De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

05 May 2013


I've thought about it a while ago. What if we'd meet somewhere and he'd try to speak with me? For some reason, I think I will go speechless because I will be very busy stopping my eyes in dropping the first tear that will lead a thousand others. I should not let my eyes speak for my heart and my mouth. :/

High school friends like no other!

Kahapon nakipagkita ako sa mga kaibigan kong sina Marosa at Tine. Nung una nilang sinabi na May 3 kami magkikita kita grabe sa isip ko "agad-agad?!" ... di ako prepared. Yung regalo ko kasi sa kanila di pa dumarating. Pero syempre limitado lang ang pagkakataon so kailangan i-grab ang opportunity. Nung una parang malabo pa kasi walang maayos na communication, pero insistent sila sa date. So eto na ... May 2 ng gabi pinag-iisipan ko nanaman kung tutuloy ba ko o hindi .. tinatamad kasi ako. haha. Pero nag-prepare na rin ako kasi sayang talaga ang pagkakataon. Kinabukasan prepared na ako ... aba nagtext bigla na di na tuloy kasi masama pakiramdam ni Mars. Ilang oras ang nakalipas ... kung kailan naka-set na ang katawan ko na di aalis ng bahay ... aba nagtext tuloy na daw ulit. Edi nagulantang ako kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama para payagan uli akong umalis matapos kong bawiin nung umaga. Buti pumayag. Nagkita-kita kami sa ATC, nasa J.Co daw si Mars eh di ko naman alam kung san dun kasi di ko kabisado ang ATC. Hirap pa kasi kami ni Tine parehong globe na walang pang-other net na text ... sun si Mars kaya ayun. Nakapagpaload naman si Tine kaya naitext si Mars bago pa man niya maisip na mag-back out ulit. haha. Saka ko lang naisip na pwedeng magtanong sa guard kung san ang J.Co. hay. Nung papunta na ko dun nasalubong ko si Mars. :))) 

Nagtambay muna kami sa tapat ng Cinemas, nag-asaran at nagkwentuhan ng maya-maya dumating si Tine na dumagdag lang sa ingay namin ni Mars. So yun kumpleto na kami. :) Kumain kami sa foodcourt, sa may Chowking. Tapos mula 3pm hanggang 9 nagkwentuhan lang kami dun. Na-realize na lang namin yung oras nung gabi na, naglalakad kami sa labas papunta sana ng Molito. Nagtanong sila ng oras sakin, sabi ko past 9 na ata. Ayaw pa nila maniwala, kesyo sira daw relo ko o advanced masyado. Tapos pagkakita nila sa phone .. ayun! Mga adik akala nila mga 7 or pa-8 pa lang! hahaha! 

Nagpunta kami ng Mercury para bumili sana kaso sarado for inventory. Kumain na lang kami sa Jollibee, sagot ni Tine kasi may bonus daw siyang 5k. :) Kinain niya Jolly Hotdog, ako fries at Flip Float, si Mars Spag and Chicken (wala lang gusto ko lang sabihin mga in-order namin. haha). Tapos bumili ako saglit sa Pan de Manila. Paglabas ko tense na tense na si Mars kasi pinagagalitan na siya ... almost 10pm na kasi. Bumili muna kami ng siopao sa 7-11 pang gatepass niya. hahaha. Pati sa pagtawid halata na tense na talaga si Mars wala na sa sarili grabe. Sa Mercury Moonwalk na lang kami bumili, buti bukas pa. Di ko pa nagamit yung suki card ko. :( 

Ang saya ng araw kahapon grabe. Kahit antagal na naming nagkwentuhan parang bitin pa rin. Alam mo yun. Syempre sa tagal naming di nagkikita kita, expected na parang awkward moments ... pero sa kanila hindi. Sobrang saya as in wagas na wagas. Andami naming napag-usapan .. parang good for one year na. Tsaka bawat topic relate lahat .. yung walang nale-left behind. Astig talaga. Kaya mahal na mahal ko yung dalawang yun eh. :) Nakakatuwa pa sa kanila, pinakikinggan nila ang kwento ko .... ang saya lang. Mga kaibigan ko talaga sila. Sana ganun din ang tingin nila sakin... 

Yung gift ko, hindi ko naibigay sa paraang nais ko sana. Hahaha. Si Tine kasi tuwing magkikita kami lagi tinitignan bag ko .. di na tuloy surprise. pero ok lang kasi hinihintay ko pa rin yung gift ko sa kanila talaga. :) Siya rin pala may prepared gift, nilagay niya sa bag nung nasa Jollibee kami. 

Nakita namin si Ivy sa ATC, yung senior officer namin dati sa CAT. Pati si Sir .... Sir ... (ano nga ba yun?) ... ah .... Sir JP! PEro ang totoo di ako ang nakakita silang dalawa. Nasalubong daw namin sa ilalim ng overpass sa Moonwalk habang nag-jaywalking kami. hahaha. 

Ang saya pa kasi parang kami lang tao sa food court. Tapos alam mo yun yung andun lang kami pero ok na. Ang saya na. Eh ano pa pag may ginawa kaming mas masaya diba. Grabe lang. Naka-ilang palit na ng tao kami andun pa rin. Adik lang. hahahaha. Tapos tawa kung tawa. Grabe talaga. tapos nakakatouch si Tine, andami niyang memories na naaalala tungkol saming dalawa. At si Mars ... nakakatuwa na close kami til now. Grabe ang saya talaga nila kasama ... wagas lang. 

Buti na lang, natuloy ang usapan. Hinding hindi ko ito malilimutan ,,.... at isa ito sa mga memories na forever kong ite-treasure. Sa susunod na magkikita kita kami, dapat marunong na kaming magluto. :) at sa mga darating pang hinaharap, malalaman namin kung sino samin,  kung ako nga ba ... ang mauunang magka-anak at magiging signal kay Mars na sumunod na at magiging signal kay Tine (daw) na sumunod na rin. Huh! Baka mauna pa sila.. single ako eh. hahhahahaha! Ayoko sana magka-anak, pero pag naiisip ko na big time magiging ninang eh.. why not diba. hahahhaha!

Ang sarap magkaroon ng kaibigang tulad nila. Sayang, at wala akong naging kaibigan sa CDW. Anyway di ko naman dapat ikalungkot yun. At least alam ko na meron pa rin akong friends, yung talagang friends. Magkikita kita pa kami uli, at alam ko na marami pang pagkakataon na magiging bahagi ng buhay kami ng bawat isa. 

Ang sarap magkaroon ng mga kaibigan. :))) I miss my high school days!

I WILL BE THERE! - @The Vatican Library, Rome, Italy