Itong araw na to ay isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko. Wala namang big deal na nangyari, wala naman akong kakaibang ginawa masyado, maliban sa isang bagay. May isang tao akong nai-block 2 years ako sa Facebook. Eh kanina naisipan kong galawin ulit ang settings, at yun nakita ko nanaman ang pangalan niya. I-unblock ko sana, para matingnan lang ang profile niya saglit. Kaso sabi ni Facebook, 48 hours pa hihintayin ko bago ko ulit ma-block ang profile niya. So naisip ko na lang gamitin ang account ni Sam. Na-access ko na syempre. Nakita ko ang mga larawan nila ng ex ko. Noon hindi ko kayang makita ang mukha ng lalaking yun, naiinis ako sobra. Wala akong pakialam sa girl, sa lalaki lang NOON. Alam mo yung masayang part? Yung kaya ko ng makita na masaya siya, kaya ko ng makita na buhay siya, yung kaya ko ng makita na magkasama sila. Wala na yung sakit. Wala na yung feeling na kailangan kong pilitin ang sarilli ko na maging ok habang nakikita siya. Wala na yung galit. Wala na yung feeling na sana kami na lang ulit. Bumalik na ulit yung pakiramdam katulad noong di ko pa siya gaanong kilala. Strangers again ika nga. Ang galing. Hindi ko akalain na darating din ang araw na to. Sa sobrang sakit ng nadama ko noon, akala ko kamatayan na lang ang solusyon para mawala lahat ng nararamdaman ko. Sa sobrang sakit noon akala ko hindi ko na kayang magpatawad. Sa sobrang pagmamahal ko sa lalaking yun noon akala ko hindi ko na kayang hindi siya mahalin tulad noon. Ngayon masasabi ko, may katapusan nga talaga ang lahat ng bagay. Sana ok din silang dalawa. Sana masaya din sila. Kasi ako, ok na ok na ko ngayon. Ang galing ni Lord kasi talagang pinagaling Niya ang broken heart ko. Sa tingin ko tapos na talaga ang kabanata niya officially sa buhay ko. As in ngayon lang no hahaha. Kasi nabura ko na yung email account, naitapon ko na yung memorabilia, nakayanan ko ng tingnan ang profile nila..... ay di pa pala. Di pa kami naghaharap ulit. Pero hindi na siguro kailangan nun, ang mahalaga ngayon ok na ko. Ok na ok na ko. :))))
No comments:
Post a Comment