Di ko maalala kung yan nga (yung title) yung eksaktong nakalagay kanina sa email niya (ni MP). Pero ganyan yung pinaparating.
Di na niya kailangang mag-explain.
Ah...ok.
Di ko alam pero kanina ko pa naiisip buksan ang email ko. Pero ayun, nakapagsimba na ko't lahat di ko pa rin nabuksan. Tapos kani-kanina lang ... naalala ko nanaman. Binuksan ko na, pero di ako umaasa nun ng kahit na anong email mula sa kanya (dahil alam kong ayaw na niya ng kahit na anong uri ng koneksyon sakin).
Tapos laking gulat ko .. sa inbox ko .. nakita ko ang pangalan niya. Nag-email siya. Sinend niya yung sa devotion. Di ko maalala kung kailan ko siya sinendan ng email (basta mga last week na yun ng March)...
Tapos pag-scroll ko pababa (na sana di ko na ginawa), nakita ko ang maiksi niyang message. 'Sis' pa ang tawag niya sakin na napansin ko lang nung buburahin ko na ang message niya. Katulad ng mga nauna niyang sulat, walang kahit na anong kakaiba .. walang halong kaartehan (di tulad ko). Sinabi niya lang na nahuli ang devotion dahil hmm.. (inaalala ang nakasulat na kanina ko pa pilit na binubura sa isipan .. tanga ko talaga no?!) ayun .. nahuli daw kasi di niya mabuksan ang file. tapos kasunod nun, yung title nitong post ko na to. Tapos pangalan niya (may Bro.).
Ewan ko pero ayun, .. hindi ko alam kung ano bang impact sakin nung sulat na yun .. ang ibig kong sabihin ... hindi ko maintindihan kung bakit ako nasaktan. As in ayun... after ko mabasa parang natulala ako ng 5 seconds, walang laman ang utak ko as in na-blangko. Tapos nung nahimasmasan ako, dina-download ko ang devotion (na nakakatawa kasi di ko ma-download .. nananadya talaga). Tapos ayun, after ko mawalan ng gana at pinabayaan na lang, saka nagbukas ang ms word ... at ayun, nabura ko na yung message niya. Ayoko ng bakas. Ayoko na ng alaala.
So ayun na nga. After nun .. pinilit kong pigilan ang sarili ko (promise) pero wala e, naging emosyonal ako .. at .. nakakahiya mang aminin .. naiyak ako. Actually kakatapos ko lang umiyak .. mga isang oras din a.. (kasi 12:33 na e, kanina mga 11 pa lang).
Anong iniyakan ko?
Ewan ko. Siguro yung title nitong post ko. Ito kasi yung una kong conclusion ....
- wala na siyang iba pang sasabihin kundi yun lang ... ang dating, parang nag-email lang siya para sa devotion, wala ng iba.
Naintindihan mo ba ko? Ang nasa isip ko kanina, hindi na niya kailangan pang ipaliwanag kung bakit siya nag-email (kasi nga putol na ang lahat ng means of communication namin) dahil dapat alam ko na tungkol lang yun sa devotion at wala ng iba.
Pero sa kalagitnaan ng aking pagluha (naks. na pinagsisisihan kong gawin. haizt.), naisip ko naman ito:
- di niya na kailangan i-explain ang tungkol sa libro ko.
Naalala ko kasi na sa email ko sa kanya, yung libro ko nabanggit ko pero sa email niya di niya binanggit.
Tapos kanina nung nahimasmasan na ko sa pag-iyak (salamat sa mga Tests na sinagutan ko sa internet .. nakatulong sila sobra.), ito naman ang naisip ko:
- hindi na niya kailangang i-explain pa kung bakit nahuli ang devotion.
Ang ibig sabihin, nasabi na niya ang dahilan .. na di niya mabuksan. Wala ng ibang dahilan pa bukod dun (na baka kasi iniisip ko na dinadamay niya pati devotion sa nangyari samin .. na totoo namang naisip ko).
Tapos ngayon-ngayon lang, ito naman ang naisip ko:
- hindi na niya kailangan mag-explain dahil ... (shit, wala na, nakalimutan ko na., haizt... the best pa naman yung naisip ko. kainis.).
---------------------------
Ayun, pero ang ano dito ... ah .. kaya ako naiyak kasi .. feeling ko may something dun sa statement niyang yun. Oo, sige .. pwedeng ako lang nagpapahirap sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko .. pero kasi .. di ko naman maiiwasang mag-isip ng ganito e ....
Hay, hindi ko talaga siya maintindihan. Isang statement niya, andami kong conclusion. Tapos kadalasan ang napipili kong conclusion mali. Haizt. Buti pa siya. Alam niya agad kung ano ang takbo ng isip ko .. pero nitong huli nagkamali siya .. kaya eto .. ganito kami ngayon. haizt. haizt talaga.
Wala na .. wala ng kwenta mga sinasabi ko. Mas may kwenta siguro to kung kanina ako nag-post nung kasagsagan ng pag-iyak ko. Pero hindi e, ni di ko kayang pindutin ang keyboard... hirap na hirap din akong hawakan ang mouse kanina. Nanghina ako.
Nakakapanghina isiping ....
ganito na lang kami ngayon ....
" It's funny how two strangers become friends ... then into more than friends .. and then suddenly .. back to being practically strangers again... "