Asar ako sa mga ganito. Mula pa noong Elementary at lalong lalo na noong High School, kontrang kontra ako dyan. Muntik na kong di maka-graduate noon dahil sa pakikibaka ko sa 'fairness and justice' na kailan man, ngayon ko lang napagtanto .. ay di nag-exist sa mundo. Lalo na ngayon sa kolehiyong pinasukan ko ... kung saan .. hindi ko inaasahang mismong kasa-kasama ko pa sa araw-araw ang ganito. Ang hirap kumilos. Parang medyo nabahiran ng kung ano ang pagsasama namin. Naiilang na ako. Pero ayoko namang masira ang pagkakaibigan namin dahil sa ganito. Sabi niya nga, hindi naman niya kagustuhan yon ... naipit lang siya, kapit sa patalim. Kapag daw dumating ang araw na malalagay ako sa parehong sitwasyon, malamang gagawin ko rin iyon. Natatakot ako. Natatakot akong dumating ang araw na iyon. Paano nga kung kailangan ng ganun? Pero naisip ko naman .. noong high school nga ako .. nakataya ang pag-martsa ko ng may karangalan sa ipinaglalaban ko ... pero pinagpatuloy ko pa rin. Kaso ngayon, mas seryosong bagay ang nakataya e ... yung kapasidad na mapag-aral ako. Kung mawawala ang 'scholarship' na inaasahan ko, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Baka nga mag-asawa na lang ako. Pero naisip ko ... hindi naman kailangang umabot ako sa ganun. Mag-aaral ako ng mabuti .. at patutunayan kong hindi ko kailangang tumulad sa iba .. na kailangang ibenta ang konsensya para sa kakarangkot na halaga ng numero. Sa ngayon, hindi na ako ganun kagalit .. hindi tulad dati na talagang wala akong sini-sino .. kaibigan man kita o hindi, basta ganyan ka .. galit ako sayo. Ngayon, kontrolado ko na. Iniiyak ko lang ng isang gabi, ok na ko. Naintindihan ko na ang malaking pangangailangan ng mga taong ganito .. pero hindi ibig sabihin nito ay ayos na sakin ang kalakarang ito. Kung sana .. kung pwede lang pigilan ..gagawin ko. Pero hindi e. Ito ang isa sa mga realidad ng mundo. Ito ang totoo. Hindi ko ito mababago .. pero kaya kong hindi na paramihin pa ang mga taong ganito kung mismong ako ay iiwasan ito. At least, kahit ako lang .. kabawasan na sa lumulobong populasyon ng mga taong 'straw'. Ang yabang ko no?! Akala napakalinis kong tao. Ipinapahayag ko lang ang saloobin ko sa isang paniniwala ko na natatakot akong bitiwan pagdating ng araw. Sana ... hindi dumating ang araw na iyon. Hindi ko hahayaan. Ayokong masayang ang pinaglaban ko noon.
No comments:
Post a Comment