tapos ayun .. nag sorry nga ako kasi di nga ako nagpaparamdam. sabi ko nadepress kasi ako ng ilang araw. sabi niya, halata niya nga ,.. na nasa state of calamity ako. hahaha.
sabi ko nga .. super calamity inabot ko .. tsunami pa. grabe talaga. grabe. tindi ng emotional problem ko .. kaya kong makasurvive sa iba kong problema agad pero pag emosyon na pinag-uusapan .. wala na .. weak na ko.
ok back to our topic .. ayun na nga .. sabi ko nga sa kanya buti pa siya consistent sa pagpaparamdam sa akin. tapos sabi niya, nagparamdam din siya kay czy ...sayang nga e .. kahapon asa bahay lang nila si czy. sayang talaga. tapos sabi niya .. kay rox ... siya na nagparamdam pero wala pa rin. sabi ko naman sa kanya, nakakaalala lang yun kapag may problema.
nakakatuwa kaming apat ...
kami ni rox magkabaliktad kami. siya, lumilitaw kapag may unos sa lovelife .. (yan lang naman ang major problem sa amin e .. kasi sa pamilya .. understood na yun .. immune na kami ,,, pero sa lovelife .. ngayon lang kasi kami naging active ng sabay-sabay. dati kasi di pa seryoso si tonet at roxie sa mga bf nila). pero ang nakakatuwa sa kanya .. diba pag may problema siya ... tatawagan ka niya at itetext tapos pipilitin niyang makipagkita. tapos nun, pag nagkita na kayo .. hindi siya yung tipo ng taong kailangan mo pang bigyan ng advice. una magkukwento siya ..ilalahad niya ang masalimuot niyang pinagdaanan sa kamay ng boyfriend niyang si Angelo (oopppSss!) ... ng nakangiti at nakatawa (partida). tapos ... maya maya mamamalayan mo na lang ... puro magagandang memories na nila ang sasabihin niya .. magtatanong siya ng "tingin mo dapat ko pa siyang bigyan ng chance?" pag ganun .. di na ko masyadong nasagot ng seryoso .. kasi sa expression pa lang ng mukha niya ... alam mo na ang sagot. siya na mismo ang sumasagot para sa akin ... tinatranslate ko na lang in words. parang ganito. ayan na nagtanong na siya. bago pa siya magtanong, habang nagkukwento siya, inoobserbahan ko na ang kilos niya. habang nagkukwento siya kinikilig .. nakakatuwa siyang tingnan .. parang walang problema pero meron talaga kung makikinig ka. tapos ang isasagot ko sa tanong niya .. ? "mahal mo diba ...". tapos ngingiti siya ng pagka-kyut-kyut at ayun .. resolved na. kailangan mo lang siyang samahan at pakinggan ng mahabang oras ... kahit di ka na magsalita kasi dire-diretso siya magkwento ... ayos na yun. :) kaya nga mahal na mahal ko yan si Rox e .. kahit na minsan lang makaalala.
ako naman .. kapag may problema ako .. nawawala ako bigla. as in di talaga ako nagpaparamdam. ewan ko ba. naging ugali ko na talaga na sarilihin ang mga problema ko. hindi ko nilalabas .. akin lang. wala akong pinagsasabihan.
bigla na lang akong nananahimik. tapos minsan bigla na lang akong iiyak .. naalala ko tuloy kanina nung nag-iiiyak ako sa Amvel.. kasama ko nun sina Shairjane at Wendy ... na kahit galit sakin e sinamahan pa rin ako .. nakakatouch. :) di talaga ako nagsasalita nun ..iyak lang ako ng iyak. ayoko naman talagang umiyak pero nung time na yun .. parang nagsabay-sabay na lahat .. kaya ayun .. super nag-breakdown ako. tapos after ko umiyak... wala na. wala na ring nakaalam pa ng problema ko.
ganun ako e. pagtapos ko umiyak o pag nahimasmasan na ko mula sa problemang kinakaharap ko .. wala na ... kakalimutan ko na. tapos dun naman ako dadagsain ng katanungan na kung ano bang nangyari sakin. pero wala na kong sinasabi pa.
siguro kasi .. ayoko ng mandamay ng iba. alam ko kasi ang pakiramdam ng nakikinig ka sa problema ng iba.. ewan ko a .. pero ako ..sa personal kong karanasan ... ako yung taong naa-absorb ko ang problema nung taong nagse-share sa akin. at ayokong ma-absorb ng iba ang problema ko. ayoko ng ka-share. hahaha.
isa pa, nadala na ko mag-share. naalala ko nung first year high school ako .. nag recollection kami. may kantang panlangit na sobrang naiyak talaga ako .. tapos tinanong ako ng kaklase kong nagngangalang Erika kung bakit. sabi ko, broken family kami .. wala kasi si kuya ko sa amin. aba, tinawanan ba naman ako. ambabaw daw kasi iniiyakan ko. simula nun, pinangako ko sa sarili ko na di na ako magse-share kahit na kanino. ayoko na.
ayun. back to us .. si tonet naman ... ngayon ko lang naging close yan e sa totoo lang. syempre dati kasi, kay Czy lang siya nag-o-open. wala akong alam sa mga pinagdadaanan niya noon. buti nga ngayon e .. siya naman ... a ... hindi siya tulad ko na nawawala pag may problema, at di rin siya tulad ni Roxie na lumilitaw lang pag may problema. siya yung pinaka-source ng communication naming apat. kung wala siya, wala na. wala ng mag-a-update sa isa't isa. pero matindi tong babaeng to pag nagkaproblema. dapat lagi mo siyang kakausapin at dapat maging matalino ka sa pag-a-advice sa kanya. lahat kasi ng bibitawan mong salita pag-iisipan niya ... na maganda .. kaso ... iniinterpret niya .. na medyo mahirap. pero ayos lang. matinding assistance din ang kailangan niya dahil kung mag-isa lang siya, hindi niya kayang i-handle ang sitwasyon. siya yung tipong batang bata kung magdesisyon ... bara-bara. bahala na. nakakatuwa .. pero mahal na mahal ko yan.
si Czy naman ... ang totoo .. hindi ko siya ganun kadalas na nakaka-usap lalo na ngayon. si tonet lang ang pinaka nakakaalam ng lahat sa kanya .. tapos ise-share niya sa akin para updated din ako kay Czy. itong babaeng to .. kahit kailan ... di ko narinig na dumaing samin. sa aming apat, siya ang pinaka mature (para sakin) kumilos ... dahil siguro sa mga trabaho niya sa bahay nila. nagse-share din naman siya .. pero di naman siya ganun ka-emo. tsaka kalmado lang. tapos mamamalayan ko na lang ok na ..resolve na. astig. kaya mahal na mahal ko yang si Czy e.
ayun ... sa aking kwento .. magkakaiba kaming apat pagdating sa "state of calamity" ng aming buhay. pero kahit magkakaiba .. ang masaya dito .. nananatili kaming magkakaibigan. di man kami magkita kita lagi, sa puso naman namin .. iniingatan namin ang bawat isa.
at ako .. eto .. excited na .. sa araw na yun .. na magiging kumpleto ulit kaming apat .. magkakasama .. hindi dahil may problema ... magkakasama kami dahil .. magkakaibigan kaming tunay. naks! XD