De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

20 April 2011



post nanaman ni Wendy. actually matagal na to .. ngayon ko lang ulit naalala.

ni-like ko tong post niya na to at nag-comment din ako. tama siya base sa experience ko .. e sayo?

ahh .. di naman syempre lahat ng ginagawa ng mahal mo e maa-adapt mo diba .. lalo na kung di maganda ... ito lang naman kasi yan e .. kung ma-adapt mo o ia-accept mo lang. kapag alam mong makakasama sayo at kung minsan feeling mo di mo trip, madalas accept na lang.

magandang example ko jan syempre ang sarili kong karanasan. balik tayo kay the past .. yung hilig niya noon, di ko nagustuhan. pero dahil mahal ko siya, hindi ko naman siya pinilit magbago .. pero in-encourage ko siya at sinabi ko ang benefits kapag nawala yun sa sarili niya. iniwan ko pa rin sa kanya ang karapatan niyang magdesisyon sa gagawin niya. pinili niyang ipagpatuloy .. pero nangako naman siyang paunti unti siyang magbabago. edi tinanggap ko. kaso nasobrahan ata ako sa pagtanggap. haiz.

si ano naman .. kung sino man siya .. hmm .. di ko naman siya mahal. ito wala na sa usapang lovelife (sauce). friendship tayo. meron akong naging friendship na .. ang galing kasi .. nahatak niya ko .. i mean .. maganda ang naging effect niya sakin. oo na si MP na yun. alam naman natin na preacher siya .. ayun .. habang kami ay magkaibigan pa .. nagsishare siya sakin ng Words of God. dun nag-umpisa. ako naman .. kahit na masama ako, never ako nang-reject ng taong nagseshare sa akin ng Word of God. kahit nga yung mga naakyat sa mga jeep... talagang nakikinig ako. so yun na nga. hanggang sa .. nagpipray kami every night .. which is na-enjoy ko talaga .. ang sarap palang mag-pray sa gabi ng may karamay ka. tapos binigyan niya ko ng Bible .. dun nag start na talaga .. hanggang sa nag-attend ako once sa pag preach niya kasi malapit samin yung lugar .. tapos tinry ko ng umattend sa ibang place .. nung una sabi ko sa kanya para magamit ko lang yung Bible na binigay niya. pero ang totoo .. that time .. di ko talaga maintindihan kung bakit ako nagtitiyagang umattend e ayaw na ayaw ko yun dati. tapos hanggang sa nawili na ko kaka-attend .. na dumating sa point na na-feel ko na dun ko naranasan ang happiness at peace na gusto ko. hanggang sa parang naging bahagi na ng schedule ko every week yun. na parang pag di ako naka-attend lalagnatin ako. tapos nag-start pa yung devotion ng dahil din sa kanya. nung una talaga nakakatulog pa ko sa pagbabasa ng Bible tapos parang ayoko na kasi di ko masyadong maintindihan yung iba. pero ang galing kasi naipagpatuloy ko pa rin .. dahil eventually yung mga nababasa ko nakakarelate na ko o kaya saktong mga messages na gusto kong mabasa at naiinspire ako.

nung una ,,.. naiilang ako tapos parang .. di naman sa ayoko pero naiisip ko na pag ginawa ko yun ,.., maraming maninibago at di maniniwala sakin. pero siya .. nagtiwala siya na kaya ko. di siya napagod (noon...kasi ngayon wala na napagod na siya) na akayin ako .. di naman na ko nagpakipot kasi maganda naman yung ginagawa niya .. e kasi naman, kung ikaw masama kang tao tapos bigla kang maiinvolve sa gawa ng mga mabubuting tao .. maninibago lahat sayo diba .. yun ang kinakatakot ko noon. pero wala, dahil mahal ko ang aking kaibigan at ayoko siyang biguin .. dahil kaligayahan niya noon ang magpasakop ako sa kanya (in terms dun nga .. sa ginagawa niya a ..) ,, ayun ... ok naman. hanggang sa eventually, na-enjoy ko na.

pinagsisihan ko ba? hindi. hindi ako nagsisi. actually ngayon .. kahit na di na kami magkaibigan .. ginagawa ko pa rin. para sa kanya, sa pamilya ko .. sa sarili ko .. at lalong lalo na kay Lord. ang galing. talagang ginamit siya ni Lord. sayang nga e .. kasi .. you know. it's my fault.

noon di ko gusto pero tinanggap ko .. ginawa ko. at ngayon .. ok na .. gustong gusto ko na. at masayang masaya ako. :D

No comments: