De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

29 May 2015

Ang puso ko. bow.

Hindi natin ma-define ang salitang "masaya", kasi hindi natin alam ang sukat ng masayang masaya sa masaya lang. Ako, para sakin ang depinisyon ko ng masaya eh kapag payapa ang kalooban ko. Katulad ngayon. Hindi ko masasabing hindi ako nalulungkot, pero payapa ngayon ang dibdib ko. Walang nagpapabigat dito, at pakiramdam ko kuntento ako sa kung anong meron ako. Pero minsan hindi sapat na masaya ka lang. Mas maganda sana kung masayang masayang masaya....kaya tara lovelife. Joke!

Wala akong lovelife ngayon, at ok naman ako. Hindi naman ako naghahangad ngayon na magkaroon, kuntento na muna ako maging single. Sa iba kong kakilala hindi ako maintindihan, hindi nila ma-gets pag sinasabi kong "tulog ang puso ko ngayon". Eh sa tulog naman talaga e. Pwede pa nga patay eh hahaha! Alam mo yung wala kang crush man lang, at nararamdaman mong wala ka ring iniirog. Minsan nga binubulungan ko ang sarili ko na, "ui, magka-crush ka man lang.." tapos kikiligin ako saglit tapos tapos na. Alam mo yun? Pag humimbing ang aking puso tuloy-tuloy. Nalimot na kasi niya ang sakit na dulot ng huling taong minahal ko, kaya eto nagbabakasyon siya, nagrerelax, nagpapahinga, at siguro hinahanda niya ang sarili niya para sa susunod nanamang pakikibaka sa pag-ibig.

Hindi ako takot na muling umibig at masaktan, pero sadyang hindi ko naman pwedeng pilitin ang puso ko diba. Kung ayaw niya wag niya. Masaya naman ako kahit hindi muna siya tumibok para sa iba, para sa akin na lang muna. hahaha!

Tuwang tuwa ako sa puso ko, feeling ko nga best friend ko siya eh LOL! Kasi alam niya kung kailan siya dapat magpahinga, at alam niya rin kung kailan siya dapat umariba. At pakiramdam ko may relationship ang puso ko kay Lord. Sabi ko kasi noon kay Lord, kung alam Niyang hindi pa handa ang puso kong masaktan ulit, wag Niya muna ako bigyan ng panibagong mamahalin. Aba eh, mukhang regular na nagre-report ang puso ko kay Lord, kaya eto stable pa rin siya, no worries pa rin. Alam ko naman na hindi pa siya totally healed, na may ilang parte pa rin niya ang naghihingalo. Kaya nga di ko siya pinipilit kung ayaw pa niya. Kaso naman kasi, pag gusto na niya kakaiba rin eh. Talagang wagas siya umibig. Talagang all out. Kahit na mag-over heat na siya ok lang, patuloy pa rin siyang titibok para sa iniibig ko. Kaya tuloy ayun, pag nasaktan grabe din. Pag nasugatan malalim. At pag namahinga walang wala na rin.

Astig tong puso ko. Kaya nga sana, kung kaya ko lang talaga, gusto ko siyang alagaan. Kasi dinesign siya perfectly ni Lord para sa akin. Biruin mo, ibinigay sa akin ang puso na makakavibes ko. Puso na hindi mabilis ma-develop, yung alam ang lugar niya sa isang tao. Pusong alam kung para kanino lang siya dapat tumibok, yung lugi man siya sa huli pero at least bawing bawi din naman sa mga nakuha niyang pag-ibig. Yung pusong matiisin pero hindi non-sense na pagtitiis, pusong mapagbigay pero alam ang limit ng dapat ibigay. Pusong hindi madaling masaktan unless sinadya na. Pusong kayang pagdaanan ang lahat mapasaya lang ako. Sana lang wag siyang magbago. Natatakot nga ako na baka isang araw, hindi na siya mag-function ng matino. Baka isang araw bigla siyang umibig sa lalaking hindi naman ako kayang ibigin, aba na-friendzoned pa ko, ayoko ng ganun. Ayoko ng unrequited love. hahaha! Kaya sa pagpapahinga niya, matagal man, pinagbibigyan ko na. Mas ok ng magpagaling na lang muna siya, kesa pilitin ko at maging cause pa ng pagkasira ng isip ko hahaha!



Mensahe ko para sa puso ko?

----puso, hindi ako nagmamadali. kung hindi mo pa siya makalimutan, ok lang. kung nais mo pang humimbing muna at lasapin ang kamanhiran, sige lang. maghihintay ako sa tamang panahon ng muli mong pagbangon. tiwala ako sayo, na sa susunod na titibok ka para sa akin at para sa iba, alam kong ang mapipili mo ay worth it para ipaglaban nating dalawa. hayaan mo, kikilatisin ko din naman para hindi ka na mahirapan pa. at kasama natin si God, Siya ang magbibigay sa atin ng tamang tao para ibigin. saktan ka man niya, siya rin naman uli ang gagamot ng iyong mga sugat. lalaking hindi ka na iiwan matapos kang losyangin at pahirapan. lalaking hindi na mang-iiwan sa ere, kundi sasamahan ka hanggang sa huli mong pagtibok para sa aming dalawa. ♥


`nagmamahal, 
ako lang.





My motto. chos!