ewan ko ba pero bigla na lang akong nabadtrip. yung maisip ko lang ang school, naiirita talaga ako ng sobra.
minsan talaga bigla na lang ayoko sa school. ayoko naman talaga. noon, halos ayoko ng umuwi .. gusto ko sa school na lang. ngayon, hanggat maaari sana sa bahay na lang ako e. kung di lang talaga mahalaga ang pag-aaral ..
hindi ako payapa sa school. lagi akong pagod. wala na kong time mag-enjoy. fake lahat, ang tawa at pakikitungo ko sa iba. alam ko naman kasi na kahit sila, fake sakin.
at ang pinakakinaiinisan ko lang naman sa school, yung mga taong nakikitako doon. lahat sila walang kwenta. lahat sila plastik. lahat sila walang ibang alam kundi ang punahin at tingnan ang mali ng iba. kung umarte sila akala mo mga santo. akala mo mga walang bahid ng kasalanan. akala mo hindi masasamang tao.
nakakainis. ayoko na. ayoko sa mga tao doon. pero ano bang magagawa ko? hindi ako pwedeng magalit ng nakikita nila .. ayokong sirain ang buhay ko ng dahil sa kanila.
ilang panahon na lang naman .. malapit ng matapos ang pag-aaral ko. malapit ng hindi ko sila makita lahat. malapit na kong maging malaya sa galit ko sa lahat ng taong nandoon sa lugar na yon. pero habang nananatili ako dun, patuloy kong titiisin ang ganito. hai. ang hirap. ang hirap itagong galit ako. gusto ko silang sapakin lahat. ahai.
No comments:
Post a Comment