ewan ko ba .. pero nade-depress talaga ako. ikaw ba naman manatili sa bahay mag isa, walang kasama. tapos buong araw ka lang nasa loob, wala ka man lang makausap.
marami naman akong gustong gawin .. actually, marami akong dapat gawin. pero di ko magawa kasi alam mo yun .. kapag depressed ka, di ka makakilos .. di ka rin makapag-isip ng maayos.
akala ko nasanay na kong mag-isa. kasi naman, kahit nung pasukan ako pa rin naman ang mag-isa lagi dito sa bahay. pero mahirap pa rin talaga.
no man is an island.
masarap mag-isa, magagawa mo ang gusto mo .. lahat pwede. pero di mo rin magagawa. mawawalan ka ng gana.
malungkot mag-isa.
nakakabuang.
para akong nakakulong kahit na nakabukas naman ang pinto. alam mo yun...
tapos ang malupit pa dun, mag-isa ka na nga lang, sumabay pa ang mga problema.
tapos alam mo kung ano pa yung problema?
emotional.
ang hirap. ang hirap ng feeling na lahat ng tao galit sayo, lahat ng tao plastik. ayoko ng mag-isip ng ganito pero .. yun ang lagi kong nae-encounter e. lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko. ewan ko ba.
minsan nga gusto ko nanaman maglaslas. pero nangako na ko kay Lord kasi na di ko na gagawin. ang katawan ko ay di ko pag-aari.
minsan gusto ko rin uminom at magyosi... pero naiisip ko, gastos lang yun at isa pa, di yun tama. at nangako na rin ako kay Lord na iiwasan ko na ang mga bagay na yun.
hai. nakakahiya. naniniwala naman akong kasama ko ang Diyos pero nalulungkot pa rin ako. iba pa rin kasi talaga yung may nakakausap ka. sana nga nagsasalita na lang Siya. para sana naman may kakwentuhan ako.
sabi Niya makikinig Siya ng walang sawa. maganda yun! yun ang hinahanap kong kaibigan. kailangan ko ng someone na mapagsasabihan ko ng mga nararamdaman ko .. at mababahagian ko ng mga pinagdadaanan ko ngayon. hay.
sa prayer na nga lang ako kumakapit e. sana kayanin ko pa. sana di na uli ako mahulog sa bitag ng kasalanan.
------------------------
pero Lord, nalulungkot po talaga ako. :(