Grabe .. ito ang isa sa mga pinaka kinalokohan kong Korea Novela. Kahit Mama ko adik na adik dito non .. tigil lahat ng operasyon pag ito na ang palabas sa tv. Pag naaalala ko nga yung ginagawa ko dati .. nirerecord ko pa yung mga lines nila taz pinapakinggan pag gabi .. tapos super kilig na kilig ako .. grabe .. nakakahiya naman sa Mama ko. hahaha! E kasi naman e .. :))
Bali .. year 2005 siya nag-air sa GMA (tae .. malawakang search ang ginawa ko .. hahaha. ) so .. mga grade 6 lang ako nun. asteeeeeeeg.
Wala natutuwa lang ako. Hindi naman ako masyadong mahilig sa ganitong mga story lalo na't nagkatuluyan din sila sa huli .. pero basta kakaiba kasi ang impact e.
Hmm.. bakit bigla kong naalala? Wala lang ... naisip ko lang ... sana sa susunod na magka-boyfriend ako .. yung matino at .. yung pang matagalan (ito nanaman ako sa pangmatagalan.. :[ ). Eh kasi .. ayoko ng lokohan at laru-laro lang .. nakakabagot na kasi .. at isa pa .. hindi na ako bata (wow, f na f ko pagiging matanda) para maglaro pa. At hindi na ko magboboyfriend para may display lang o may inspirasyon lang ... hindi rin naman sa mag-aasawa na no .. pero kasi .. bilang isang young adult, (hahaha!) I need affection. naks!
Pero ang totoo .. wala pa sa isip ko mag boyfriend ulit ngayon. Una, kagagaling ko lang sa isang matinding heartbreak at kagagaling lang ng sugat sa aking puso. hahaha! Wala na akong panahon para sa 'rebound' no .. alam mo yon .. waste of time .. di mo naman mahal makiki-echos ka. Sasaktan mo lang siya at lolokohin mo lang ang sarili mo. Tsaka .. graduate na ko jan. :D Hindi na ako katulad ng dati na nasaktan, hahanap ng kapalit agad.. di na applicable sakin ngayon yan.
Pero kung biglang dumating ang 'Justin' ko?? di ko alam gagawin ko. Gusto kong maging almost perfect Jessie para sa kanya. Pero sabi ko nga kay God, wag niya na muna akong bigyan ng 'Justin' habang di ko pa kayang magpakabait .. saka na pag I'm good enough to handle another relationship. :D
At pangarap ko ang mahabang ligawan. Hindi naman sobra. At gusto ko .. 17 ko siya sasagutin... preferred month ..?? Hmmm ... (isip ... isip .. hanap kalendaryo .. tinamad kunin ..isip ulit .. hmmm...) aa...... aaa.... aaaa... aaaaa..... wala. Wala akong maisip na magandang month. Saka na yun. haha. Bahala na. XD
No comments:
Post a Comment