Tama na kasi mag-assume, tama ng pangangarap! LOL! Pero sabi nga ng marami, ito na lang ang libre ngayon .. di mo pa ba pagbibigyan ang sarili mo?? Kaso kasi .. minsan nao-over tayo sa pangangarap .. to the point na gustong gusto na natin na isakatuparan na talaga ang mga pangarap na yun at natatakot na tayo sa kasalukuyan na magkamali. Katulad nung nakausap kong kaibigan noong Sabado. First time niyang magka-boyfriend. Sabi niya ... nangangarap na sila ng boyfriend niya ... tapos ngayon nape-pressure siya .. natatakot siya na mag-fail ang relationship nila tapos biglang di mangyayari lahat ng pinlano nila. So ngayon .. ayun namomroblema siya .. konting mali lang napaparanoid na siya ... iniisip niya na agad na sira na ang pangarap nila. Sa sobrang perfect kasi ng pinlano nila .. wala na ... naloloka na siya. haha.
Well, ganun din naman ako no .. di naman ata talaga maiiwasan yun. Pero ganun na nga .. dapat balanse lang ang lahat. Wag sobra. Dapat ihanda natin lagi ang sarili natin sa posibilidad na ma-disappoint tayo. Lagi namang nangyayari yun. Nakakatawa nga e .. alam naman nating di perpekto at walang perpekto sa mundo .. pero pilit pa rin tayong naghahangad ng mga perpektong bagay na para bang mangyayari lahat yun. At kung hindi, kung madismaya tayo ganun na lang. Expect the worst. Expect the unexpected.
No comments:
Post a Comment