De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 March 2015

Pa-kiss ♥

Hi blog! Namiss kitaaa!!! Eh kasi naman eh, kahit gaano ko kagusto mag post, sa sobrang busy at sa sobrang pagod minsan di ko na talaga maisingit sa sched. hay. Anyway, kahit late na ngayon may chika pa rin ako. :D

Last Saturday, Walk of Faith. Hindi ko na ikukwento kasi sa kabilang blog ko na idi-discuss yun. Anyway, Ayun nga, natapos ang gawain ng past 1AM na siguro ng Sunday. Kakadaldal ko at dahil busy kami ng isang kasamahan ko na magbilang ng fund, hindi ko namalayan na wala pala akong makakasabay pauwi. Yung isa kasi maagang umuwi kasama pamilya niya. Yung isa kasama tropa niya. Yung isa naman niyaya akong sumabay sa kotse ng isa pa naming kasamahan, kaso napakarami na nila nakakahiya na. Yung isa, sasabay naman sa motorsiklo so wala talaga. Kaya ko naman ang sarili ko, di naman ako pwede magpa chicks kasi unang una hindi naman ako chicks e. Kaso naisip ko, mag 2AM na, delikado na maglakad mag isa. Kahit sabihin ko pang strong ako, iba pa rin kasi babae pa rin naman ako kahit papano. Kahit di ako maganda kahit papano naman gusto ko ingatan ang sarili ko. So naalala ko, umakyat pa ng condo yung iba kong kasamahan dahil may irere-solve na problem. So pinatawagan ko sa isa ko pang kasamahan na sasabay sa motorsiklo yung isa doon na nasa condo (gulo ko sorry), at sinabihan ko na hihintayin ko sila. Good thing, hindi muna umalis yung naka motorsiklo dahil hinintay pa nilang makababa yung kasama ko. So ayun nakababa na sila. Pagdating sa sakayan nagkahiwa-hiwalay na, tatlo na lang kaming naiwan. Naglakad kami at nagchikahan on our way. Tapos pumasok pa muna kami ng 7-11, bumili ng gatas at choco drink. Then sumakay na kami ng jeep. Yung isa, sa akin na sumabay (naks gentleman!). Nagkwentuhan kami sa jeep, madami-dami din kaming napag-usapan, katulad ng pagka-bore niya sa buhay niya. Kesyo ayaw niya na daw ng ginagawa namin, na hindi niya raw spirituality yun. Eh bago kami magretreat siya tong masaya sa ginagawa at ayaw bumitaw. Sabi ko naman sa kanya, nalulungkot lang siya kasi may kulang. Sabi ko mag-girlfriend na siya. Hindi naman niya sinabing ayaw niya, pero natatakot daw kasi siya na baka maging bossy sa magiging gf niya etc. Tsaka siya daw yung tipo ng taong mahilig mag isip, ni sa pagtulog nag iisip. Sabi ko naman, hindi lahat ng bagay kailangan pag isipan, minsan mas masaya at cool yung mga bagay na ginagawa mo lang kasi feel mo masaya. At isa pa, eh ano kung maging bossy siya? Wala pa siyang gf iniisip na agad niya negatibo tungkol sa sarili niya. Kung talagang mahal kako siya ng babae, tatanggapin kahit sino pa siya, at siya rin, magbabago siya para sa minamahal niya. At sabi ko rin dapat kasi wag siyang matakot mag explore (wow nanay ang peg LOL). Sabi niya, mahilig naman siya mag explore, ayaw niya lang maging miserable. Sabi ko miserable siya. Todo kontra naman, di naman daw kasi siya bitter o  malungkot talaga. Sabi ko naman, hindi naman yung mga taong iniwan, malungkot at galit sa mundo lang ang miserable e. Yung mga taong pwede namang maging masaya pero pinipiling pigilan ang sarili nila dahil sa negative thoughts nila, ayun ang miserableng tunay, at siya yun. hahahaha! natawa na lang siya. Sabi ko nga e, "tara explore tayo"....aba tumawa ng mas malakas. Kakaiba daw ang dating pag ako nagsabi, eh seryoso naman ako nun at walang halong kahalayan (except kung gugustuhin niya, why not? LOL). Tapos napunta kami sa usapang pangalan. Tinanong ko siya kung anong tamang pagbigkas ng kayang pangalan, kasi ayoko ng tinatawag sa kanya ng mga kasama namin. Ang sagot niya, may nickname daw siya. Una dinig ko "Pang", so sabi ko, "Ha? Pangit?" sabi niya, "tawag sakin Paki..." Eh di ko gets tapos sabi niya "Pakis." Ang sinagot ko, ayoko ng nickname mo hindi naman kita nakilala sa ganun, yung pangalan mo na lang... tapos ayun sinabi na niya yung gusto niyang bigkas. bago siya bumaba, bilin niya na umupo ako sa likod ng driver.... sabi ko oo pero pagbaba niya sabi ko "pero syempre di kita susundin :p" LOL bago siya bumaba sabi ko, "kaya mo yan, kaya natin to." END OF STORY. JOKE!


Pag-uwi ko ng bahay, saka ko lang na-realize ang sinabi niya with sparkling eyes.... "Pakis." as in "Pa-kiss". LOL ASSUMING!!!! Eh bakit ba. Minsan lang to hahahaha! Di naman ako kinikilig di tulad ng kilig ko kay SpongeBob Squarepants pero natawa ako. Bakit di ko nagets yun? Pagkakataon na eh pinaglagpas ko pa! tsk! Sayang! Tsaka what made me assume is that, nung gabi ding yun may naibalik ako sa kanyang napakahalaga niyang gamit na nawala. Sabi ko dapat may reward. SAbi niya ano daw gusto ko. Sabi ko dapat yung magbibigay ang mag-decide. Tapos nag pasimpleng kiss siya sa hangin with sounds. Natuwa ako syempre. Tapos sabi niya, "Where do you want me to do it?" kaso naputol ang usapan nung may ibang kumausap sakin. hahahaha!

Ano ba yan. Sayang ang opportunidad. Kung kailan naman dapat hindi ako slow saka nagkaganun. Bahala na, sisingilin ko pa rin siya! hohoho! Landi eh! XD