De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

27 July 2011

News Writer


News Writer ako sa school newspaper namin. Yeah, you've read it right.

Nakakatawang isipin na natanggap ako. Pero tama nga yung sinabi ng kaklase ko, na malamang lahat naman matatanggap kasi siguradong wala namang masyadong mag-a-apply. At well, isa ako sa mga tangang nag-apply sa isang publication na wala namang pondo at meron pang adviser na parang ewan lang.

News writer. Parang nahihirapan ako sa title. Wala kasi akong alam e. Kailangan ko ng umpisahang magbuklat ng mga dyaryo para magka-ideya ako sa gagawin ko. Ahai.

Nung Miyerkules, nagkaroon kami ng meeting. Tinawag ba naman kami isa-isa nung editor-in-chief at ayun, pakilala kami. Nakakakaba kasi yun na yung pinaka-screening. Kaunti lang kami. Yung mga kasama ko .. matatalino at mukhang mayayabang. Grabe. Nakakakaba talaga. Habang nasa loob ako naisip ko talagang maling mali na sumali ako doon. Na-realize ko bigla na wala akong friend doon at wala akong kasamang normal na tao. Si Jodi andun, pero nakalimutan kong pagdating sa pagsulat e masyadong seryoso yun at napakayabang. Porket may karanasan e .. pero magaling naman talaga siya. Pero kasi naman diba .. di naman na dapat pang ipangalandakan yun. Si Shairjane din kasama ko .. tulad kong walang gaanong karanasan sa larangang yun pero naku naman .. di hamak na magaling yun. Seryoso din.

Kaya nakakakaba talaga. Lalo na yung mga first year na andun. Mukhang mayayabang talaga. Grabe.

Lalo na yun Anna. Buti na lang di nanalo sa student council yun. Feeler masyado. Pahiya nga e kasi nung tinawag siya ni Ivan, yung editor-in-chief, sabi niya, "ako ba?" tapos ayun wala namang pumansin sa 'joke' niya. Si Shi din parang mayabang. Pati the rest ng mga lalaki. Sa second year, si Leah, as usual madaldal. Si Alex .. jusko mataas ang posisyon, Associate Editor .. mukhang may ugali rin. Si Rhowie at Emmamae .. mukha namang mababait pero matatalinong tao yun .. di ko kayang sabayan sa trabaho.

Hai, ano na lang ang kahihinatnan ko dun? Para akong tae sa isang malinis at magandang sala. Baka ako lang ang makapagpapangit ng publication na yun. Kung pwede lang mag-resign e .... tsk.


No choice. Gagawin ko na lang talaga ang the best ko. hai.

No comments: