Nung Sabado, nagpunta kami sa Quiapo. Si Papa, Mama, Sam, Ako at si Jeff. Nakakatuwa kasi hindi ko akalaing bonding day namin yun. Nalaman ko lang din yun nung Friday sa kapatid ko.
Bale dalawang oras ang biyahe namin mula sa amin mismo hanggang Quiapo. Mabuti at may natsempuhan kaming bus na diretso. Dumating kami doon quarter to 7 na. Sa overpass, wow ... andaming nagtitinda ng ... mga laruang pang matanda.
Mabuti na lang naabutan namin ang susunod na misa. Sakto lang ang dating namin. Medyo nakakaantok pero ayos naman. Maliit lang pala ang Quiapo church, malaki pa yung sa Baclaran. Pero pag sa TV parang anlawak. After mass, nagbubuhos ng holy water ang mga laymen. Nagbubuhos talaga ang term e no .. haha. Pano kasi andami .. as in basang basa ka. May mga nakasabay kaming magsimba na sobrang tatangkad na mga lalaki .. mga manlalaro ng FEU. Mukhang may laban kaya nagsimba .. isang team sila e. Pagkatapos ng misa, nagpunta kami sa likod para sa "pahalik".
Matapos naming mahipo ang lahat ng santo sa likod, naglakad na kami .. malapit lang naman. Nagpa-duplicate ng susi si Papa para samin ni Sam. Tapos sumakay na kami ng jeep papuntang Luneta. Kanya-kanyang bayad nga pala kami sa pamasahe. Muntik pa nga akong di sasama sana, kasi naisip ko kung sasama ako mauubos pera ko. hahaha! Kuripot e no. Pero awa ni Lord di naman.
So, sa Luneta. Nagbago na nga ang luneta, nun na lang ako ulit nakapunta dun. Mas maganda sana dun kapag gabi. Tinignan namin ang mapa ng Pinas, tapos dumiretso kami sa Children's Playground. Doon kami kumain ng baon naming Spaghetti at binili nilang chocolate ice cream. Grabe, sira ang diet ko! hahahaha!
Medyo naiinis lang ako kina Kuya kasi wala sila. Kahit yung anak lang sana nila. Ganun sila, madamot. Naisip ko nga e, pag nagka-anak ako, lagi kong dadalhin kina Papa at Mama. Nakikita ko kasi kung gaano sila kasaya pag kasama nila ang apo nila. Pero naman, kailan pa ko magkakaanak diba. Matagal pa. Siguro ang pinakamaganda ko na lang na magagawa para sa kanila ngayon ay ang mag-aral ng mabuti at makapagtapos.
Ikot-ikot, picture-picture. Ayun lang tapos umalis na rin kami ng mga bandang 10:30am. Nag-LRT kami hanggang Baclaran tapos dun na ko humiwalay sa kanila. Nung time nga na maghihiwalay na, parang ayoko pa. Kasi .. wala. Bihira lang kasi yung mga ganung pagkakataon, yung makakasama ko sila Mama at Papa ng hindi sila nagmamadali. Pero kasi pagod na rin sila at isa pa may gagawin pa ko nung panahon na yun. Naisip ko nga bigla nun, parang di ko pa kayang mag-asawa. Kasi hindi ko yata kayang mawalay kina Mama at Papa. Pero naisip ko rin na ganun talaga ang realidad ng buhay .. na may kailangan kang iwan para sa ibang bagay na mahalaga din naman. Na kahit ayaw mo, kailangan mong putulin ang oras ng masasaya mong sandali sa kanila para naman sa masayang pagkakataon sa iba. Na darating din talaga ang panahon na iiwan mo sila. hay. Pero matagal pa naman yun. Baka nga di na ko makapag-asawa nito. hahaha!
Ayun, masayang masaya ako noong araw na iyon. Gusto ko siyang maulit. Kailangan kaya ulit?? Hay ....