Hay. 3am na, birthday na ni Jam. Happy birthday Jam! hahaha! Anyway, 3am na gising pa ko, maaga pa naman ako aalis mamaya hay. Nawa magising ako ng maaga! Lagi na lang kulang sa tulog. Tinapos ko ang essay nina Sam at Kathlene, ginawa akong google translator eh hahaha! Natuwa naman ako sa mga gawa nila, infairness. Sana nabigyang hustisya ng english translation ko ang thoughts nila chos! Anyway, magpopost pa sana ako sa isa ko pang blog kaso mukhang hindi ko na magagawa pa dahil anong oras na nga. Mabuti kung makakatulog sana ako agad. Hay. Bukas kuhaan na ng allowance! Itatabi ko na talaga yung pera. Kailangan ko mag ipon, malapit nanaman mag-December. hahaha! At magda-diet na talaga ako, hindi na biro yung lagi na lang may nagsasabi na ang taba-taba ko na. hahaha! Hindi naman ako nahuhurt, pero kasi mukhang seryoso talaga sila na kailangan ko ng mag diet haha! Bakit kasi di na lang boobs ang tumaba sakin eh. Tsk.
Nga pala, kanina nung pauwi ako galing Manggahan, Pasig, sa jeep, soundtrip ako. Ang kanta sa playlist ko, Come What May. O diba, halos ma-forgets ko na yung kantang yun ngayon ko pa narinig! So ayun na nga, napa-emote ako ng konti. Medyo madilim kasi yung jeep tapos ang bilis, ang lakas ng hangin lipad kung lipad ang hairs ko hahaha! Ayun naalala ko nanaman si Riyen Edward Jerizano Arreza. Bat ba nagpaparamdam kayo mga ex? chos! Wala lang, parang naramdaman ko lang ulit kanina yung love ko sa kanya. Hindi na ko in love at di na ko umaasa, pero wala lang may naramdaman lang ako. Not hurt, more on masarap na feeling na di ko ma explain. Hay. ....
Gusto ko mag post ano ba yan (hindi pa ba post to? LOL) pero wala kailangan ko ng magpaalam. :'( Yung preaching ko kanina ok naman, pagod na pagod ako halos mawalan ng energy at boses yung mga tao kasi antok though nasagot naman sila. Nararamdaman kong di sila interesado. Ginawa ko naman lahat ng effort para mapasaya sila pero wala eh. Ganun talaga. Si Lord na bahalang kumilos sa kanila.
Excited na ko mag retreat. Sana naman worth it.
O diba random kung random thoughts. hahaha! Ganito ka aktibo at ka kulit ang utak ko pag ganitong oras. O siya alis na ko.
Ay nga pala, nainis ako kina Ellen at Eunice ng konti today. Si Ellen kasi, sa chatbox ba naman sabi kasi namin mag-BGC kami sa Holy Monday, aba sabi exact date please daw WTH. Hindi pa ba exact yung Holy Monday?? I mean, pwede naman niya kasi itanong kung anong date, alam ko kasi tono niya pag ganun eh. kaasar lang. Si Eunice naman, iniintriga pa yung pag uwi ko ng bahay. Kesyo 12am kasi, nag chat pa siya bat daw gising pa ko. Sabi ko, halos kakauwi ko lang. Bat daw 3 hours biyahe ko. Sabi ko normal biyahe ko yun, actually mga 2 1/2 hours lang dapat, eh kaso nagtagal pa ko ng konti kanina sa Pasig. Anyway sabi niya, bat siya daw pag sa Paranaque nauwi 1 hour lang, magkatabi lang naman daw ang Las Pinas at Paranaque. Oo na andun na tayo, pero naman. Magkaiba naman ang biyahe nun. yan hirap sa mga tao eh, porket magkatabing lugar magkaparehong biyahe na agad? Porket Las Pinas malapit lang? Asan ang hustisya? Di kasi nila alam na mula Pasig kanina, anim na sakay pa ko bago makarating ng bahay. Di kasi nila alam na kasama na sa oras ng pag uwi ko ang 30-45 minutes o minsan 1 hour pa na pagtambay ng bus sa Ayala. Di kasi nila alam na sa biyahe ko may kasama ng window shopping sa mga piniratang gamit tuwing gabi sa palengke ng Alabang sa sobrang haba ng nilalakad ko papuntang sakayan. Di kasi nila alam na pumuti na mga mata ko kakaabang ng jeep papunta samin, tapos gumive up na ko kasi parang pointless na, sumakay na lang ako sa pila kung saan namuti nanaman ang mga mata ko kakahintay para mapuno ang jeep. Pero ang pinaka malupit dito, bakit pati oras ng pag uwi ko issue na rin? Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon? Eh ano kung 2 o 3 hours biyahe ko, sila ba ako? Sila ba yung puyat at pagod? What the heaven!
O siya, ok na ko. Kaya gusto ko lagi mag blog eh, nakakatanggal stress. Good mornight! :D