De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 July 2009

..tapos nanaman..panibagong buwan nanaman..,,

woi..hello!!

ayun, Friday ngayon pero himala kasi dapat sa mga oras na to pauwi ako sa Cavite at di ako makakapag-internet. Pero maaga kaming pinauwi ngayon ng napakabait kong Prof sa NSTP na namahagi ng sagot sa Prelim exam.

hehe.

ayun, isang quick post lng to [pero suswal mahaba to kasi madaldal ako]. gusto ko lang ibahagi ang mga naranasan ko ngayong buwan ng Hulyo.

Hulyo, isang napakasayang napakalungkot na napaka unforgettable na month.

Bakit?

dahil napakaraming nangyari sa loob lamang ng 31 days.

aa...alam naman natin na tinamaan ako ng matinding katamaran sa pgsusulat sa aking journal nitong buwan at maging ang pagpopost ko dito sa site ay naapektuhan din. Mahirap talaga pag umaatake ang sakit kong iyon.

isang makabuluhang buwan ito para sa akin. ito ang unang buong buwan ko sa kolehiyo. ito ang unang buwan na inilaan para makilala ko pa ang aking mga bagong kaklase.

ang buwan na to, masyadong maraming bagay na ipina-realize sa akin. pero ang pinaka tumatak sa isip at puso ko ay ang dahilan ni God sa pagdadala sa akin sa bago kong pangalawang tahanan.

Hindi kami sobrang yaman, hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap at hindi sobrang hirap. Ayos lang. Tama lang. Nasa estado ako ng pamumuhay kung saan wala ka ng mahihiling pa -- mabubuti, mapagmahal at responsableng mga magulang, makukulit at masasayang kapatid, supportive and ready-in-action friends, komportableng tahanan, mga tamang damit, tamang kagamitan, pagkaing kadalasang lumalagpas pa ng tatlong beses isang araw [almusal, almusal uli, recess, recess uli, pre-lunch, lunch, miryenda1, miryenda2, miryenda3, hapunan, foodterp, midnight snack, (at kung gising ka pa tulad ko after 12 md) midfast) ] at higit sa lahat, simple ngunit napakasayang buhay.

pinag-aral ako noong pre-school sa isang private school na pinatatakbo ng mga mabubuting Madre. Foundation ako. pang-hapon. nung kasi nag-ikot ang mga Madre na yun sa tinitirahan namin, nakita nila ang kaawa awang lagay ng aming pamilya.

Natapos ko ng pre-school, sumunod ang elementary. nilipat ako sa isang branch ng school na una kong pinasukan dahil doon merong elementary. dahil sa sipag ng aking mga magulang, may sarili na kaming motorsiklo ng mga panahong ito at ng lumaon ay nakapagpagawa ng bahay sa Cavite. Na-demolish kami sa tinitirhan namin kaya lumipat sa Cavite. Nanatili akong nag-aral sa paaralan kong nasa Las Piñas.
Mayayaman ang aking mga kaklase. dahil may isip na ako, malamang alam ko na ang pagkakaiba ng mga tao. Natuto akong kumilos ng maayos, yung hindi halatang squatter ako. kailngan yun, anong uri ng tao ka man,..bilang paggalang na rin sa sarili mo. Natuto akong makipagsabayan sa mga kaklase kong mababait at simple bagamat sobrang yayaman. Iginalang nila ko, di inalipusta. ganoon nga talaga siguro pag totoong mayaman. Nakita ko ang pamumuhay ng mga mayayaman, kung paano sila mabuhay, anong uri ng bahay at pananamit meron sila, paano sila magsalita, paano sila makitungo sa kapwa.
ang mga taong iyon, lahat naka-service, pati ako. di ako marunong mag-commute noon. Walang nanghihingi ng baon dahil lahat meron. Pataasan ng baong pera., kung wala ka naman nun, ok lang, sila ang bahala.
Paalala, magastos ako noong elementary.

high school. hindi ako nakapasok sa mga paaralang ipinagpipilitan ng adviser ko sa akin dahil sobrang yayamang school noon. doon daw nababagay ang utak ng isang tulad ko. pero mas pinili kong manatili sa isang simple, private pa ring paaralan sa Las Piñas. ibang iba ang mga taong nakilala ko dito kumpara sa pinanggalingan ko. Mas simple sila. Dahil hindi ganoon kayayaman, dito ko nakasalamuha ang mga taong nanghihingi ng baon, nag-iikot para mangulekta ng tiglilimang piso, naglalakad kung walang masakyan na jeep, naghahati sa lunch kung wala ang isa, bibihira at kung di mo pa pipilitin e hindi ka ililibre. Mahal na para sa kanila ang Zagu na malaki. Ok na ang siomi at kwek kwek sa labas ng school. isama mo na ang barbecue ni robocap, manggang may bagoong at scramble. Hindi kailangan bago lahat ng gamit. Mas ok kung recycled.
ganyan ang shocking entrada ng high school sa akin. napasubo talaga ako sa malawakang adjustment. medyo mahirap noong una kasi nasanay ako sa kabaliktaran. pero ng lumaon, nalaman ko, ms masaya ang buhay na ganun. ibang experience.

naka-graduate ako, na ganun ang kalakaran..hindi pa rin ako natuto kumain ng street foods bukod sa mais.

ngayon, nasa isang pamantasan ako kung saan ibang iba ang mga tao. mas kaawa awa kung aking ilalarawan.
hindi ganoon kahuhusay ang mga taong nakakasalamuha ko. wala kang mararamdamang pressure lalo na sa classroom. astig ka kapag magaling ka mag-type, madalas ka mag-internet, marami kang alam. yung mga common terms para sayo, sa kanila pang-out-of-this-world. pag iba iba ang gamit mo, wow, ang yaman mo. basta.

nakakatuwang isipin, na napakafortunate ko kasi binigyan ako ng pagkakataon ni God na makita ang buhay ng tatlong uri ng tao sa mundo, ang mayaman, di gaano at mahirap. hindi ko masasabi ngayong nagsisisi ako na dito sa bumagsak ngayon sa isang pamantasang sa tingin ko noong una ay masasayang lang ang utak ko. maaaring ganoon, dahil kung may pakealam lang talaga ako sa edukasyon, malamang kinagat ko ang nais ng mga magulang kong mag-aral sa magagandang unibersidad sa Maynila. pero may purpose talaga ang duty ko dito. hindi utak ang kailangan kong pangalagaan kundi ang mga mararanasan ko. maswerte ako, dahil hindi lahat ng tao nararanasan ang mga nararanasan ko. Maswerte ako, dahil marami akong natututunan.

panibagong buwan nanaman. excited na ko, ano kaya ang mga mangyayari??