De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

16 March 2010

Kaya ko. KAYA KO.

Haha!!!!Ang saya ko ngayong araw na ito...ngayon lang kasi ako nakatapos ng isang presentableng powerpoint presentation.Proud ako kasi as in todo effort ako dun. Talagang pinagpuyatan ko siya kagabi para matapos at piangkagastusan ko talaga siya infairness to me ha!

And worth it naman dahil nakakuha ako ng 98% na grade. Bawing bawi ang pagod sa mga papuri pa lang ng mga kaklase ko. Ang sarap pala ng ganitong feeling...yung may natatapos kang gawin at alam mo sa sarili mong ginawa mo yun at di ka umasa sa iba.

Kaya ko pala.
KAYA KO PALA.
KAYA KO PALA.
KAYA KO PALA.


Sarap talaga! Buti na lang individual yun. Pag groupings kasi, wala, wala akong naa-achieve...wala akong maipagmalaki na kaya kong gawin sa sarili ko...hindi kasi ako pansinin sa grupo e. Tagasunod lang. Kaya ko pala. Astig. Iba talaga nagagawa pag di ka tinatamad. Buti na lang natututo na kong mag-prioritize ngayon. Ang saya ko talaga!!!!!!!!!!!!!


gahaman? selfish?

Kanina, final examination namin sa Values. Si Taray Queen diba katabi ko yun. Sabi niya sakin before mag-start ang exam, magtatanong daw siya sa akin kasi nung time lang na yun siya nag-start mag-review. Sabi ko pareho lang kami pero kung magtatanong siya, I'll try my very best.

Tapos yun exam na. Maya-maya narinig ko si Betty Boobs na nasa harap ko that time na nagtatanong kay Mam kung ano ba sagot sa #10 sa identification. Si Mam naman nagbibigay ng clue...sinabi niya kay Betty na ni-lesson namin yun. Ako, syempre alam ko yun. Si Betty ayun feeling madadala sa ganda si Mam...feeling close. Tapos nagtanong siya kay Taray Queen. Sinabi naman ni Taray Queen yung sagot. Nainis ako. Kasi ayoko kay Betty. Pero di yun ang rason. Ang reason is, nainis ako dahil sinabi ni Taray Queen kay Betty yung sagot...di ba siya nag-iisip? Mamaya ma-perfect pa ni Betty yung exam dahil sa kanya. Pero di ko siya masisisi..kasi mas malapit siya kay Betty..tingin ko nga pag nag-away kami nun...ako kawawa kasi silang lahat kampi dun. By the way, ayun na nga..tapos na ko mag-exam so nag-nap ako. Narinig ko si Taray Queen na nagtatanong. Hindi ako umiimik kasi inis nga ko diba...akala ko sakin siya nagtatanong. After ng exam kinuwento niya sa amin na..ayaw naman daw talaga niyang ibigay ang sagot kay Betty, kaso naisip niya parang paunang bayad niya yun kay Betty. Nagsabi siya ng sagot, so expect niya na tutulungan din siya ni Betty. Nung nagtanong siya ng example kay Betty (hindi siya nagtatanong ng sagot...laging example pero parang ganun na rin ang kalalabasan nun...). At alam niyo ba? Hindi siya pinansin nito. Hindi daw siya binigyan ng example. Nakita ko sa mukha niya ang matinding disappointment lalo pa't malapit niya ngang kaibigan si Betty. Di na siya nag-react pagkatapos niya magkwento...halatang pigil ang salita at gustong sabihin dahil yung dalawa naming kasama, bale silang tatlo na tangi kong kasama...e...malapit talaga dun kay Betty. Pati yung 2 di nakapag-react..nagkakapaan pa kung may magsasalita against kay Betty. Ako wala na lang. Patay malisya. Kasi ayoko mag-comment...ako kawawa...ayaw nila ng nasasaktan ng iba si Betty. Bahala sila. Basta...ang akin..ganun ba ang kaibigan nila? Sila,...handa silang magsakripisyo para sa kanya,...handa silang suungin ang mga away para lang ipagtanggol si Betty,,na ni minsan hindi naman sila inisip. Hay ewan!

natabunan ako nung nagsabog ng kagandahan kaya wala akong nasalo ni isang patak..

Ang galing naman...natutuwa talaga akong tingnan ang profile ng isang girl na itech sa facebook. Schoolmate ko siya nung highschool, bale first year college ako ngayon, 4th year high siya. Dati yung batang yun simple lang makapal ang kilay, di mo aakalaing gaganda siya ng bonggang bongga. As in iba na talaga siya ngayon..anlaking transformation. Tinatawag pa nga siyang wolverine pero ngayon...shet..ganda talaga!!

Tangkad...sexy...ganda...ano pa bang hahanapin mo sa kanya?

Sa isang photo album niya sa facebook nakalagay..."You can never be me"..e bago ko mabasa yun..naisip ko sana maging kasing ganda niya ako..naisip ko na kung sakaling magpaparetoke ako gusto ko katulad niya. Pero totoo ang sabi niya. I CAN NEVER BE LIKE HER. NEVER IN MY DREAMS. NEVER IN REALITY.

Wala lang, ang galing nila kasi nasalo na nila ang lahat ng kagandahan...pero bat ako hindi? wala? Ang nasalo ko puro kapangitan...pangit ugali, walang utak, walang talent, at higit sa lahat...WALANG GANDA.

Kahit man lang ganda na lang ee..buhay ka na...tingnan mo yung kaklase ko ngayong college...halos di pumasok pero buhay na buhay. Ganda kasi.

Kahit hindi na siya mag-aral kasi kikita naman siya sa modelling.
Hindi na niya kailangan maghanap ng lalaki kasi lalaki na mismo lumalapit sa kanya.. (fortunately, ako hindi ko naman kinailangan ever in my life na maghabol ng lalaki....haha...). Tapos hindi na niya kailangan pang magpaka-good girl..kahit pa talakera siya ok lang...kasi isang tahimik niya lang ok na, mabait na ulit image niya.
Isa pa, hindi siya nahihirapang mag-gain ng respeto mula sa isang tao kasi basta maganda ka, daig mo pa matanda sa respetong dapat ibigay sayo.
Tapos, yung mga magaganda, lahat ng konsiderasyon nasa kanila. Katulad nung iba kong classmate...may isa dun absent ng absent pero wag ka...lagi mataas grade nun. Pero bakit pag ako, araw araw at on time ako pumasok, nagkakanda kuba kuba na likod ko kakahabol sa klase..at sa paghihintay sa oras sa gitna ng 3 oras na vacant..pero wala...wala pa rin. Kulang pa din effort ko...NG GANDA.
Ano pa ba???
Yung mga magaganda kahit anong itsura nila maganda pa rin sila. Ewan ko ba...sila lang ang may karapatang magsuklay at di magsuklay...mag-make-up at di mag-make-up. Manamit ng kahit na ano...sila lang. Pag pangit ka tulad ko..di pwede yun.
Yung magaganda, sila lang ang may karapatang tumapak sa entabladong puno ng ilaw at tinitingala ng madla. Pag pangit, naku..ni humipo dun di pwede. Buti nga pag graduation nakakatikim ka pa ng stage e. Dun lang.

Hay...basta...andaming konsiderasyo at benepisyo ng pagiging maganda. Investment na, pension pa. Ganun lang yung. Pag maganda ka, insured ka na. Pag pangit ka pa, asa ka pa......

Buti pa ang kapatid ko...ilang taon na lang mula ngayon...masasali na siya sa parada ng mga mgaganda...at ako, mananatili habangbuhay sa likod niya. Habangbuhay kong titiisin ang panlalait ng aking tita. Ang hinayupak kong tita.

Kung magkakaroon man ako ng next life, sana maganda na ko...mayaman pa. Pa-experience naman.!

currently downloading mp3s

Hayun o...naaliw akong magdownload ng mga kanta..kasi kailangan kong mag download nung sa sayaw namin bukas e tatlo lang yun (dr. jones, barbie girl at shalala lala). Kaya yun naisip ko maghanap pa ng ibang songs para masaya. Kaso naparami ata download ko..haha...yaan mo na..pagkakasyahin ko...:)

Sana gumana sa cd player namin pati bukas sana gumana din.

Irah : Sabi ni Kuya miss ka na niya...

Lady Kyu : Pakisabi na lang mahal ko siya...

Irak : Korni niyo friend! (sabay batok)

Lady Kyu : (Iyak...T_T)


Hanggang Dito Nalang - Jimmy Bondoc


akala ko'y habang buhay tayo
akala ko hanggang dulo
kay haba pa ng kalsada
dito nga ba tayo bababa?

kung ganito na nga ba’ng usapan
kung dito na ang hangganan
dapat sigurong iwasan ang mga minsang kamustahan
mga nakasanayan dapat nang kalimutan
upang di tayo magkasakitan

hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang

akala ko’y habambuhay ang awit
akala ko’y hanggang langit
kay haba pa ng kantahan
dito na ba tayo tatantan
kung ganito na nga ba’ng tadhana
sara'ng pinto at bintana
dapat sigurong iwasan ang pagkatok sa’ting nakaraan
mga nakaugalian dapat nang pagbawalan
sunugin na ang mga larawan

hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Baka..tayo…
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang

ang ganda na sana
bakit biglang nag iba?
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo?
Palagay ko’y tayo
hanggang dito nalang
hanggang dito nalang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
kung tunay ang paalam
wag ka nang magparamdam
dahil humihirap lang
hanggang dito nalang