De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

07 July 2011

Magiging akin ka rin .. soon. :)))) XD



Hahahaha! Adik talaga. Nung nakita ko to naalala ko talaga yung planner ko. Nilagay ko kasi dun na hihintayin ko ang isang tao hanggang mag 25 years old ako .. grabe a. Pag naaalala ko at nababasa ko yun nasusuka ako .. (joke!). Grabe. Nakakatawa talaga ang tao pag inlababo no .. kung anu-ano ang naiisip ... hahaha!!

Ayoko namang maghintay ng ganun katagal na siya lang diba .. syempre a .. hahanap ako o tatanggap ako ng iba .. pero syempre ... hahaha .. if ever man na magkatotoo after 7 years .. edi maganda diba?! hahahaha! Pero wag naman .. kasi may kailangang mawala para lang lumigaya ako .. at ayoko nun. Magsama na sila ... silang lahat! Magpakasaya sila!!! hahahaha!!! May darating din na para sakin .. ayoko ng ipagsiksikan pa ang sarili ko sa pag-aari na ng iba. Diba?? hahaha! Bahala na kung ano mangyari sa future .. kung magiging kami man .. tadhana na ang gagawa ng paraan. :D

si mai lab. XD



hahahaha! adik lang. nung nakita ko tong picture na to si Clay agad ang naisip at naalala ko. hahaha! hirap nito .. torn between 2 lovers. tinanong niya nga kung yung present na lang e .. kasi sabi ko past is past .. pero sagot ko .. I LOVE YOU TWO na lang. hahaha! para masaya diba. XD

Never say Never.


Ewan ko ba .. di naman ako fan ni Justin Bieber no .. ayoko nga sa kanya e... pero .. di ko malimutan tong 'never say never' na to.

Pag minsan .. parang idadagdag ko dapat sa sentence ko ang salitang 'never' .. naaalala ko to bigla tapos di ko na sinasama .. as in di na ko nagamit ng salitang yan .. hahaha!

totoo naman kasi e .. never say never. basta ang hirap i-explain. XD

Always remember:

saaaanaaa .. dalawa ang puso mo. XD



hahaha! adik lang. sana dalawa ang puso mo. amp!

pero dati sa ginawa kong quote na pang-gm .. sinabi ko dun na di naman kailangan pang humiling ng isa pang puso para magmahal ka ng iba. Ang puso kasi natin ay may four chambers ... so kung may mahal ka na .. nandun siya sa isang chamber. tapos pag may napusuan ka ulit .. ilagay mo sa 2nd chamber .. hanggang sa mapuno mo ang 4 chambers. so ibig sabihin ... meron kang 4 na pagkakataong magmahal ng sabay-sabay. hahaha!!


Pero naman .. di naman talaga natin na kailangan pang humiling ng isa pang puso .. kasi kahit isa lang ang puso natin .. nagagawa pa rin nating magmahal ng maraming tao ..... o diba???











di na. kala mo.

hahaha! Ok. Di ko mapigilan mag open. Wala pa kong nagagawang assignment .. amps!

Ang ilalahad ko ay ang nangyari ngayon ngayon lang. Nag-open ako ng facebook account ko. Nakita kong online si Sarah. Edi yun chinat ko. Sabay sabi ba naman .. "malapit na ko mag out".

Ok. Linawin ko lang. Di naman ako galit. Naiinis lang. hahaha! JOke. Hindi .. wala naman akong nararamdaman .. gusto ko lang to i-share.

Kasi .. sabi niya .. gusto niya ko makausap .. tapos nakakatawa kasi pag nag-e-effort akong makausap siya .. lagi niya kong sinasagot ng ganyan .. yung mga walang ka kwenta kwentang sagot. Nakakairita lang. Kasi pipilitin ka tapos pag nag-effort ka na di naman irerecognize man lang. Grabe. Ok. .. oo mag-out na nga siya .. pero diba ... naman .. tama ba namang ganun agad sabihin nia?? Grabe a.

Naalala ko din nung minsan .. pinipilit niya ko mag load kesyo miss na daw niya ko ang whatever .. ako naman si tanga na-inspire mag load .. aba .. tae talaga .. di ako tinext tapos tinext nga ko alam mo yun .. wala nanamang kwenta yung mga sinasabi niya. Nainis talaga ko nung time na yun .. pero pinatawad ko na siya nun .. until now .. na may nangyari nanamang ganun.

Hay .. ayoko na talaga. Suko na ko. Minsan lang ako mag-effort gaganitohin pa ko. I'm not used to it .. I mean .. mahalaga ka sakin kapag nag-e-effort ako for you .. at kung di mo kayang i-recognize yun then let's stop it.

Ganyan naman kasi talaga ang tao e .. pag kailangan ka nila maaalala ka nila .. tapos pipilitin ka nilang gawin ang bagay bagay. Tapos pag ginawa nila irereject ka. Nakaka-offend ,,. alam mo yun. Sige na ako na masama ... wala akong pakialam ....

And now, I promise .. di na talaga. Ayoko na. Wala na kong pakialam sa kanya. Kung magka-chat kami ok .. kung hindi I DON'T CARE!!! At di na ko magloload dahil sa kanya. Ainako. Nakakainis.

O sige na. Yun lang naman. Sauce.

TAE naman o!!!!

Naiinis ako. Ang baho grabe. Amoy tae. Nakakainis tong kapitbahay namin napaka baboy. Kasi yung mga bata dun pinapatae sa kanal .. tinatanggap nila yung sementong takip tapos presto! Nakakairita talaga. Gusto kong ireklamo kaso baka pagsimulan lang ng gulo .. kaya nag wawalang bahala na lang kami. Kaso napakababoy talaga. Nakakapikon. Nakakainis. Tapos kanina ..dun ba naman nagtapon ng basura sa harap ng gate. As in inuuod pa ha. nakakabwisit.

Sarap nilang paslangin! Amp!

ISNATS

May nakita akong picture at naalala ko si Geralyn. Sa Filipino subject kasi namin kahapon .. ang shinare niya ay tungkol sa kanyang cellphone na ninakaw ng kaibigan niya. Sabi ko sa kanya .. sayang kasi binilhan pa naman namin yun ng mamahaling charger tapos nawala din naman. Tapos kinwento niya na nung may pinagbintangan pa silang kapitbahay .. pati charger binibigay niya .. parang ganun .. basta.

So ayun. Naalala ko rin si Pepe (si Dr. Jose P. Rizal). Kasi naman .. diba yung sa kwento sa ilog .. yung hinulog niya yung isa niya pang tsinelas para in case na may makakuha nun magagamit pa niya. Parang ganito yung. Na-snatch ang cellphone ng babae (5110) tapos nung tumatakbo ang magnanakaw .. hinahabol pa niya yung charger. Adik. Pero advantage ni Ate yun dahil mapapalitan na sa wakas ang cellphone niya.

Hay, naalala ko rin yung nawala kong mga cellphone. Dahil ilang beses ako nawalan .. ayun .. natambakan ako ng charger at head set dito sa bahay. Pero ayos lang kasi at least pag nasira ang isa may magagamit pa.

Wala lang. Walang kwentang post lang. Mai-share lang na may naalala ako. hahaha!











Break up season


Nakita ko ito sa isang website kanina. Astig.

Ilang araw ko na ito iniisip. Kasi .. may panahon na biglang andaming nagbibreak .. meron ding panahon na parang ang saya ng lahat ng lovers.

Tulad ko, pag mga November to March .. yan yung tipong wala akong boyfriend at kung meron man .. yan ang break up season ko.


Ayon sa table sa taas .. mas madalas ang break up sa buwan ng Marso at umpisa ng Disyembre. Tama. Ang galing. Base sa aking experience totoo yan. Marami akong kakilala, pati na ang sarili ko na naghihiwalay ng buwan ng Marso at pag malapit na ang pasko. Paalala muna: hindi ko nilalahat. majority lang at yung common kong nalalaman.

So bakit kaya????

Nga pala, bago ang lahat .. ang chart na ito ay ginawa ng isang tao na pinag-aralan at inobserbahan ang pagpapalit ng mga friends niya sa facebook ng realtionship status... kaya nagawa niya ang conclusion na iyan.

So ayun na nga ... bakit?? Nag iisip ako kanina .. hindi naman ako sigurado a .. base lamang ito sa aking sariling karanasan at pang unawa. Hindi ko sinasabing sang ayunan ito ng kung sino .. basta ito ang naisip ko at sasabihin ko.

Madalas sa buwan ng Marso kasi dito sa Pilipinas .. ito ay buwan ng pagpasok ng Summer. (sa Pilipinas ko binase ito dahil Pilipino ako .. ngayon wala akong pakealam sa iba) So dahil papasok ang summer .. umpisa na ng bakasyon at nagsisipunta ang ilan sa ibang lugar para mag-relax. So kung pupunta sa ibang lugar ang ilang tao .. makakakilala sila ng iba .. magkakaroon ng bagong kaibigan at madedevelop. Tuwing summer din common and tinatawag nating "fling". Isa pa, ang Marso ang pinaka nakakatamad na buwan sa lahat dahil patapos na nga ang pasukan ... excited ka na sa bakasyon kaya tinatamad ka na ..

Sa umpisa naman ng Disyembre .. madalas din dahil malapit na ang pasko .. syempre gastos yun at mas mainam na single ka sa araw ng pasko. hahaha! Tapos tingnan mo .. pagkatapos ng pasko .. magbabalikan sila ng mga last week ng December o January na .. o diba .. tipid. hahaha!

Kung titingnan din natin .. mababa sa buwan ng Agosto at Setyembre. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi relax ang mga magsing irog sa mga panahong yan .. at papasok ang 'ber months' kaya feel nila love na love nila ang each other sa mga panahong yan. Tsaka karamihan .. sa buwan na yan kasi nagsisimula ang pagmamahalan. Katulad kasi pag pasukan .. June. Magkakilala pa lang .. so mga August at September magkakilala na talaga sila .. at magkakadevelopan. o diba?? hahaha!!! Sa kasamaang palad .. ako ay nabiktima sa buwan ng Agosto. hahaha!

hay .. wala namang break up season .. pero dapat meron. hahaha! well, nasa tao din yan e .. kung hahayaan niyong mag break kayo e problema niyo na yun.



Relationship status







Ito ang isa sa mga pinaka nakakatawa at pinaka abusadong features ng Facebook.

Relationship Status.

Ito rin ang pinaka aabangan ng lahat ng friends mo .. lalo na kung medyo kontrobersyal ang lovelife mo.

Sa Facebook, pwede mong piliin kung ano ang relationship status mo at ang masaya, pwede mong ikonek sa ka-relationship mo ... e.g in a relationship with
Yen. Parang ganyan.



Minsan pag may nakikita akong dating kaibigan o kaklase na nagpapalit ng 'in a relationship' tapos walang nakalagay kung kanino .. parang gusto kong sabihin na .. 'we?? totoo ba yan?? pakita mo nga kung kanino ka in a relationship..' hahaha! Pero simula ng ma-involve ako sa isang maling pag-ibig (me ganon?) naintindihan ko ang side ng mga taong gustong ipagsigawan sana na 'in a relationship siya kay ganito pero di niya magawa dahil kailangan nilang itago ang kung anong meron sila. Pero hindi naman lahat ganito. Meron talaga echosero't echosera ... yung ilalagay na 'in a relationship ' sila para 'in' sila .. jusko naman. May kilala akong ganito e .. napaka feeler ..sus.

So ayun .. ako, Widowed ata ako dito sa original account ko sa fb .. tapos Separated naman sa isa kong account. Oo na .. echosera na rin ako .. kaya ko naman kasi sinabing Widowed dahil matagal ko ng pinatay si Yen. Joke. Tapos separated ... totoo naman e .. hiwalay na kami. hahaha!

Pero ang pinaka tricky ay yung mga 'it's complicated'. lahat ng feeler talaga anjan e. Yan ang tingin ko safest relationship status. Kasi kahit single ka tapos naguguluhan ka lang o assuming ka lang .. it's complicated.

Kaya tama ang nakararami... dapat dagdagan ang relationship status sa facebook .. tutal nagkakalokohan na lang din naman. Para mas specific at kapani-paniwala. Tutal inabuso na rin naman .. lubos lubusin na diba.


Pero sa huli, masyado ngang naaabuso ang relationship status ng facebook. Ginagawang laro ng karamihan .. kasama na ko. Ramdam ko kung bakit di dinadagdagan ng facebook .. kasi seryosong bagay yun kahit papano. diba?? ainako.

Ito nga pala ang nakita ko kanina mula sa isang website na naligaw lang ako. Kaya naisip kong mag post ng tungkol dito e. laughtrip . nakakatuwa yung mga Status.
Parang gusto ko nga jan yung ... "refusing to admit it's over." Adik.




Ito naman ang cute ng mga drawing .. hahaha. at sobrang specific na talaga. Pero tungkol kasi to sa mga mag-asawa ...

Ito talaga the best o. ... ang dami. Kumpleto e. hahaha! Ano kaya kung ganito no?? Parang ang hirap namang aminin ng ilan jan ... at halatang bitter yung taong gumawa nito e ... hahahaha!



Pag-iisipan ko muna kung papalitan ko ang relationship status ko. Sa ngayon .. ako'y mag-a-out na at ako'y nagugutom. :))











R.I.Y.E.N E.D.W.A.R.D



Aga - aga ito agad ang narinig kong kanta. tsk.
Tamang soundtrip din kasi ako .. tapos natapat sa kantang to. Ayun napa-emote ng konti lang naman. May naalala lang.
Antagal na simula ng nangyari yun. Tingin ko naman sa sarili ko naka-move on na ko. Hindi naman dahil napapa emote ka pa at naaalala mo pa ang mga bagay bagay e di ka naka-get over dun. Sadyang di lang talaga natin nalilimutan at malilimutan ang mga nangyayari. Lalo na yung mga 'pinaka'.

2 years, 11 months na ang nakakaraan. Hindi ko na ramdam masyado ang sakit ngayon pero pag naaalala ko, nalulungkot pa rin ako. Minsan lang kasi ako nagmahal ng totoo .. nawala pa. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko ..dapat nga wala e. Pero ewan ko ba. Parang naghahanap ako ng sasalo sa naging problema at kung may aamin man, saka ako matatahimik. Pero wala na tapos na e. Ok na ko.

So ayun .. Sabi nila kung gano kayo katagal doble nun yung moving on period. Tae feeling ko totoo. Kasi kami .. 11 months and 23 days ... grabe. 2 taon bago ako nakahinga ng maluwag. Totoo.


White Horse. Feeling ko lang nakaka relate ako kasi medyo close .. medyo lang naman .. yung nangyari samin. Pero samin, nalaman ko sa kapatid niya ang nangyari right after ng birthday ko. Nagtext din si Yen non at nag-so-sorry tapos sinabi niyang di muna kami magkikita. Simula nung araw na yun di siya nagpaparamdam (si Yen) .. ni text o tawag wala. Mga after a week yun tinawagan ko siya .. buti naman sinagot. Hindi ko siya tinatanong sa nangyari .. gusto kong aminin niya yun ng kusa. Kamustahan .. pero kahit sa phone parang ilang na kami sa isa't isa. Nag-aya siyang magkita kami .. sa dating meeting place .. sa tennis court. Nagkita nga kami .. nag-usap .. at ayun .. sinabi na niya. Grabe para akong maloloka nung araw na yun. Di ko na alam kung san ako kakapit .. feeling ko hihimatayin ako sa mga naririnig ko. Pero ang nakakatawa (nakakatawa na siya sakin ngayon) .. sinabi niyang hindi pa rin siya makikipaghiwalay sakin pagkatapos ng nangyari. Pero sabi ko .. nung araw pa lang na huli siyang nagtext .. nagpasya na kong wala na kami nun. Pero matigas si gg. haha. Ayun. Ilang buwan matapos nung araw na yun di na kami nagkita. Lagi akong wala sa sarili nun.. naiisip ko kasi lagi. Ewan ko ba ..ngayong naaalala ko natatawa ako ..kasi naman .. diba .. para akong tanga. Pero kasi pag andun ka sa sitwasyon masakit talaga.

Tapos December yun .. binati niya ko ng Merry Christmas at may pinadala siyang regalo sakin. Tapos nagkita kami ng palihim .. kasi pag nalaman ni Polla, magagalit yun ... nagbabanta kasi siyang ipapalaglag niya si Luis pag nagkita pa kami ni Yen. Ayun ... muling ibalik?? hahaha! Di rin. Naging maayos na kami nung araw na yun. At pagkatapos nun .. nasundan pa yun ng maraming palihim na pagkikita namin .. parang kami na ulit... parang balik na ulit sa dati .. except na andyan na nga si Polla... at si Pol. Oo, kami ni Pol nung mga panahong yun .. tapos gf ko din nun si Heaven Knows. (tae ngayon ko lang napansin .. si Polla at Pol parehong POL. hahaha!)

March nanganak si Polla. March din nag break kami ni Pol (nalaman niya na nagkikita pa kami ni Yen .. ). Hanggang pasukan na nun (sa PLMun pa ko nag-aaral) ok pa kami ni Yen .. hindi pa rin sila nagpapakasal ni Polla kahit gusto ng mama nung girl kasi nga .. balak ni Yen kami pa rin (ganda ko e. joke!) hanggang sa ... nalaman ko na lang nung February nitong taon na .. buntis na ulit ni Polla. Wala na. Natauhan na ko. Parang inuntog ang ulo ko sa pader. Simula nun .. di na kami nagkita ulit ni Yen. Ako na pumigil. Wala ng kwenta e. Naglolokohan na lang kasi kami.

Sa September manganganak na si Polla ulit. Ang galing congrats sa kanila. Tingin ko pakakasalan na talaga siya ni Yen .. 2 na e. Hay .. masusundan na si Luis.

Hay ... di na ko masyadong affected. Ok na ko. All is well, all is well, all is well. hahahaha!

Ang ala-ala ay panatilihin na lamang nating mga ala-ala. MOVE ON! :))



---------------------

*ang ganda ni Taylor Swift talaga. Grabe.