For example, iba ako pag kasama ko mga classmate ko nung high school, iba pag kasama ko mga classmates ko nung nasa Muntinlupa pa ako at iba rin pag kasama ko ang mga kaklase ko ngayon. Hindi iyon dahil may itinatago akong tunay na ako .. kundi nung mismong oras o panahon na yun .,, yun talaga ako. Kaya di natin masasabi na meron tayong fixed 'us'. Kung pagsasama-samahin ang lahat, iyon ang bumubuo satin .. pero hindi pa rin natin ito matatawag na ma-e-enclose sa tawag na 'tunay na ako' dahil ang lahat ay nagbabago.
Agree ako kay Sir. Dati madalas kong sabihin sa sarili ko at sa ibang tao na .. 'ibang ako ang kilala mo ngayon .. yung tunay na ako di mo pa alam.. ' ngayon.. di ko na sinasabi yan .. kasi isa yang malaking kalokohan.
You are changing every minute, every second. You are not the same person as your are earlier..