Ito ang ayaw ko sa past.
DI NA MABABAGO
MAHIRAP KALIMUTAN
HINDI PWEDENG I-EDIT
HINDI PWEDENG BURAHIN
Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataong bumalik at baguhin o alisin ang ayaw ko .... hindi ko iga-grab yung opportunity. Bakit?? Kasi ... ang mahalaga ay ang ngayon. Hindi mangyayari ang ngayon kung hindi dahil sa nangyari noon. At isang bagay lang ang baguhin ko .. lahat ng susunod dun mababago. Kung noon, sinampal ko ang ex ko, tapos binago ko .. di ko na siya sinampal .. iba na ang mangyayari kasunod. Maaaring sa gagawin kong iyon ay di ko na makikilala ang mga taong na-meet ko ngayon. Well, masaya kasi ako sa buhay ko ngayon kaya siguro .. ganito ang view ko. Pero depende pa rin sa tao. Kung napakasalimuot talaga ng kasalukuyan .. malamang sa malamang gustong baguhin ang nakaraan.
Pero wala namang sense kung may ibigay na ganitong scenario e .. kasi hindi naman ito mangyayari. Paaasahin ka lang nito at kung sasabihin mong may gusto ka ngang baguhin, nagpapakita lang ito ng kawalan ng kakuntentuhan mo sa buhay mo.
Masaya ako. Tunay na kaligayahan. Wala na 'kong gustong mabago. Kung may mga mali man, ano pang saysay kung pagsisihan ko diba?? Tatanggapin ko na lang ... makaka-move on pa ko. :)
No comments:
Post a Comment