Dami nanamang frustrations. Dami nanamang nakakapagod moments. Dami nanamang nakakasawa na thoughts. Pero totoo nga, it's all in the mind. Ngayon ko siya na-prove. Kahapon kasi nagpunta ako ng SM Southmall, may nangyaring di kanais-nais (hindi ko na ikukwento kasi ayoko na maalala pa). Anyway nag-iisip ako kahapon kung ico-complain ko pa yung guard na mahadera sa entrance. Mabuti na lang wala akong ballpen, at mabuti na lang nagmamadali din ako kahapon kaya naisip ko, ipagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ipapanalangin ko na lang siya, bahala na si Lord tuwirin ang baluktot niyang pag-uugali. Kung iisipin parang lugi ako, pero napag-isip-isip ko rin na mabuti na rin yun, kesa ibaba ko ang lebel ko at ipahiya ang sarili ko sa paglaban sa kanya. Tsaka, mas malaking gulo, mas hassle pag pinatulan ko pa. Ako lang din maaabala. Maaari pang ako din ang maging dahilan para maging mas miserable ang halata namang miserable niyang buhay. Tsaka inisip ko na lang na baka may pinagdadaanan si ate kaya ganun siya kahapon, at ako ang mapalad na natsempohan. Tsaka ok na din na ako na kayang magpigil ng sarili, kasi paano kung ang na-encounter niya ay mas malala sakin? Yung tipong di palalagpasin yung katarayan niya diba. Hay. Tama nga si Vargas sa talk niya kanina. Sabi niya, tatlong bagay ang dapat nating pinipigil...isip, dila, at pakikitungo sa kapwa. Pinigil kong mag-isip ng paraan para magantihan ang guard na yun at masira siya. Pinigil ko ring maalala ang mukha niya. Pinigil kong magsalita ng di maganda at mag-iskandalo. Pinigil ko rin na i-report siya at awayin siya. Ang ending, nakauwi ako ng bahay ng pinagpala. O diba, advantage ko pa? Kesa naman naabala pa kami pareho at nabadtrip buong araw. Inaamin ko naman na ngayon pag naaalala ko yun naiinis pa rin ako ng konti, pero ok naman kalmado naman ako. hahaha!
Tapos kanina naman, nakaka-badtrip ang naging encounter ko sa mga youth namin, to the point na gusto ko na sanang sumigaw, gusto ko sanang sabihin sa kanila na ang tatanga nila, gusto ko sana sabihin na makinig sila ng maigi para hindi nagkaka-conflict lahat. Pwede akong magalit buong gabi, pero pinili ng isip ko na isantabi na lang ang galit, piliting maging masaya para hindi matapos ang araw ng malungkot. Kaya eto, gising pa rin ako diba, hindi dahil gusto ko magpatiwakal pero dahil masaya ako kasi kahit papano.... kahit papano nakakatulong ang positive thinking.
Sa work naman, dami pa ring frustrations...pero sabi ko nga sa isa kong picture sa FB, the brighter side is always bigger than the dark side. I can look at all the negatives, the down sides of staying in my God-chosen field. Pero nung tiningnan ko ang positives, wow. As in wow, wala akong masabi kasi andaming dahilan para mag-hold on pa rin. Kaya ayoko muna i-stress ang sarili ko, I want to be positive, and I ask God always to be my strength para maging ganito ako lagi, kasi kung hindi, mag-e-emote nanaman ako at magmumukmok at makaka-isip na saktan ang sarili ko. XD
Ok, matutulog na ko. HAHAHAHA!