De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

28 April 2011

someone's always saying goodbye

Strangers, again




"I think that if life separates us, and we end up in totally different places, I’ll always remember when our paths aligned at this period of time, and I’ll be thankful for that… and I hope that where ever you are, you’d be thankful too. And I think that’s the best we could wish for”

why do we always hurt the ones we love?

we are .. practically strangers ... AGAIN. :'(

27 April 2011

so true.

remembered the days ...



ito trip kong panoorin bukas. walang aangal.

3D??? hahaha!!

wala may naalala lang .. naalala ko lang ang nakaraang katangahan ... hai.

nakakamiss maging tanga. XD

i remember the days .. :D

I'd like to watch this .. :D

There Be Dragons - Official Trailer [HD]




there is no greater sorrow than regret...

no greater power than love ..

and no greater gift than forgiveness...

23 April 2011

assuming na kung assuming.

Kanina .. naghahanap ako ng pictures .. tapos yung isang source ng nakita kong pic, blog din siya. nabasa ko sa isa sa mga post ng author ang ganito ..

"How can you say that you don't love someone but you still care a lot for her?"

hai. sa nabasa ko sa blog nia ... parang wala namang ka-assume-assume no. pero alam ko na may pinaghuhugutan siya kaya niya naitanong iyon. sana kinwento pa niya para mas maintindihan pa siya ng ibang tao. ako, nagegets ko siya. minsan na rin akong nagkaroon ng kaibigang ganyan.

wala naman akong balak na ilahad ang buong nangyari dito sa post na ito no .. pero .. kasi... ayun nga, nagkaroon ako ng ganyang kaibigan ... super sweet, super caring. as in. may time pa nga na sinasabi niya na di kumpleto araw niya pag di niya naririnig ang boses ko .. miss na niya ko .. then he always checks on me .. asan ako, ano ginagawa ko .. kumain na ba ko .. pag di pa ko natutulog he'll wait or me to sleep. ok lang naman yung mga ganyan eh .. nung tumagal kasi .. may mga instances na na parang umaamin na siya .. one time he told me na kung may choice lang daw siya .. he'd choose to be with me at that very moment that we're talking. he'd choose to eat with me, have fun with me... but he can't. then may time na he insist na makita ako ... nagtatampo pa siya pag ayaw ko ... eh akala mo naman pwede. at marami pang time na parang aamin na siya sa feelings niya but he just can't. kasi alam niya (matalino e) na kapag nakapagbitaw na siya ng word, he can't have it back.

pero kasi .. guys are really good with words and actions and women are very foolish pagdating sa ganyan. i mean, ewan ko ba kung bakit pero ambilis mahulog ng mga babae sa patibong. or, is it just na mas showy lang talaga sila? kasi ang mga lalaki ... they try to hide what they feel. pero ang babae malakas ang pakiramdam. kaso, most of the time, she's tagged as "assuming" kahit na may basis. kesyo ganun lang daw talaga yung lalaking yun sa friends niya. which is, i think is unfair. nakakainis kasi. alam mo yun? sabi nung lalaking yun sakin, bakit di ko na lang diretsuhin .. dami ko pang loopholes. gusto ko din sabihin sa kanya yun .. na bakit di pa niya ko diretsuhin kung ano bang meron kami .. edi sana di ako nagtitiwala sa nafifeel ko diba. eh sa feeling ko gusto niya ko e .. na mahal niya ko. ewan. pero noon lang to ah. wala na ngayon .. move on. tapos na. hahaha. shinare ko lang.

sana .. kung di mo mahal, wag kang maging ultramega super caring. tamang care lang. care ng isang kaibigan lang. kahit nga bestfriend ko di ganun ka-openly concern sakin e .. tapos siya tinalo pa niya nanay ko sa sobrang pag-aaruga sakin. diba? san ka pa?! tsaka kasi .. ang lalaki naman .. di naman caring sa lahat diba .. caring lang yan sa nililigawan, gf, bff o kadugo nila. pero yung simpleng friend lang tapos over caring? di rin.

kaya iba pa rin yung actions with words. wag puro actions, wag puro words. ... kasi .. jan nauuso ang "it's complicated" at jan maraming nasisiraan ang ulo kasi di nila malaman kung san ilulugar ang mga sarili at paano haharapin ang rejection mula sa mga taong fake na walang ginawa kundi dayain ang kanilang mga sarili. mahal ka na nga, idedeny pa. sus.


ikaw na maganda. XD


ano kayang feeling ng pinag-aagawan ng dalawang lalaki? as in yung literal ha .. yung ganyan ... hahaha.

hindi. yung gusto ka ng dalawang lalaki. battle of the toots sila para sayo. hahaha.!!

hmmm.. syempre ang haba ng hair mo niyan diba .. pero mahirap kasi ... syempre sa dalawa merong mas matimbang sayo .. pero aminado ka rin sa sarili mo na kahit papano may feelings ka rin sa isa. kaso ... yung tipong .. feel na feel mo na at enjoy na enjoy mo na na pinag-aagawan ka ... pag ganun ayaw mo ng bitawan pareho e. gusto mo sayo sila pareho. ang hirap ng ganun. tapos syempre darating din naman yung time na magiging mabait ka at kailangan mo ng mamili kasi nakokonsensya ka na .. kaso maiisip mo ayaw mong saktan yung isa. pero kailangan. so go go go ka naman. tapos biglang .. pag nakapili ka na ... eemo emo ka .. pero mag eenjoy ka na rin sa natira .. mamimiss mo nung dalawa pa sila .. tapos one day nagkatampuhan kayo ng pinili mo sabay makikita mo naka-move on na yung di mo napili .. tapos .....tapos ..........tapos ............... marerealize mo bigla na dapat pala yung isa yung pinili mo kasi siya pala yung gusto mo talaga. eemo emo ka nanaman ..... mag-iisip, mag-iinarte .. hanggang sa iiwan ka na nung pinili mo dahil aaminin mong di talaga siya taz sasabihin mo naawa ka lang .........tapos ................. wala na. wala na sila pareho. iwiwish mo na sana magbalik ang dati .. na pinag-aagawan ka pa nila ... na di ka na lang mamimili at pahahabain mo pa ang panahon na parehong sayo pa sila.

parang tanga no? based on exeperience? OO. XD

22 April 2011


dati ito ang greatest fear ko. yung mag-isa. ayokong ayoko nun na maglakad mag isa .. maiwan sa bahay mag isa .. lumabas lang kahit sa gate mag isa .. mag bike mag isa .. basta ayoko mag isa ... natatakot talaga ako. feeling ko lahat ng tao nakatingin sa akin. feeling ko lahat sila may comment sa itsura ko .. sa kilos ko .. sa lahat sa akin. feeling ko pinag uusapan ako at puro negatibo ang sinasabi.

pero ngayon ..

ito naman ang ayaw ko. yung may mga kaibigan at kasama nga ako pero ..FAKE naman.


>>noong nag-aral ako sa PLMun, dun ako sinanay ni Lord para i-overcome ang fear na maging mag-isa. tapos, na-enhance pa yun lalo ... parang nag-masteral ako nung napunta ako sa CDW ... mga first 2 terms ng first sem yun. grabe. sobrang hell. ang hirap maging mag-isa. katakot-takot na depression ang inabot ko to the point na parang gusto ko ng mamatay. pero awa ng Diyos .. eventually minahal ko na rin ang maging mag-isa.

>>eto naman ang problema ngayon. sa dahil sobra ko ng na-enjoy ang pag-iisa .. ayan .. minahal ko na siya ng sobra na dumating na din sa puntong ayoko na ng kasama. totoo yan.

>>last time, nitong kelan lang .. naisipang bumisita ni Antonette sa bahay. tamang tama naman kasi ako lang mag-isa .. yun yung kasagsagan ng depression days ko e (dahil sa.... ah wag na.) tapos ilang araw ako na mag-isa lang nun sa bahay .,. as in walang labas-labas .. wala man lang akong nakikitang tao. so ayun .. bumisita nga siya .. at pasensya na talaga .. hindi ko ito sinabi sa kanya pero ... parang iritable ako nung time na yun .. nung asa bahay siya. parang gusto ko na siyang itaboy (hahaha! ang sama ko talaga!). di na talaga ako at ease. as in ayoko na andito siya sa bahay. ayun.

>>pero di lang yan ang naging epekto sakin ng pagmamahal ko sa katahimikan at pag-iisa. ngayon, parang ayoko na .. di naman sa ayoko ng makipagkaibigan pero .. parang ganun na nga. feeling ko kasi ... fake lahat ng tao na nakapaligid sakin. feeling ko .. yung mga kasama ko.. kausap ko ..pinaplastik lang ako .. feeling ko pag kaharap ko sila ok sila sakin pero pagtalikod ko lahat na pinagkakalat. alam mo yun? wala na kong pinagkakatiwalaan. kahit sino. kahit ang sarili ko. plastik na rin ako pati sa sarili ko.

>>ewan ko ba kung bakit ako dumating sa ganitong punto. hindi naman to dahil lang sa mag-isa ako lagi. kasi .. meron akong mapait na karanasan sa sa paaralang pinapasukan ko sa kasalukuyan. doon ko na-encounter ang mga taong kakaiba ,... hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng plastik .. pero ngayon lang ako nakakita ng mga sobra na talaga .. di lang basta plastik .. FAKE talaga! grabe.

>> kaso yung ganito kong mentalidad .. masama talaga ang naging epekto sakin. hindi ko na alam kung pano ko isosort out kung sino pa ang totoo sakin at hindi. kasi lahat talaga tingin ko hindi. yung nagsasabing totoo daw .. naku .. ayun .. di ko pinaniwalaan .. kaya eto ..iniwan na ko. haiz.


ano bang gagawin ko?? hai. ayoko na sana ng ganito ... ang hirap .. baka wala na kong matirang kaibigan nito. tsaka ang hirap kaya ng lagi mo na lang iniisip na plastik lahat sau .. ang hirap nung wala kang mapagkatiwalaan .. feeling mo laging nasa peligro buhay mo ...


Lord, tulungan mo naman ako o ..

20 April 2011

wiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!! naka-attend ako!!!!!!!!!!! woohoooo!!!

kanina .. ang saya .. naka-attend na rin ako sa wakas ng Tuesday! pinayagan na ko nila Mama at Papa ... di nila ako pinigilan!! tapos .. san ka pa . ... FIRST TIME KONG UMATTEND NG TUESDAY MAG ISA!!! ang saya!! bagong experience. di naman ako natakot. medyo kinakabahan lang ako nung nasa bahay pa ko .. muntik pa nga akong di makapunta e .. kasi parang tinatamad nanaman ako tapos 6 na di pa ko nakakaalis ng bahay kasi dami ko pang ginawa tapos nanood pa ko ng My Princess. tapos wala akong masakyang jeep. ang kulit nga e .. 30 mins akong naghintay ng jeep na paputang Puregold. mga 6:25 pm, sabi ko, pag 6:30 sakto wala pang Puregold na jeep, sasakay na lang ako ng iba. in 30 mins puro SM at Moonwalk ang biyahe ng mga jeep na nadaan. mga siguro 6:28pm, dahil wala na akong pag-asa, sumakay na ko ng Moonwalk. tapos san ka .. saktong 6:30 pm nga, kasi di pa nakakalayo masyado ang jeep na sinakyan ko (kasi naghihintay pa ng pasahero so slowmo) .. ayun .. may jeep na Puregold. grabe. isn't it ironic?? haha. bababa pa sana ako .. kaso nakakahiya na sa driver tsaka kakaunti lang kaming sakay niya .. kaya ayun. pero di naman ako nabadtrip at nanlumo. actually, maganda pala ang nangyari ... kasi kung puregold ang nasakyan ko .. di ako maglalakad mula palengke .. at di ko masasalubong si Tine! yeah, you've read it right. si Christine Amisola .. ang aking mahal na kaibigan. ang totoo niyan, nakita ko na talaga siya mga 5 meters away sakin. sa tapat yun ng PLDT e. pero di ko kunwari siya napansin .. tiningnan ko lang kung papansinin niya ko. at ayun .. pinansin nga ako. grabe na-miss ko siya ng sobra. ampayat na niya ngayon. kasama niya si Jobelyn na nung binati ko .. ayun tinarayan lang ako. ahaha. kaso sandali lang kami nakapagchikahan .. di ko man lang siya na-hug. hay. tapos ayun .. bumili pa ko sa puregold ng suklay at headband kasi super gulo na ng buhok ko at feeling ko haggard na haggard ako nung nakita ako ni Tine .. pero nung nakita ko sa salamin sa c.r ng Puregold .. hmm.. di naman pala. hahaha. tapos bumili ako ng inumin ko na pepsi .. ayoko sana ng softdrink kaso wala na kong ibang choice kasi wala silang ibang inumin na gusto ko. tapos lipstick na regalo ko kay Mama kasi birthday niya today!! :D tapos ayun .. gabi na .. diretso na ko sa Amvel. kabado pa ko sa daan. sa House of Prayer kasi ang gawain .. pero good thing pwedeng pumasok kahit di naka-skirt. pero ready naman ako just in case .. may dala akong palda. hahaha. nag-stay muna ako sa labas for a while .. dun ko na tinapos ang mass. Ama Namin na nung dumating ako .. so nakipaghawak-kamay ako sa matandang babaeng nakatabi ko. tapos chika kami ng konti .. i asked her bakit siya asa labas. malamig daw kasi, di niya kaya. then may lumapit samin na mama. kinakausap si lola pero di niya pinapansin .. so ako ang pumansin. daldal ni kuya .. but i'm glad kasi he proclaims the blessings of God to his family. then after ng mass, nagpaalam na ko sa kanya at pumasok na ko sa loob. syempre, dahil echusera ako .. dun ako sa gitna .. sa seat along the aisle. haha. kaso sad thing, wala akong katabi at walang nangahas. hahaha. tapos ayun .. ok naman kahit ako lang mag isa .. medyo awkward moments ko pag nakanta .. lalo na pag joyful ang song kasi nahihiya akong sumayaw. pero ok naman. then nag-finally na. bago pa yun, iniisip ko na kung sino ang magiging partner ko pag nag-clap na. nagwoworry talaga ako. naisip ko, kakapalan ko na lang mukha ko .. makikijoin ako sa nasa harap ko. kaso mukhang masungit yung lolo. tapos nung nag-finally song na, yung lolang katabi niya, aba, nagtawag ng kasama sa likod para daw may partner siya. mukhang isnabera si lola. so wala na kong nagawa . nag-pray na lang ako kay God na bigyan niya ko ng partner. then di pa natatapos ang kanta, answered prayer na ko. si kuya abby, ewan ko kung anong ginawa niya pero nasa aisle siya .. then nagulat ako binati niya ko. tapos niyaya niya ko sa likod ...wala daw kasi siyang kasama. at siya .. siya ang naging kapartner ko. isn't that great?? buti na lang nag-pray ako kay God. ang galing. then sabay na kaming umuwi .. nagyayaya nga sa mcdo pero di ako pumayag. sabi ko nagmamadali ako umuwi. nilibre niya ko ng pamasahe sa jeep. binibigyan pa nga ako ng pang tricycle pero di ko na tinanggap. ayun .. tapos sinundo ako ni Papa sa southland. and now .. eto .. nagpupuyat. XD

I love how my day (April 19, 2011) ended. kahit na monthsary yun ng broken friendship namin ni Bro, marami namang nangyaring maganda. :D

pssssttt!!!

haha. ngayon ngayon lang .. nagsend ako ng link kay ate grace sa facebook. ang subject ko sana ay "psssttt!!" .. tapos nung nai-type ko na .. may bigla akong naalala kaya binura ko tapos pinalitan ko na lang ng "ei."

ano ang naalala ko??

minsan kasi, nagtext ako kay MP. (ok siya nanaman.) bihira lang ako magtext sa kanya noon na ako ang nauna .. eh nung araw na yun ata kailangan ko talaga siyang itext. di ko maalala e. basta yan ang text ko sa kanya. aba .. sinermonan ako ..(di naman masyado. exaggerated lang talaga ako) .. sabi niya, next time daw wag ko ng gagamitin yung "pssttt." bago yan, tinanong niya ako kung sino sa Bible ang unang gumamit nun. di ko alam syempre. sabi niya.. yung tempter. ah ..ok.

so ayan .. lagi na kong parang automatic na nakokonsensya. hahaha.

parang yung dati lang na may deal kami na bawal na secret ...

kaya tuwing kausap ko siya noon .. laging may nagpapaalala sakin (sa isip ko) na bawal secret .. na para bang mortal sin yun. so ayun .. di nga ako nag secret ... inamin ko sa kanyang muntik na kong ma-fall sa kanya .. hai .. isa sa mga pinakadakila kong katangahan .. pero di ko naman pinagsisihan .. san ka .. ngayon ko lang ginawa yun .. bagong exprience. bagong katangahan. :)

o ano?? naniniwala ka na na miss ko na siya?? hahaha!!!!


post nanaman ni Wendy. actually matagal na to .. ngayon ko lang ulit naalala.

ni-like ko tong post niya na to at nag-comment din ako. tama siya base sa experience ko .. e sayo?

ahh .. di naman syempre lahat ng ginagawa ng mahal mo e maa-adapt mo diba .. lalo na kung di maganda ... ito lang naman kasi yan e .. kung ma-adapt mo o ia-accept mo lang. kapag alam mong makakasama sayo at kung minsan feeling mo di mo trip, madalas accept na lang.

magandang example ko jan syempre ang sarili kong karanasan. balik tayo kay the past .. yung hilig niya noon, di ko nagustuhan. pero dahil mahal ko siya, hindi ko naman siya pinilit magbago .. pero in-encourage ko siya at sinabi ko ang benefits kapag nawala yun sa sarili niya. iniwan ko pa rin sa kanya ang karapatan niyang magdesisyon sa gagawin niya. pinili niyang ipagpatuloy .. pero nangako naman siyang paunti unti siyang magbabago. edi tinanggap ko. kaso nasobrahan ata ako sa pagtanggap. haiz.

si ano naman .. kung sino man siya .. hmm .. di ko naman siya mahal. ito wala na sa usapang lovelife (sauce). friendship tayo. meron akong naging friendship na .. ang galing kasi .. nahatak niya ko .. i mean .. maganda ang naging effect niya sakin. oo na si MP na yun. alam naman natin na preacher siya .. ayun .. habang kami ay magkaibigan pa .. nagsishare siya sakin ng Words of God. dun nag-umpisa. ako naman .. kahit na masama ako, never ako nang-reject ng taong nagseshare sa akin ng Word of God. kahit nga yung mga naakyat sa mga jeep... talagang nakikinig ako. so yun na nga. hanggang sa .. nagpipray kami every night .. which is na-enjoy ko talaga .. ang sarap palang mag-pray sa gabi ng may karamay ka. tapos binigyan niya ko ng Bible .. dun nag start na talaga .. hanggang sa nag-attend ako once sa pag preach niya kasi malapit samin yung lugar .. tapos tinry ko ng umattend sa ibang place .. nung una sabi ko sa kanya para magamit ko lang yung Bible na binigay niya. pero ang totoo .. that time .. di ko talaga maintindihan kung bakit ako nagtitiyagang umattend e ayaw na ayaw ko yun dati. tapos hanggang sa nawili na ko kaka-attend .. na dumating sa point na na-feel ko na dun ko naranasan ang happiness at peace na gusto ko. hanggang sa parang naging bahagi na ng schedule ko every week yun. na parang pag di ako naka-attend lalagnatin ako. tapos nag-start pa yung devotion ng dahil din sa kanya. nung una talaga nakakatulog pa ko sa pagbabasa ng Bible tapos parang ayoko na kasi di ko masyadong maintindihan yung iba. pero ang galing kasi naipagpatuloy ko pa rin .. dahil eventually yung mga nababasa ko nakakarelate na ko o kaya saktong mga messages na gusto kong mabasa at naiinspire ako.

nung una ,,.. naiilang ako tapos parang .. di naman sa ayoko pero naiisip ko na pag ginawa ko yun ,.., maraming maninibago at di maniniwala sakin. pero siya .. nagtiwala siya na kaya ko. di siya napagod (noon...kasi ngayon wala na napagod na siya) na akayin ako .. di naman na ko nagpakipot kasi maganda naman yung ginagawa niya .. e kasi naman, kung ikaw masama kang tao tapos bigla kang maiinvolve sa gawa ng mga mabubuting tao .. maninibago lahat sayo diba .. yun ang kinakatakot ko noon. pero wala, dahil mahal ko ang aking kaibigan at ayoko siyang biguin .. dahil kaligayahan niya noon ang magpasakop ako sa kanya (in terms dun nga .. sa ginagawa niya a ..) ,, ayun ... ok naman. hanggang sa eventually, na-enjoy ko na.

pinagsisihan ko ba? hindi. hindi ako nagsisi. actually ngayon .. kahit na di na kami magkaibigan .. ginagawa ko pa rin. para sa kanya, sa pamilya ko .. sa sarili ko .. at lalong lalo na kay Lord. ang galing. talagang ginamit siya ni Lord. sayang nga e .. kasi .. you know. it's my fault.

noon di ko gusto pero tinanggap ko .. ginawa ko. at ngayon .. ok na .. gustong gusto ko na. at masayang masaya ako. :D
People say that "actions speaks louder than words"

but sometimes we still have to hear the words and see the actions at the same time.

because words without actions are empty......
and
actions without words are confusing.ryt?


------------------------------------------------------------------------------------------------------------

yeah ryt. ganyan ang problema lagi e. pag nanliligaw tsaka kung minsan pag kayo na .. mahirap pag puro words. parang yung isa kong kaibigan. halatang halata naman na patay na patay pa sa ex yung boylet niya .. ayun .. asang asa pa rin siya sa lalaki niya. kesyo mahal daw siya ganyan ganyan. wala namang problema kung mahal siya ng lalaki e .. maganda nga yun diba. ang nakakainis lang ..puro salita lang naman yung lalaki ,.. walang gawa .. tapos ang malupit pa dun .. pag sa ex nung lalaki todo effort pa rin. ito namang si tanga .. ayun .. desperada na .. ipost ba naman sa fb na "wag mo kong iwan, dito ka lang pwede ba?" hainako. tapos nakalagay pa "kay-toot-lang to." takteng yan. kaya pag nakikita namin ng iba naming kaibigan .. wala .. naaawa na lang kami sa kaengotan niya e .. kasi .. mahal niya e. wala na tayong magagawa.

yung sa pangalawa naman.. problema yan ng mga mu. puro actions. madalang ang words. madalang na nga, para pa kayong naglalaro ng guessing game .. matatalinghaga .. i mean .. di naman makata ang mga salita .. parang riddles lang naman siya na kailangan mo pang i-solve. parang something na kailangan mo pang i-interpret. ayaw diretsuhin kasi mahirap na magbitaw ng salita. eh kawawa naman ang decoder .. kahit tama minsan ang pagkakainterpret niya .. pag nagkabukuhan na .. siya pa lalabas na assuming. grabe.

sa dalawa, ano yung nangyari sa huling minahal ko? yung pangalawa. wag niyo na itanong kung sino. leche siya. joke. hahaha!

namimiss ko nanaman si Bro. T.T

o ayan na a .. ang kapal na talaga ng mukha ko .. inaamin ko na talaga .. namimiss ko siya ngayon as in ngayon. grabe.

alam mo yung miss mo siya pero alam mong siya hindi ka naman miss at di ka naman naiisiP??? ito yun e .. ito yung ngayon. nakakainis. nahuhurt ako. nahuhurt akong mamiss siya. nakakainis. nakakainis talaga. ayoko ng ganito .. T.T

pero siguro naman .. walang masama kung mamimiss ko siya .. di naman niya alam e. hahaha.

hai. naiinis talaga ako. nakakainis....!!!





can i return to the time before everything went wrong?

19 April 2011

excited. XD

kahapon .. wala lang .. nag iisip lang ako tapos bigla kong naisip .. pangalan ng magiging anak ko sa future. hahaha. ngayon ko lang naalala i-post e. hmm.. by the way .. wala pa naman akong planong magkaroon ng anak no .. wala nga akong boyfriend e .. pero syempre .. looking forward pa rin ako na magkaroon ng pamilya someday. naisip ko lang ..if ever .. nung una gusto ko lalaki lang ang anak ko. kahit isa lang ayos na. pero na-realize ko kahapon habang nanonood ako ng Pinoy Henyo... gusto ko na din pala ng babae. nakita ko kasi si Xyriel Manabat ... ayun .. ang cute cute niya. pati damit niya ang cute.

pero syempre gusto ko pa rin ng lalaki. noon ko pa dream talaga yan. kasi, iisa na nga lang ang lalaking kapatid ko wala pa. tapos .. diba nga .. frustration ko ang maging lalaki. hahaha. edi ayun. kahit sa anak ko na lang matupad ang aking pangarap diba.

tapos .. gusto ko na rin ng girl .. pero kahit isa lang ok na .. ayoko ng maraming girls sa pamilya. mas gusto ko nga wala e .. ako lang yung reyna. pero if ever ... ayun nga isa lang. tapos bibihisan ko siya na parang prinsesa. hindi naman sa i-spoil pero .. alam mo yun .. lahat ng magandang damit at sapatos na kaya kong ibigay ibibigay ko sa kanya. kasi .. ako .. gustong gusto ko manamit na parang babaeng babae ako .. pero kasi .... hindi sa walang pera e .. ang problema ko ... hindi bagay sa akin. alam mo naman .. ang magaganda, mapuputi at sexy lang ang carry magsuot ng magagandang damit diba .. hai. ayun lang naman.

so ang name na napili ko para sa girl ay ....

Marilouna Ayesa


una, Ayesa lang talaga ang gusto ko. eh syempre ampangit naman kung plain na yun lang diba .. so nilagyan ko ng Louna kasi gusto ko din yun. tapos naalala ko di Mama .. e syempre .. naging tradisyon na sa aming pamilya na isunod kahit isang letra man lang ng pangalan ng anak sa lolo at lola at magulang nila .. kaya ginawa ko na lang na Marilouna Ayesa. cute diba??

sa lalaki naman ..since high school pa to ... hahaha.

Clarence Alexander Jhan

wala lang .. gusto ko lang. kaso syempre di lang yan. kailangan ko pang mag isip na medyo malapit sa pangalan ni Papa. papalitan ko sana ng Jhun ang Jhan kaso .. di na bagay. bahala na. iisip na lang ako ng iba. haha.

so ayan .. ready na mga pangalan ng magiging anak ko ... kailangan ko lang i-ready ang sarili ko sa 'process' at sa 'production'. wew!

pero bago lahat yan .. syempre ... kailangan ko muna ng makakatuwang sa paggawa. kailangan ko ng kukumpleto sa pangalan ko. kailangan ko ng panibagong apelyido. hahai. sino kaya?? hmm....

matagal pa. matagal na matagal pa. wag akong excited. kailangan ko munang magtapos. haha. marami pang pagpipilian .. at for sure .. may isa lang na akin talaga .. kaso .. meron nga ba?? sabi nga ng tita ko .. baka tumanda akong dalaga. wag naman.

ayun lang. di ako excited promise. wala naisip ko lang. sana .. yung mapapangasawa .. pwedeng isipin na lang din .. haha. kaso .. yung gusto ko .. wala e. suntok sa buwan ang maging kami. di nga lang e. suntok sa pluto. hahaha.

hai.................