Sa lahat ng taong akala ko hindi mag-iisip ng ganun ... isa rin pala siya.
Si Fr. Dedmaks. Akala ko sa lahat ng tao siya ang makakaintindi. Akala ko di niya iisipin ang ganung bagay kahit kailan. Pero hindi. Hindi pala. At ang nakakatawa don, sa hindi kaduda-dudang pangyayari pa siya naghinala.
Hindi ko pinansin masyado noong Christmas party ... nung magpapapicture kaming dalawa ... yung sinabi niya na napa-ismid na lang ako. Akala ko wala lang. Akala ko lang pala.
Ngayon lang kasi sinabi ni MP. Pero grabe nalungkot talaga ako. Alam mo yun. Bigla kong nanghina. Parang wala na ... guho na lahat ... kasi yung taong inaasahan kong makakaintindi wala rin pala ... at yun ... feeling ko na tuloy lahat na ng tao ganun ang iniisip.
Alam kong kaartehan tong mga sinasabi ko ... pero kasi ... hay. Hindi ko mapigilang mag-react. Naiinis ako ... naiinis na talaga ako.
Tungkol dun sa kinwento ni MP kani-kanina lang ... a ... matagal na yun ... last year pa. Tungkol sa sulat na pinaabot ko sa kanya. Ang sulat na yun .. ang laman non ay pasasalamat dahil binalik niya ang aking mga libro ... at kalakip non ay tanong kung bakit yung isang libro ay di kasama. Sa dulo ng sulat nakalagay dun na ok lang kahit di pa niya ibalik yung libro .. tapusin niya. Yun lang. Tapos siguro Monday ko yun binigay kay Fr. Dedmaks e .... Wednesday ... binigay niya sakin yung mismong papel na may reply ni MP. Naaalala ko pa nung araw na yun ... pauwi na ko kasama sina Sister, Mahal ni Peter Pan at Prinsesa. War kami ni MP pa non. Yun yung time na di na siya nagtetext .. kesyo di niya daw alam ang number ko. Tapos habang naglalakad kami nun sa may tulay nasa likod pala namin sila MP at Fr. Dedmaks. Tapos yun binigay na nga niya sakin yung reply. Sabi niya, "bat naman kasi may ganito pa para namang di kayo nagkikita dito." Wala namang nag-react sa amin.
So yun. Yun pala yun. Grabe. Pahamak yung sulat na yun. Naiinis talaga ko. Sana pala di ko na lang ginawa yun. Sana di na ko nagpasalamat. Grabe.
Sabi ni MP, sabi daw ni Fr. Dedmaks ano daw bang meron ... parang 'i smell something fishy..' parang ganun tapos nung nireplyan niya parang 'labas na ko dito' parang ganun. Hay ewan. Nakakainis talaga.
Ang gulo ko magkwento ano??? Ganito ko mainis e. Isa pa wala ako sa mood talagang isalaysay siya ng maayos. Naiinis kasi akong isipin. Grabe.
Bat ganun? Di ba talaga normal ang pagkakaibigan namin??? Tingin mo kailangan ko ng umiwas?? Ayoko namang tumulad kina Naghahabol at Iwasya. Ayoko ng ganun. Promise.