Ewan ko ba. Mas namimiss ko ang isang tao hindi dahil matagal kaming di nagkita o nagkasama .. mas namimiss ko kapag magkasama lang kami kani-kanina tapos maghihiwalay na. Alam mo yun. Dun sa point na hiwalay na kayo ... dun bumubuhos ang extreme na emosyon ng pagka-miss. Na kung pwede mo lang siyang balikan gagawin mo. Na kung pwede mo lang sabihin na wag muna siyang umalis o wag na lang kayong maghiwalay gagawin mo. Na kung pwede lang sana .. habambuhay na kayong magkasama .... gagawin mo. Alam mo yun. Kaya nga madalas, pag ako may kasama tapos goodbye na, tapos na ang oras ... kailangan ng umuwi sa bahay ... hindi ko nililingon ang taong yun. Nalulungkot ako. Mas ok pang wag ko siyang makitang palayo. Hay. Grabe. Pero ngayon meron akong isang taong namimiss .. ay marami naman pala .. pero siya ang pinaka namimiss ko ngayon. Haha! Magkasama lang kami kahapon pero .. wala, sobrang bitin. Grabe. Feeling ko kahit whole day kong makasama ang taong yun e mamimiss ko pa rin. Hay. Sana makita ko siya bukas. May plano kami e, pero syempre hindi ko alam kung matutuloy at ayokong paasahin ang sarili ko. Pero gustong gusto ko na talaga siyang makita at makasama. Hay. ... Nababaliw na ko. hahahahaha! Antok lang to. :)
Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
02 January 2012
Nakakabitin talaga. Ang sarap pang matulog buong araw. Ang sarap pang mag-stay sa bahay. Ang sarap pa ng buhay na di ka nagka-cramming o kinakabahan kung may assignment o exam kinabukasan. Ang sarap ng buhay na di ka nagmamadali dahil baka ma-late ka. Hay. Mamaya ... wala .. may pasok na. Stress nanaman. Badtrip all over nanaman. Pero sana hindi ganito no. Ok ayokong i-expect na ganito. Dahil new year na .. siguro naman mas ok na. At dahil nasimulan ko ang 2012 ng masaya .. siguro naman, at sana naman ay good vibes ako diba. Naman. Hay! Buhay! May pasok nanaman. No choice. Well, 3 months na lang naman .. mabilis na lang ! hahahahaha!
Subscribe to:
Posts (Atom)