phone sa school noong training day. Maraming umamin sa mga kadete na nagdala sila kaya naman sila ay pinatawan ng kaparusahan ng prefect of discipline. Ngunit noong unang araw ng pagpasok noong nakaraang linggo, maraming kadete ang nagulat ng tumayo, halos lahat ng mga cadet officers sa St. Paul [ang aking section:(] dahil sa issue na ito. Sila ay nagdala rin ng nasabing gadget. Nakapagtataka na wala namang nabalitang opisyal na nagdala noong sabadong iyon pero may mga mapaparusahan. Pero bago pa ito nangyari, narinig ko na na may ilang opisyal mula sa St. Stephen ang umamin na.

Bigla bigla, lumabas ang balitang si J*** ay kinaiinisan na ng mga opisyal. Siya pala ang sikat na “squiller” sa aming unit. Maraming nainis, lalo na ang mga madadaldal at mapanlaban naming mga lalaki. Siya pala ang nag-report kay Sir Cromosome na may mga opisyal na nagdala ng cell phone noong training. Nang dahil dito, napabalitang bababa ang ranggo ng mga opisyal na nasangkot, ngunit di ito natuloy. Bagkus, sila ay nagkaroon ng 1 day community service at 74 grade sa conduct para sa grading na iyon. nakakalungkot ngunit wala kaming nagawa para dito.

Napag-usapan ng lahat ang issue, isinalaysay ni J*** ang kanyang mga dahilan upang gawin niya ang bagay na iyon. Ayon sa kanya, kaya niya nasabi ang bagay na iyon ay dahil may mga kadeteng nagsasabi at nagrereklamo na hindi lamang sila ang nagdala ng cell phone noong araw na iyon kundi marami din naman sa mga opisyal. At dahil dito, upang pagtakpan daw ang lahat, sinabi niya ito sa Prefect. Ayaw niya daw na mismong kadete ang magsusumbong. May point siya, kaso, isipin naman niya, bakit siya padadala sa mga kadete? Kung may magsumbong man, syempre, kung may “unity” kami, pagtatakpan namin ang isa’t isa, mali man ito o hindi. Tsaka walang magagawa ang kadete...wala silang boses kumpara sa amin. Isa pang di tamang ginawa niya ay yung kay Mate Night, yung harap harapan sa mga kadete na sinigaw niyang “ui, mate, diba kasama ka rin dun. Diba nagdala ka rin?!” . nakakainis hindi ba? Pwede naman niyang ibulong na lang ah. Bakit kailangan pang ganun. Tama si Sir Cromosome, dapat , di na siya nag ingay pa dahil kaya niya naman kaming pagtakpan sa mga kadete. Ang mali lang namin, di kami nagtiwala sa kanya. Hay nako naman...

Mahaba pa nag naging mga diskusyon, inabot na kami ng dilim sa grassland. Pero, masaya kaming lahat na umalis. Sana, tuloy-tuloy na ito...sana...kasi masaya...

Ang nais ko lamang sabihin sa lahat, gawin natin ang lahat para sa pagpapanatili ng unit natin. Oo, boluntaryo tayong sumali doon para sa kanya-kanya nating kadahilanan, pero ones na bumagsak ang unit na itinayo ng lahat dahil lang sa pagiging makasarili, wala rin ang lahat ng mga pinaghirapan.

Tungkol naman sa unity, sabi nga “the ends justify the means...” ...meaning, kahit sa ano pa mang paraan, masama man ito o hindi...basta ang kalalabasan nito ay para sa ikabubuti ng lahat, why not diba...?!



C/1st L Lady Kyu SCO

Wala nang Pag-asa

Hello...ahmm...andito ako ulet! Me sasabihin lang ako. kasi kahapon awarding sa intramurals. Pero di tungkol dun ang ikukwento ko. Tungkol ito sa darts. Ahmm...di pa ako naaadik sa darts...may ilang bagay lang akong i-seshare. Kasi kahapon...nakikipagkwentuhan ako kina 'Lian' sa second floor. Tapos bigla niyang nasabi na next school year mag-iindoor na siya...at alam niyo kung ano ang laro? DARTS! Grabe! Alam niyo ba ang naging reaksyon ko sa sinabi niya? Natumba ako...yung kunwaring hinimatay! Oo kunwari yun pero yung inis na naramdaman ko that time totoo. Hay...nakakaasar! alam kong hindi ako ang reyna ng dart board pero sa totoo lang gusto ko ng magwala nung time na iyon. Alam niyo naman kung bakit diba?! Kasi yun ang target na game namin ni 'Zhelle' next school year kasi nga diba wala na kaming pag-asa talaga sa outdoor...tapos maglalaro din siya non?! Oo, maaaring nasasabi niya lang iyon ngayon...pero paano kung totohanin niya? Kainis! Parang gusto kong ibato sa kanya ang pins! Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya kahapon na...”ano ka ba? Di ka pa ba kontento sa outdoor games mo? di mo ba napapansin na sobra na ang paiging gahaman mo? ayaw mo ba kaming makalaro? Gusto mo ba sayo na ang lahat? Ano ka ba naman! Give chance to others! Oo, maaaring 1 indoor at 2 outdoors ang rules pero isipin mo nga...maraming gustong maglaro na di nakakalaro. Bulag ka ba? Manhid? O sadyang gahaman?! Nakakainis ka na alam mo ba yon?! Sige! Bahala ka! Lamunin mo lahat ng games sa intrams! Bwiset! Sana wag ka lang ma-choke!” kaasar!!! Bakit ganon?! Nakakainis! Tapos pinagmamalaki pa niyang marunong na siya...ang galing-galing niyang mag-darts kahit first time niya! Hay!!!sarap niyang saksakin! Nakakainis! Ano ba naman yan! Nakakaasar talaga mga gahaman! Sana matapos na pagiging high school ko para di ko na sila makita! Baka atakihin ako sa puso dahil sa sobrang galit sa kanila! Nakakainis talaga!!!! Pare-pareho silang lahat! Mga gahaman! Bwiset!!! Kapal ng mga mukha nila!!! Mamatay na mga ipis! Shet!!! Kakaasar talaga!!! Kahit kailan di ko yun matatanggap!!! I hate them!!! I HATE THEM!!!!!