[humanda.....sa....larangan! hudyat....]
wwwwwooouuuuuuuuwwwwwww!!! nasa kalagitnaan ako ng pagtulog habang nagkaklase sa English subject namin kanina (love ko ang english subject kaso and init sa room kaya anarap matulog) ng biglang nagising ako sa malakas ba sigaw na narinig ko. di ko naiwasang mapa-tion sa kinauupuan ko. buti nga hindi ako tumayo ee (nakakahiya naman yun!) kasi sa isip ko, kailangan kong sumaludo...buti na lang talaga di ko ginawa.
hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses (kaso wala akong makita kasi wala naman ako sa bintana). tila ba gusto ko ng magtatatakbo at humarap sa watawat ng Pilipinas ng mga oras na iyon. hinanap ko ang flag pero wala akong nakita.
pag labas namin ng kasama ko, papauwi na kami noon, nakita ko sa court na nakaupo ang mga naka-puting t-shirt, maong at rubbeshoes na dugyuting mga nilalang sa harap ng mga maaangas at mayayabang na 3 babaeng naka-boknay at nakasuot ng gou blue. aba, mukhang may training sila, kakaunti lang ang mga nakaupo kaya halatang mga COQC sila.
nainggit ako.
di ko mapigilang sabihin na..
MISS KO NA ANG CAT.
oo miss ko na talaga.
hindi halata sa akin na ako'y makabayan. isa lamang akong simpleng nilalang na ang pinakekealaman lang ay ang sarili. pero sa kaibuturan ng aking puso, hindi maintindihan ng ga tuldok na bahagi ng akng utak kung bakit gustong gusto kong mag-ROTC.
hindi ako macho, hindi rin ganoon kalakas ang katawan ko kung titingnan ako (pero hindi ako payatot at tababoi), wala lang, simple lang, ni di mo nga mahahalata sa itsura ko na minsan sa buhay ko e dumaan din ako sa mga pamatay na training at naging officer sa CAT noong high school. oo, naging officer ako noon. ewan ko kung paano nangyari yon, kahit ako ay hindi makapaniwala. wala kasi sa kakayahan ko (sa pagkakaalam ko) ang sumabak sa mga ganoong bagay, pero laking pagkakamangha at paghanga ko sa sarili ko sa tuwing naiisip ko na nalagpasan ko ang lahat ng kahihiyang inabot ko sa pagsali sa CAT.
ngayon, nababaliw na nga siguro ako, pero gusto ko talagang sumali sa ROTC. pangarapkong makapag suot ng fatigue. pero bukod dun, ang motibo ko talaga ay ang maglingkod. walang biro. maglingkod.
noon pa man gustong gusto ko ng tumutulong sa kapwa. ayoko ng inuutusan at inaalila ako pero pag CAT ibang usapan na yon. ibang bersyon kasi ng sarili ko ang CAT. ang laki ng pagkakaiba ko sa totoong ako. lahat ng di ko kayang gawin, nagagawa ko, at nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili ko.
biruin mo yun, may maganda din palang naidulot sa akin ang CAT. bukod sa pagtambay, pakikipagchismisan, pakornihan at pagsasamantala, natutunan kong kilalanin at intindihin pa ang sarili ko, ang kabilang side ko.
pero basta, gusto ko mag ROTC. nagpaalam na ako sa mama ko, sabi ko kapag may nag-recruit sa akin mag RO, papayag ako agad. pumayag naman siya.
ewan ko ba, minsan nga naisip ko dapat nag criminology na lang ako. weird no??
basta, miss ko na training, "lipaw...humanay!", "rap sa kanan...rap!", "kanang balikat...ta!", "sunurang bilang...na!---'dalawampu't walo, huling bilang na po pinuno!'
shet namimiz ko talaga!!! gusto ko mag-form uli, sumaludo, magbabad sa init, tumayo ng matagal, mag marcha, parusahan, mag squat thrust, kagatin ang head gear, magmadali sa pagbihis, mag-squareback, mag scram, maging uto uto...lahat!! lalo na ang mag - TION!:)
Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
29 June 2009
nervous for nothing very important
i really don't have much things to say...I just want to share what I feel right now..
aside from being too bored (everyday I was bored), I felt sooooo nervous today. I don't know why I always feel like this when I wake up. I can't figure out what my day would be...
Will it be happy or would bad luck shower me today??
ahh..I don't want to think negatively but since I'm afraid encountering bad lucks, I think that way.
Well, I what I fear this day is...
1. I would be late in school.
2. I will not be able to attend my first subject again and again and again.
3. I don't know what to wear, uniform or civilian.
4. Will I pass my quiz in Science?? I didn't actually listened to my prof the day of our discussion.
5. Is my assignment in English enough?
6. What bag am I going to bring?
7. Will I go home early?
8. WILL I BE LUCKY TODAY???
Ahh!! This really sucks! I mean..I don't want to worry...but it's what always stays in my mind. The moment I get up from bed, there are lots of things that start to pop up and I will end up worrying about myself the whole day. I don't want this...this gives me an odd feeling and really...it reduces my self confidence!
God, please help me out...I'm begging you!!
Subscribe to:
Posts (Atom)