XD
Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
30 March 2013
I'd really want to learn to tie a necktie, but since HE does not wear one (because of his neck issues. hahaha), I never dared to try. I thought that I would be marrying him someday and I don't need to learn that. I still have this belief until now, and well, I guess I will never learn this, because I won't marry anyone. LOL. Just kidding. XD Someday, I'm gonna learn how to do this,. :) I want a husband who wear a necktie because I find it very sexy to untie it during intimate times, doesn't it?
Gagawa talaga ako ng thesis presentation eh. Kaso bigla kong nakita to sa newsfeed ng Facebook ko ....
OMG. As in super heart crashed lang ang peg. LOL. Grabe. Ang ganda ng bati sakin ng umaga....
Syempre nung una ayoko pa basahin kasi mahaba tsaka alam ko naman na kung anong nilalaman. Pero ewan ... napabasa na rin ako .. siguro kasi .. alam ko na sa bawat salitang madadaanan ko .. mukha niya ang makikita ko. Hay. Mabuti na lang at di pa kami nagkikita. Tatlong buwan na... pero feeling ko tatlong taon. As in. Literal. Grabe. Buti nakakayanan ko to. Hay. Hanggang ngayon di ko pa rin kayang iiwas ang sarili ko sa bagay na alam ko namang nagdudulot ng sakit sa damdamin ko .... wala eh. Yung cause kasi nun yun din ang higit na dahilan ng kasiyahan ko. Wala na nga eh, ipagdadamot ko pa ba sa sarili ko ang mga natatanging natira sakin .. mga alaala?
So .. ayun. Hayaan niyong ibahagi ko ang aking mga naalala. Please pagbigyan na. Hahahaha
>>Yung taong laging nandiyan para sayo.
~Kaya ganun na lang kasakit sakin ang pagkawala niya sa buhay ko. Hindi simpleng lover ang tingin ko sa kanya eh. Siya ang kaibigan ko. Grabe. As in. Friend to the highest level. Di man ako ang best friend niya, para sa akin siya ang best friend ko. Nun lang naman nya ako nagawang iwan eh ... pero nung mga panahong magkasama kami ... lagi siyang nandiyan. Hindi hadlang ang distance para iparamdam niya sa akin na kasama ko siya sa bawat pangyayari sa buhay ko,....
>>Sasamahan ka kahit saan, kahit anong oras, kahit ano pang ginagawa niya, kahit wala siyang pera.
~Grabe. Totoong totoo lahat to. Kahit na minsan asar na asar ako kasi kahit saan ako magpunta lalo pag malayo gusto niya kasama siya, natutuwa pa rin ako in the end kasi grabe yung effort. Kung pwede lang pati sa public cr samahan niya ko gagawin niya eh. At ang pinakamemorable sa lahat? Yung sinasamahan niya ako sa mga lugar na gusto kong marating, kaya sa susunod na mapupunta ako sa mga lugar na yun sigurado siya ang maaalala ko. Kapag nalulungkot ako kahit tanghaling tapat makikipagkita siya masamahan lang ako sa lugar na malayo sa problema. Kahit na busy siya sa office work, mamadaliin niya at gagawin niya best niya para makapagpaalam siya na mag-out ng maaga at makipagkita sakin. Kahit wala kaming pera pareho. hahahaha. Masaya kami. Masaya ako. Masayang masaya....
>>Yung nasasabihan mo ng lahat ng bagay - Nagugutom ka, inaantok ka, natatae o nauutot ka man.
~Isa pa to. Kaya hirap akong i-let go siya eh. Wala naman sakin yung pagiging lover niya. Minor na lang yun. Ang pinakamahalaga yung friendship at pinagsamahan naming dalawa. Grabe. Siya lang in my entire life ang nasabihan ko ng lahat-lahat .... ultimo baho ko sa katawan. Siya lang .. at wala ng iba pa akong balak pagsabihan. Dahil siya lang ang pinagkatiwalaan ko ng sobra. At naniniwala ako na hindi niya yun sisirain o nagawang sirain. Mahal na mahal ko siya. :'(
>>Pag magkasama kayo, para kayong mga baliw. Feeling niyo, kayo lang tao sa mundo.
~Pag magkasama kami, literal. Pakiramdam namin kami lang tao sa mundo. Wala kaming pakialam kung sinong nakatingin samin. Lalo na pag 'kissing scene' ... hay. Nakakamiss lang. Wala na akong ibang makita kundi siya lang. Kaya nga simula nung mas naging close kami, unti-unti ng nawala yung special talent ko na ma-sense ang isang tao kahit 1km away eh. Kasi wala na kong pakialam sa lahat. Siya lang gusto kong makita, marinig.... lahat.
>>Magkasama kayo sa lahat ng trip.
~Ang nakakatuwa saming dalawa, pareho kami ng mga trip. Road trip, food trip (na favorite niya ... na ayaw ko.pero later on gusto ko na rin kaya ayun, tumaba ako)... Magkasundong magkasundo kami. Though hindi lahat katulad ng librong babasahin at music. Di kami pareho ... pero nagawa naman naming mag-adjust sa bawat isa. At yun ... isa yun sa mga bagay na sobrang na-appreciate ko sa kanya.
>>Pinauuna ka kapag sasakay ng jeep.
~Madalas pagtalunan namin to noong una. Lagi niya akong pinauuna sa pagsakay sa jeep, bus, tren, tricycle, pedicab. ... pero ayoko. Mas gusto ko ako ang nahuhuli lalo sa bus. Kasi siya ang gusto kong pumili ng uupuan namin (kahit na may favorite seat naman talaga kami). Later on, pumayag na rin siya na mauna, pero dapat lagi akong nakahawak sa kamay niya. Kahit nahihirapan siya, kahit magkadapa-dapa na kaming dalawa basta wag lang akong bibitaw. :) Hay ..... ga i miss you na. :'(
>>Yayakapin ka kapag siksikan sa tren.
~Isa lang to sa mga scenario kung saan feeling namin kami lang tao sa mundo. Sa totoo lang, akala ko sa pelikula ko lang makikita ang mga ganun. Di pala. Kasi sa salamin ng MRT nakita ko ang scene na to .. at ako .. kaming dalawa ang bida. Grabe!!!! Alam mo yun. May time pa nga na kahit may vacant seat na ayaw pa namin umupo kasi mas gusto naming tumayo ng magkayakap eh. Ansakit lang sa dibdib alalahanin. Grabe. Ito yung feeling na ayaw ko eh .. yung namimiss ko siya. Ang sakit. Wala kasi akong magawa para mawala tong nararamdaman ko ngayon. Hanggang ganito na lang ba ko ...???
>>Di baleng nakatayo siya basta ikaw nakaupo sa bus.
~Isang beses lang ata to nangyari ... actually parang di pa nga eh. Kasi pag nagkakaroon ng isang seat, pinauupo ko siya tapos ako kakandong sa kanya. Tapos nagwiwish kami na sana wala na munang vacant seat para ganun lang kaming dalawa. hahaha.
>>Yung pipilitin niyang dalhin yung bag mo, tapos bibigay yung bag niya para palit kayo.
~Aaminin ko, hindi siya natural na gentleman. Mula pa nung una issue na saming dalawa yan. Lagi ko siyang inaasar at pikon na pikon siya pag sinasabi kong di siya gentleman. Pero hindi pilit yung mga pagkakataon na siya ang nagdadala ng bag ko. Naalala ko pa nga nung first time eh, nagkagalit pa kaming dalawa dahil gusto niyang dalhin ang bag ko. Eh dahil di ako sanay na ganun siya, di ako pumayag, ayun nag-agawan kami ng bag ko. hahaha. Pero di nagtagal wala na kong nagawa, kasi talagang binibitbit niya na ang bag ko. Yung bag niya naman isa o dalawang beses ko lang ata nabitbit. Dahil super bigat nun, ayaw na ayaw niya na dalhin ko yun. So yung isa o dalawang beses na yun pinilit ko lang siya nun ... at katakot-takot na pananakot at banta (hahahaha. exaggerated.) ang ginawa ko bago ko nakuha ang bag niya.
>>Yung lalaking papayag na make-upan mo, matuwa ka lang.
~Dahil di pa naman ako nagme-make up nung panahong yun, nagtitiyaga kami sa lip balm. Gustong gusto niya ang lasa at amoy ng lip balm ko, kaya before kami magkiss lalagyan ko siya sa lips niya at pati sakin tapos uubusin namin sa mga labi namin yun. Ang saya lang.. at ang sarap. :)
>>Magsusuot ng ribbon matawa ka lang.
~Hindi ribbon, kundi headband. Laughtrip lang. Bagay na bagay sa kanya yung headband na napulot niya na binigay niya sa akin na nawala ko naman. tsk,.
>>Kekembot na parang bading ngumiti ka lang.
~Naalala ko nung minsang pina-blower ko buhok ko sa kanya. Nagbading-badingan siya, ultimo boses at galaw ng katawan. Imbis na ngumiti ako, natakot ako sa kanya ng sobra halos maiyak na ko. Sabi ko wag niya ng uulitin. Simula nun di ko na siya inasar na bading. Nakakatakot. LOL
>>Sasayaw kayo kahit nasa kalye kase favorite mo yung tugtog.
~Ito lang ata ang di namin nagawa ... ang sumayaw ng sabay. Pero siya sumasayaw siya pag bigla niyang maririnig yung Moves Like Jagger at Gangnam Style. Hahahahaha. Natatawa na lang ako sa hiya eh. Ang madalas at lagi naming ginagawa ay ang kumanta sa kahit saan... kahit sa kalye pa yan, kahit walang tugtog. Lalo na pag narinig namin yung favorite naming mga kanta.
>>Yayakapin ka kahit pawis na pawis ka at sasabihing ang bango bango mo.
~Minsan magkikita kaming dalawa. Late na ko dumating (as usual) at humahangos pa. So ayun haggard tapos pawis na pawis ako. Alam mo yung salubong niya.... yakap na mahigpit tapos tuwang tuwa siya, ang bango ko raw. Seriously?! hahhahaha. Nakakatawa lang grabe. Yung ako todo tulak sa kanya palayo pero siya walang bakas ng pandidiri sakin. Grabe lang. Grabe lang talaga.
>>Hahalikan ka ng madaming madami.
~Ayun pa. Idugtong na to dun sa una. Hahalikan pa ko kahit pawis na. Pero memorable din yung sa bus minsan, tuwang tuwa siyang halikan ang buong mukha ko .. grabe ang sarap lang. Isa ito sa favorite naming gawin. Kung kiss lang ang usapan, labis-labis, never nagkulang.
>>Yung taong sasabihing maganda ka kahit kagigising mo lang.
~Yung tipong di pa ko nakakahilamos o toothbrush. Hahalikan niya ko tapos sasabihin niya na ang ganda ko raw. Hay. Bolero talaga.
>>Yung taong tanggap lahat sayo.
~Nakaraan ko, hugis at dumi ng katawan ko, itsura ng mukha ko, ugali ko ... LAHAT. Kaya mahal na mahal ko siya eh. Kahit kelan di ako nakatanggap ng matinding judgement sa kanya na walang sense. Tinanggap niya ko kung sino ako.
>>Hindi kailangang romantic basta ang cool niyo.
~Hindi rin siya natural na romantic, though tinatry niya ang best niya maging romantic. Romantic siya in his special ways. Higit sa lahat, he's the coolest guy I've ever met. At ang cool namin together, swear.
>>Kilala ka niya at alam kung anong gusto mo.
~Bukod kay God at sa pamilya ko, siya ang higit na nakakakilala sakin. Hindi lang ang talambuhay ko, kundi pati likes at dislikes ko. Grabe. Makikita mo yun sa kanya. Yung tipong dadalhin niya ako sa kainan na kasama sa menu ang paborito kong ulam. At alam na alam niya oorderin niya. Kaya minsan naiinis ako pag magtatanong pa siya eh alam niya naman. Nang-aasar lang siya. Alam niya kung san ako dadalhin, san ko gusto magpunta, san ko gusto kumain, anong gusto ko kainin, anong gusto kong gawin niya. Though syempre may mga time na di kami magkaintindihan. Pero alam nya lahat.
>>Hindi siya magsasawang magpicture na magkasama kayo.
~Medyo mahilig din siya sa pictures. Marami kaming pictures sa email. Kahit mukang ewan lang. Hahhaha
>>Yung taong bago pa sabihin yung "iloveyou" naparamdam niya na ng todo.
~This is what I love most about him. His actions are more than his words. Naparamdam niya na, parang confirmation na lang yung words. I love it. I love everything about him, about us. :')
>>Siya yung kahit kanino mo iwan, alam mong faithful sayo.
~Dito lang ako di sigurado. Nung naghiwalay kami dun ako nag-doubt, though lagi naman niyang sinasabi na hindi. Hindi ko alam. Ayoko ng malaman pa.
>>Pag nahanap mo yun, swerte mo. Wag na wag mo nang pakawalan yun.
~I know. Napakaswerte ko. Sobra. Kaya di nasayang yung 2012 ko pati yung tatlong taon na naging bahagi siya ng buhay ko. Sobrang swerte ko na sa dami ng tao, sa layo ng agwat namin, sa layo ng distance namin, minahal niya ako. Ok na yun. Malaking achievement na yun. Sayang nga lang, sana kami na lang talaga. :'(
~Hindi ko siya pinakawalan. Siya ang kumawala. :'( Kaya ito, hindi ko alam kung san ako tutungo. Hindi ko alam kung may iba pang pwedeng i-replace sa kanya. He's the best, and there's no better than best. Sayang kaming dalawa. We're almost perfect together. We're working out kaso ... sadyang pag di siguro para sayo, hindi talaga. .... :'(
Ayun, di ko na nagawa yung presentation. Di bale, nakapag-post naman ako sa blog. :)
~~~~I love you ga, I miss you so much.
~~~~I love you ga, I miss you so much.
Subscribe to:
Posts (Atom)