kanina .. ang saya .. naka-attend na rin ako sa wakas ng Tuesday! pinayagan na ko nila Mama at Papa ... di nila ako pinigilan!! tapos .. san ka pa . ... FIRST TIME KONG UMATTEND NG TUESDAY MAG ISA!!! ang saya!! bagong experience. di naman ako natakot. medyo kinakabahan lang ako nung nasa bahay pa ko .. muntik pa nga akong di makapunta e .. kasi parang tinatamad nanaman ako tapos 6 na di pa ko nakakaalis ng bahay kasi dami ko pang ginawa tapos nanood pa ko ng My Princess. tapos wala akong masakyang jeep. ang kulit nga e .. 30 mins akong naghintay ng jeep na paputang Puregold. mga 6:25 pm, sabi ko, pag 6:30 sakto wala pang Puregold na jeep, sasakay na lang ako ng iba. in 30 mins puro SM at Moonwalk ang biyahe ng mga jeep na nadaan. mga siguro 6:28pm, dahil wala na akong pag-asa, sumakay na ko ng Moonwalk. tapos san ka .. saktong 6:30 pm nga, kasi di pa nakakalayo masyado ang jeep na sinakyan ko (kasi naghihintay pa ng pasahero so slowmo) .. ayun .. may jeep na Puregold. grabe. isn't it ironic?? haha. bababa pa sana ako .. kaso nakakahiya na sa driver tsaka kakaunti lang kaming sakay niya .. kaya ayun. pero di naman ako nabadtrip at nanlumo. actually, maganda pala ang nangyari ... kasi kung puregold ang nasakyan ko .. di ako maglalakad mula palengke .. at di ko masasalubong si Tine! yeah, you've read it right. si Christine Amisola .. ang aking mahal na kaibigan. ang totoo niyan, nakita ko na talaga siya mga 5 meters away sakin. sa tapat yun ng PLDT e. pero di ko kunwari siya napansin .. tiningnan ko lang kung papansinin niya ko. at ayun .. pinansin nga ako. grabe na-miss ko siya ng sobra. ampayat na niya ngayon. kasama niya si Jobelyn na nung binati ko .. ayun tinarayan lang ako. ahaha. kaso sandali lang kami nakapagchikahan .. di ko man lang siya na-hug. hay. tapos ayun .. bumili pa ko sa puregold ng suklay at headband kasi super gulo na ng buhok ko at feeling ko haggard na haggard ako nung nakita ako ni Tine .. pero nung nakita ko sa salamin sa c.r ng Puregold .. hmm.. di naman pala. hahaha. tapos bumili ako ng inumin ko na pepsi .. ayoko sana ng softdrink kaso wala na kong ibang choice kasi wala silang ibang inumin na gusto ko. tapos lipstick na regalo ko kay Mama kasi birthday niya today!! :D tapos ayun .. gabi na .. diretso na ko sa Amvel. kabado pa ko sa daan. sa House of Prayer kasi ang gawain .. pero good thing pwedeng pumasok kahit di naka-skirt. pero ready naman ako just in case .. may dala akong palda. hahaha. nag-stay muna ako sa labas for a while .. dun ko na tinapos ang mass. Ama Namin na nung dumating ako .. so nakipaghawak-kamay ako sa matandang babaeng nakatabi ko. tapos chika kami ng konti .. i asked her bakit siya asa labas. malamig daw kasi, di niya kaya. then may lumapit samin na mama. kinakausap si lola pero di niya pinapansin .. so ako ang pumansin. daldal ni kuya .. but i'm glad kasi he proclaims the blessings of God to his family. then after ng mass, nagpaalam na ko sa kanya at pumasok na ko sa loob. syempre, dahil echusera ako .. dun ako sa gitna .. sa seat along the aisle. haha. kaso sad thing, wala akong katabi at walang nangahas. hahaha. tapos ayun .. ok naman kahit ako lang mag isa .. medyo awkward moments ko pag nakanta .. lalo na pag joyful ang song kasi nahihiya akong sumayaw. pero ok naman. then nag-finally na. bago pa yun, iniisip ko na kung sino ang magiging partner ko pag nag-clap na. nagwoworry talaga ako. naisip ko, kakapalan ko na lang mukha ko .. makikijoin ako sa nasa harap ko. kaso mukhang masungit yung lolo. tapos nung nag-finally song na, yung lolang katabi niya, aba, nagtawag ng kasama sa likod para daw may partner siya. mukhang isnabera si lola. so wala na kong nagawa . nag-pray na lang ako kay God na bigyan niya ko ng partner. then di pa natatapos ang kanta, answered prayer na ko. si kuya abby, ewan ko kung anong ginawa niya pero nasa aisle siya .. then nagulat ako binati niya ko. tapos niyaya niya ko sa likod ...wala daw kasi siyang kasama. at siya .. siya ang naging kapartner ko. isn't that great?? buti na lang nag-pray ako kay God. ang galing. then sabay na kaming umuwi .. nagyayaya nga sa mcdo pero di ako pumayag. sabi ko nagmamadali ako umuwi. nilibre niya ko ng pamasahe sa jeep. binibigyan pa nga ako ng pang tricycle pero di ko na tinanggap. ayun .. tapos sinundo ako ni Papa sa southland. and now .. eto .. nagpupuyat. XD
I love how my day (April 19, 2011) ended. kahit na monthsary yun ng broken friendship namin ni Bro, marami namang nangyaring maganda. :D
I love how my day (April 19, 2011) ended. kahit na monthsary yun ng broken friendship namin ni Bro, marami namang nangyaring maganda. :D