De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

23 March 2010

ready for retirement...

Kanina, mga kani-kanina lang,...aa hindi kanina pa pala...habang nagko-computer kami ng kapatid ko dito sa taas, may kumatok. Si Mama pala, pero nag-iisa siya. Sabi niya, bumagal daw ang takbo ng motor dun banda sa Greenfield School na nung una di ko pa na-gets kung saan. So pinaayos muna doon ni Papa. After namin kumain mga ilang minutes na matagal din...dumating si Papa..pagod na pagod. Gulat kami kasi walang tunog ng motor...yun pala... tinulak niya yung motor namin mula dun sa pagawaan hanggang bahay. Eh lintsak, napakalayo nun at marami pang 'ups and downs' bago makarating sa bahay.

Well, ayun usie ako ee...syempre naki-epal ako sa chikahan nila ni Mama about sa motor...nung una nagana pa siya...kaso nung pinagawa lalong yun di na umandar. Nakalungkot yung reaksyon ni Papa as in parang disappointed na ewan. Parang naiiyak na ewan. Kasi naman, una sa lahat, ayoko mang sabihin (dahil sabi nga nila dapat lagi mong sinasabi na may pera ka...) wala kaming pera. Hirap talaga ngayon. As in nararamdaman ko na ang epekto ng krisis...pati nga El Niño ee ramdam ko ee...

Hay nako...nalulungkot ako kanina habang pinagmamasdan ko si Papa, lalo na yung motor niya. 12 taon na kami nitong pinagsisilbihan. Oo, matagal na at pwede niyong sabihin na maaari na namin itong sindihan. Pero hindi. Ayoko. Nagkaroon na kami ng pangalawang motor na mas bago sa kanya noon pero yun pa ang naunang na-dispatsa namin.

Mahirap siyang palitan. Noong bago pa lang namin iyong nabili, kitang kita ko kung gaano kasaya si Papa. Iyon ang kauna-unahang sasakyang naipundar nila ni Mama mula sa pagtitinda.

First everything.

Dito natuto si Papa mag-motor. Ito ang naging bestfriend niya. Saan man siya magpunta, kasama niya ito. Napakalaki ng naitulong nito sa pamilya namin. Naaalala ko pa noon, napakalakas pa niya...parang si Papa. Pero ngayon....it's ready for retirement..

Kahit na ganon, ayoko pa rin siyang ibenta o palitan. I want it to stay. Actually, I still hope na maaayos pa yun. Sa dinami-dami na nitong pinagdaanan, ngayon pa siya susuko...naman diba! Sabi ko nga kanina kay Papa..kung yung mga kalansay ng mga motor nakilos pa...yun pa kaya na buo pa....

Nagpahinga lang sandali yun. Isipin ko na lang na nagkasakit siya...at gagaling din. Mabuti ang Diyos hindi lang sa mga tao kundi pati sa mga bagay. Alam kong papagalingin siya ni God.

Bukas, magcocommute si Papa sa pamamalengke. Gusto ko man siyang tulungan, hindi na rin kasi alam kong mas magiging hassle lang pag andun pa ko.

On the other hand, nakakadagdag lang to ng tampo kay Kuya kasi antamad niya...hindi man lang magkusang tumulong sa amin. Nakakainis.