De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

10 April 2011

parang wala lang .. parang lang ...

Kanina,
katext ko
si Tonet. Niyayaya
ko kasi siya sa
concert ng Hillsong sa June
2 pero parang .. ay hindi pala ...
di pala talaga siya interesado. di naman
niya sinabi na ganun pero ramdam ko. Ayun,
so sa isang text ko, nabanggit ko na sayang
kasi si MP yayain ko sana kasi gusto niya rin
yung Hillsong .. kaso wala na siya. Tapos tinanong ni Tonet na
panong wala na siya. Sabi ko, wala na kaming commu, di na kami
nag-uusap. Tapos tinanong niya kung gaano na katagal. Sabi ko saktong 3 weeks
ngayon .. pero di talaga ako sigurado .. feeling ko hindi lang 3 weeks e .. 3
years na. hahaha! So ayun .. ganito yung pagkaka-reply ko e .. "ah.. bale saktong 3 weeks
na ngayon. haha!" Tapos nag reply siya. Sabi niya parang wala lang sakin. Sabi ko naman,
"wala
lang talaga.
wagas na katangahan
na kung ipagluluksa ko
pa siya." Ang yabang ng
sagot ko e no? akala mo
totoo. Ang totoo niyan .,. ang gusto kong
isagot sa kanya .. "parang wala lang .. parang lang.
nai-iyak ko na naman kaya medyo magaan na ngayon.
syempre di ko pwedeng ipakita na malungkot at apektado ako
diba. kailangan kong maging masaya .. kahit na ang totoo sa loob
ko sobrang sakit na ... " Pero di rin yan totoo. Ang ibig kong
sabihin, di totoo yung huli .. na sobrang sakit na. Di naman. Eto nga
e, habang nagta-type ako at kinukwento ito .. wala akong nararamdaman. Siguro kasi pinili ko
ng maging manhid .. o sadyang natanggap ko na lang ang mga nangyari. No choice e.
Isa
pa, may
napag-isip-isip ako kanina.
Kung malulungkot ako at
magmumukmok sa nangyari, sa aming
dalawa, ako lang ang mawawalan. Una,
kasi may asawa na siya .. diba. Pangalawa,
tanga ko kasi nagkagusto ako. Pangatlo, kahit kailan
naman kasi di niya ako nagustuhan .. ginamit lang niya
ko (user. hahaha. eto pinag-awayan namin a.). Hay. Pero masaya
ako ngayon kasi .. di na ko nahuhurt at di ko na
rin siya naiisip lagi. Di tulad noon. Isa pa wala naman kasi
talaga
akong karapatang
masaktan .. kung mag-e-emote
ako, pinaparusahan ko lang
ang sarili ko. Diba. Katangahan
na talaga. Tama ng naging tanga
ako dahil nagustuhan ko siya .. ayoko ng
dagdagan
pa.

08 April 2011

state of calamity

kanina tinext ko si tonet. kahit na ayaw kong magload kailangan kasi baka magalit na yun sakin. ilang araw .. actually weeks na nga e na di ko siya natetext. as in walang paramdam ang drama ko. huli ko siyang nakatext nung araw na pumunta siya sa school ko para kunin ang papel na gagamitin sa thesis ko. March 22 yun kung di ako nagkakamali.

tapos ayun .. nag sorry nga ako kasi di nga ako nagpaparamdam. sabi ko nadepress kasi ako ng ilang araw. sabi niya, halata niya nga ,.. na nasa state of calamity ako. hahaha.

sabi ko nga .. super calamity inabot ko .. tsunami pa. grabe talaga. grabe. tindi ng emotional problem ko .. kaya kong makasurvive sa iba kong problema agad pero pag emosyon na pinag-uusapan .. wala na .. weak na ko.

ok back to our topic .. ayun na nga .. sabi ko nga sa kanya buti pa siya consistent sa pagpaparamdam sa akin. tapos sabi niya, nagparamdam din siya kay czy ...sayang nga e .. kahapon asa bahay lang nila si czy. sayang talaga. tapos sabi niya .. kay rox ... siya na nagparamdam pero wala pa rin. sabi ko naman sa kanya, nakakaalala lang yun kapag may problema.

nakakatuwa kaming apat ...

kami ni rox magkabaliktad kami. siya, lumilitaw kapag may unos sa lovelife .. (yan lang naman ang major problem sa amin e .. kasi sa pamilya .. understood na yun .. immune na kami ,,, pero sa lovelife .. ngayon lang kasi kami naging active ng sabay-sabay. dati kasi di pa seryoso si tonet at roxie sa mga bf nila). pero ang nakakatuwa sa kanya .. diba pag may problema siya ... tatawagan ka niya at itetext tapos pipilitin niyang makipagkita. tapos nun, pag nagkita na kayo .. hindi siya yung tipo ng taong kailangan mo pang bigyan ng advice. una magkukwento siya ..ilalahad niya ang masalimuot niyang pinagdaanan sa kamay ng boyfriend niyang si Angelo (oopppSss!) ... ng nakangiti at nakatawa (partida). tapos ... maya maya mamamalayan mo na lang ... puro magagandang memories na nila ang sasabihin niya .. magtatanong siya ng "tingin mo dapat ko pa siyang bigyan ng chance?" pag ganun .. di na ko masyadong nasagot ng seryoso .. kasi sa expression pa lang ng mukha niya ... alam mo na ang sagot. siya na mismo ang sumasagot para sa akin ... tinatranslate ko na lang in words. parang ganito. ayan na nagtanong na siya. bago pa siya magtanong, habang nagkukwento siya, inoobserbahan ko na ang kilos niya. habang nagkukwento siya kinikilig .. nakakatuwa siyang tingnan .. parang walang problema pero meron talaga kung makikinig ka. tapos ang isasagot ko sa tanong niya .. ? "mahal mo diba ...". tapos ngingiti siya ng pagka-kyut-kyut at ayun .. resolved na. kailangan mo lang siyang samahan at pakinggan ng mahabang oras ... kahit di ka na magsalita kasi dire-diretso siya magkwento ... ayos na yun. :) kaya nga mahal na mahal ko yan si Rox e .. kahit na minsan lang makaalala.

ako naman .. kapag may problema ako .. nawawala ako bigla. as in di talaga ako nagpaparamdam. ewan ko ba. naging ugali ko na talaga na sarilihin ang mga problema ko. hindi ko nilalabas .. akin lang. wala akong pinagsasabihan.

bigla na lang akong nananahimik. tapos minsan bigla na lang akong iiyak .. naalala ko tuloy kanina nung nag-iiiyak ako sa Amvel.. kasama ko nun sina Shairjane at Wendy ... na kahit galit sakin e sinamahan pa rin ako .. nakakatouch. :) di talaga ako nagsasalita nun ..iyak lang ako ng iyak. ayoko naman talagang umiyak pero nung time na yun .. parang nagsabay-sabay na lahat .. kaya ayun .. super nag-breakdown ako. tapos after ko umiyak... wala na. wala na ring nakaalam pa ng problema ko.

ganun ako e. pagtapos ko umiyak o pag nahimasmasan na ko mula sa problemang kinakaharap ko .. wala na ... kakalimutan ko na. tapos dun naman ako dadagsain ng katanungan na kung ano bang nangyari sakin. pero wala na kong sinasabi pa.

siguro kasi .. ayoko ng mandamay ng iba. alam ko kasi ang pakiramdam ng nakikinig ka sa problema ng iba.. ewan ko a .. pero ako ..sa personal kong karanasan ... ako yung taong naa-absorb ko ang problema nung taong nagse-share sa akin. at ayokong ma-absorb ng iba ang problema ko. ayoko ng ka-share. hahaha.

isa pa, nadala na ko mag-share. naalala ko nung first year high school ako .. nag recollection kami. may kantang panlangit na sobrang naiyak talaga ako .. tapos tinanong ako ng kaklase kong nagngangalang Erika kung bakit. sabi ko, broken family kami .. wala kasi si kuya ko sa amin. aba, tinawanan ba naman ako. ambabaw daw kasi iniiyakan ko. simula nun, pinangako ko sa sarili ko na di na ako magse-share kahit na kanino. ayoko na.

ayun. back to us .. si tonet naman ... ngayon ko lang naging close yan e sa totoo lang. syempre dati kasi, kay Czy lang siya nag-o-open. wala akong alam sa mga pinagdadaanan niya noon. buti nga ngayon e .. siya naman ... a ... hindi siya tulad ko na nawawala pag may problema, at di rin siya tulad ni Roxie na lumilitaw lang pag may problema. siya yung pinaka-source ng communication naming apat. kung wala siya, wala na. wala ng mag-a-update sa isa't isa. pero matindi tong babaeng to pag nagkaproblema. dapat lagi mo siyang kakausapin at dapat maging matalino ka sa pag-a-advice sa kanya. lahat kasi ng bibitawan mong salita pag-iisipan niya ... na maganda .. kaso ... iniinterpret niya .. na medyo mahirap. pero ayos lang. matinding assistance din ang kailangan niya dahil kung mag-isa lang siya, hindi niya kayang i-handle ang sitwasyon. siya yung tipong batang bata kung magdesisyon ... bara-bara. bahala na. nakakatuwa .. pero mahal na mahal ko yan.

si Czy naman ... ang totoo .. hindi ko siya ganun kadalas na nakaka-usap lalo na ngayon. si tonet lang ang pinaka nakakaalam ng lahat sa kanya .. tapos ise-share niya sa akin para updated din ako kay Czy. itong babaeng to .. kahit kailan ... di ko narinig na dumaing samin. sa aming apat, siya ang pinaka mature (para sakin) kumilos ... dahil siguro sa mga trabaho niya sa bahay nila. nagse-share din naman siya .. pero di naman siya ganun ka-emo. tsaka kalmado lang. tapos mamamalayan ko na lang ok na ..resolve na. astig. kaya mahal na mahal ko yang si Czy e.


ayun ... sa aking kwento .. magkakaiba kaming apat pagdating sa "state of calamity" ng aming buhay. pero kahit magkakaiba .. ang masaya dito .. nananatili kaming magkakaibigan. di man kami magkita kita lagi, sa puso naman namin .. iniingatan namin ang bawat isa.

at ako .. eto .. excited na .. sa araw na yun .. na magiging kumpleto ulit kaming apat .. magkakasama .. hindi dahil may problema ... magkakasama kami dahil .. magkakaibigan kaming tunay. naks! XD

adik.adik.adik.

o sige na ako na adik .. kayo kaya mag isa sa bahay tapos walang magawa .. syempre mag online ka na lang diba ... gustuhin ko mang maglinis .. bukas na lang .. baka hikain nanaman ako ..

tsaka maganda ginagawa ko ngayon . nanonood ako ng .... ONE MORE CHANCE! hahaha!

medyo ok na ngayon ang connection kaya go go go .... hahaha!!

tae nakakaiyak siya a.. e kasi ... nakakarelate ako... echos!



haiz ... :) saya. wala lang. wala naman akong ibang choice e. dapat akong maging masaya. kung magiging malungkot ako ... walang mangyayari. :D

plants vs. zombies :)


lahat naman siguro pamilyar sa laro na ito diba .. plants vs. zombies.

noong nakaraang taon, marami sa mga kakilala ko ang naadik sa larong ito. dahil kasing kupad ng pag-unlad ng Pilipinas ang computer ko noon, hindi ako nabigyan ng pagkakataong malaro ito. pero sa school namin, noong minsang hindi tinopak ang guard at binuksan ang computer laboratory namin, nakapaglaro ako nito .. isang beses nga lang. at least may experience na. hindi na ko magmumukhang tanga kapag pinag-uusapan ang "plants vs. zombies".

sabi nila, unang beses mo pa lang malaro ito maaadik ka na. isa rin yun sa mga dahilan kung bakit ayokong laruin to. mabilis kasi akong maadik sa mga bagay na natutuwa ako .. e pano kung bigla akong matuwa diba. ang cute pa naman ng mga halaman. XD

pero sa kakapanood ko sa mga kaklase ko, hindi naman ako na-engganyo ng husto. kahit nung nakapaglaro na ako. ang totoo niyan, na-boring ako sa larong ito.

tapos minsan, nagpunta sa bahay yung pinsan ko, ayun, nag-install ng larong ito sa computer ko ...e badtrip nga kasi mabagal diba .. kaya di rin kami makapaglaro ng kapatid ko. tanga kami pareho sa larong ito. di kami "in" ika nga. pero wala naman samin kung di kami makasunod sa uso.

at ayun, nagkwento ang kapatid ko sakin isang araw na nakapaglaro na rin siya sa wakas ng plants vs. zombies sa kanilang paaralan .. wow .. di na siya mangmang sa larong ito. ayos. masaya na ako. :)

tapos, ayun nga, nag-retire na ang aking CPU .. kinailangan na siyang palitan (after so many years) ... matanda na kasi siya .. ayun pinalitan at presto! mabilis na ang computer ko! at bilib na bilib din naman ako sa gumawa dahil nag-install siya ng napakaraming laro dito .. at ang highlight na laro .. plants vs. zombies.

kaya naman pala ilang araw na umuuwi ang kapatid ko dito sa bahay (mag-isa lang kasi ako palagi, dun siya lagi nauwi sa isa pa naming bahay..). naglalaro pala siya. edi tinry ko na rin ... andito na e. gawa ng account. tapos .. start na.

dahil nga may experience na ko kahit isang beses lang, di na ko ganun nangapa. at dahil mas magaling ang kapatid ko, paminsan-minsan ay binibigyan niya ako ng tips sa mga halamang gagamitin ko. kung di dahil sa kanya, di ko malalaman na ang mga mushroom ay tulog sa araw at kailangan pang pakainin ng mukhang beans na ewan. :D

pero may mga sarili din naman akong nadiskubre, katulad ng ang maliit na mushroom na zero (0) ang halaga ay malaki ang naitutulong sa gabi (tipid). at ang mushroom na yellow ay maganda ding gamitin. :D

so ayun na nga .. nag-umpisa na kong maglaro nito. pero di ako adik. tinatamad pa nga akong maglaro e. pag wala na talaga akong magawa ... dun na. at dahil pasukan pa noong mag-umpisa ako, wala talaga akong oras para laruin ito.

so ayun, bakasyon. sa kabilang bahay ako umuuwi kaya di ako nakakapag-computer. pero nung ipinatapon nanaman ako dito ng mga magulang ko, wala akong magawa .. wala akong kausap kundi ang computer ... kaya tinodo ko na ang paglalaro ....

at eto .. awa ng Diyos, natapos ko na siya. mission accomplished. :) pero di siya ganun kalaking achievement. parang wala lang nung natapos. hanggang level 5-10 lang siya .. napaka-boring. nakakabitin. pero ayos lang din .. pampalipas oras. at ngayon, pwede na kong sumali sa usapan ng mga "nakatapos na" ng larong ito. di na ko mangmang. kilala ko na si Dr. Zomboss! yes! :D


so ngayon, ating sariwain ang aking magagandang alaala sa plants vs. zombies .....

una na sa listahan si pareng Crazy Dave. nakakaloko yang lalaking yan. di ko maintindihan kung ano bang malaking papel niya jan e bukod sa pagtitinda (na kahit wala na siya ayos lang) at sa pagpapakain ng kanyang utak (kapag nakakapasok ang zombie sa bahay) eh wala ng kwenta ang character niya tulad na lang ng pagbibigay niya ng advice .. walang silbi e. (SAMA KO.).

pero infairness ... pampakwela din siya. :D






next in line .. a .. mamimiss ko ang mga love letter ng mga zombies. ang cute- cute kaya ng hand-writting nila. tapos hanep .. medyo jejemon din sila a .. tingnan mo naman ang spelling ng house ....



----------------------------------------------->


isipin mo na lang .. zombie bibigyan ka ng letter .. wow. :D







ok, ngayon.. eto naman ang labanan sa lawn. eto yung una. umaga pa. medyo madali lang yan (actually madali naman talaga laruin to) dahil umaga .. mabilis mag-produce ng araw lalo na ang mga sunflower. syempre ito pa lang ang alam ko dahil ito ang una kong na-experience.










next ... ang part na may swimming pool (hehe..). grabe. yung kapatid ko ang nagturo sakin na kailangan ko ng lily pad bago ako makapagtanim sa tubig. astig. tapos ang hirap palang makipaglaban dun sa mga zombie na lumalangoy lalo na yung mga may dolphin tsaka yung nagdadive .. nakakairita kaya. ay, natuto din pala ako kay Bro. Jerry tungkol dito. kasi minsan, naglalaro siya sa school .. adik yun sa plants vs. zombies e. e ayun may tubig siya. sabi niya, kailangan niya ng plant na pantubig .. at yun yung .. di ko maalala ang pangalan . basta mukha siyang seaweed na pula ang mata na dinadala pailalim yung zombie.



next naman ang rooftop. grabe. dito ako nahirapan nung una kong ma-experience to. di ko magamit ng maayos ang mga pantira kong peas .. mas effective dito yung naghahagis tulad ng watermelon, cabbage at kernel. pero mahal yung mga yun. nakakainis lang kasi dito ... hindi pantay ang bubong. parang tanga lang. pero nung nahuli ko na ang strategy. ayos na. dito ko rin unang na-encounter yung malaking zombie na hinahampas lang ang mga halaman ko, wala na. natakot ako nung una kaya parang ayoko ng ituloy. wala ding nakalagay sa almanac kung paano siya matatalo. pero nung may nalaro ako sa puzzle ata yun o sa mini-games ... ayun nahuli ko kung paano siya matatalo (gamit ko yung peas na doble ang nilalabas). tapos dito ko rin na-encounter si kuya zombie na naghahagis ng parang niyog (na basketball pala sabi ng kapatid ko) pati yung halaman na kumokontra sa bungee at sa mga hinahagis na bola ng zombie. astig. nakakatuwa. :D



at ang last .. syempre .. si Dr. Zomboss. nung nilalaro ko pa lang to sa sa kalagitnaan, sinabi ng kapatid ko na may Dr. Zomboss nga daw sa huli. bale siya na yung last na kalaban. natakot uli ako. baka kasi malupit siya. parang yung sa david vs. goliath dati na kapatid huling monster na grabe ang hirap talunin. pero nagkamali nanaman ako. napakadali palang talunin ni Dr. ZOmboss. hai. pero eto na yung pinaka-enjoy ako kasi puro panghagis ang plants ko. isa pa, hindi ko na kailangang bumili kasi provided na. kaya lang naman ako nahihirapan sa ibang level e dahil kinakapos ako ng sun pambili ng halaman.








ayun. kung kailan patapos na ako, saka ako nakabili nitong tahanan ng mga mushrooms ko. parang engot lang. [oi, may naalala ako sa salitang engot ... hai... :( ]











eto din .. bago ko lang nabili. tapos ang laman dalawang water plants lang. buti pa yung sa mga mushrooms napuno ko .. kulang pa.












eto nakakatuwa. after ko matapos ang laro, aba .. may music video pala sila. naaliw din naman ako kahit papaano .. feeling ko grumaduate ako. hahaha!













ahh .. ang aking zen garden. mamimiss ko to. andami ko na ding halaman. siguro lalaruin ko pa rin ang plants vs. zombies para na lang sa zen garden ko. pero aside dito, wala na. ayoko ng ulitin. hahaha. nakakatuwa kasi anlaki na rin ng pera ko dito ..:D








meron pa akong mga games na hindi natatapos tulad ng sa puzzle .. ito o ... nakaka streak 3 pa lang ako sa isa (vase breaker endless) at streak 2 sa isa pa (I, Zombie Endless). Tapos sa mini-games, yung last stand na lang. kinakapos kasi ako ng pambili ng sun .. nakakainis.







ayan .. tapos na ang aking plants vs. zombie life. hahaha. at least tapos ko na siya diba ... :D


that's all folks! :D

good morning!!!


adik much?! di naman. nag-offline naman ako kanina no ... tapos humiga din naman ako sa kama .... tapos nakinig ako ng radyo hanggang 2 am. tapos ... yun .. di na ko nakatulog.

kaya eto, nag online na lang ako kesa naman pinipilit ko ang sarili ko na
matulog e wala ayaw naman...

by the way, hinihika ako kaya di ako nakatulog .. dahil to sa kasipagan ko kahapon maglinis ng kwarto ( na di ko naman natapos. )

may plano sana akong gawin kanina kaya rin talaga ako bumangon .. kaso .. wala akong baby oil (hehehe...).

haizt. :)

kagabi nga pala, napag-tripan ko si Wendy. Comment ako ng comment sa mga pictures niya .. ayun tuloy binlock na ko sa kakacomment (pero friends pa din naman kami sa fb). Tapos eto .. gumanti .. nag comment din sa mga pictures ko sa fb ng kapatid ko .. akala naman niya affected ako. hahahaha.!!! :D


o eto na lang para inspired tayo ngayong umaga ....

\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\/






07 April 2011

:(

ewan ko ba .. pero nade-depress talaga ako. ikaw ba naman manatili sa bahay mag isa, walang kasama. tapos buong araw ka lang nasa loob, wala ka man lang makausap.

marami naman akong gustong gawin .. actually, marami akong dapat gawin. pero di ko magawa kasi alam mo yun .. kapag depressed ka, di ka makakilos .. di ka rin makapag-isip ng maayos.

akala ko nasanay na kong mag-isa. kasi naman, kahit nung pasukan ako pa rin naman ang mag-isa lagi dito sa bahay. pero mahirap pa rin talaga.

no man is an island.

masarap mag-isa, magagawa mo ang gusto mo .. lahat pwede. pero di mo rin magagawa. mawawalan ka ng gana.

malungkot mag-isa.

nakakabuang.

para akong nakakulong kahit na nakabukas naman ang pinto. alam mo yun...

tapos ang malupit pa dun, mag-isa ka na nga lang, sumabay pa ang mga problema.

tapos alam mo kung ano pa yung problema?

emotional.

ang hirap. ang hirap ng feeling na lahat ng tao galit sayo, lahat ng tao plastik. ayoko ng mag-isip ng ganito pero .. yun ang lagi kong nae-encounter e. lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko. ewan ko ba.

minsan nga gusto ko nanaman maglaslas. pero nangako na ko kay Lord kasi na di ko na gagawin. ang katawan ko ay di ko pag-aari.

minsan gusto ko rin uminom at magyosi... pero naiisip ko, gastos lang yun at isa pa, di yun tama. at nangako na rin ako kay Lord na iiwasan ko na ang mga bagay na yun.

hai. nakakahiya. naniniwala naman akong kasama ko ang Diyos pero nalulungkot pa rin ako. iba pa rin kasi talaga yung may nakakausap ka. sana nga nagsasalita na lang Siya. para sana naman may kakwentuhan ako.

sabi Niya makikinig Siya ng walang sawa. maganda yun! yun ang hinahanap kong kaibigan. kailangan ko ng someone na mapagsasabihan ko ng mga nararamdaman ko .. at mababahagian ko ng mga pinagdadaanan ko ngayon. hay.

sa prayer na nga lang ako kumakapit e. sana kayanin ko pa. sana di na uli ako mahulog sa bitag ng kasalanan.


------------------------

pero Lord, nalulungkot po talaga ako. :(

Great Is The Lord

Great is the Lord and most worthy
Of praise
The city of our God,
The holy place
The joy of the whole earth.

Great is the Lord with whom
We have the victory
He aids us against the enemy
We bow down on our knees.

And Lord we want to
Lift your name up high
And Lord we want to thank You
For the work You've
Done in our lives

And Lord we trust
In Your unfailing love
For You alone are God eternal
Throughout earth
And heaven above.


---------------------------------------------------------------

Very inspiring. I love this song. I have heard of it a lot of times but I've only appreciated it a while ago.
God is really great. My parents didn't allow me to attend the prayer meetings for 3 days ... and now, look. God made a way for me to attend that's why I've heard of this song again and I was really blessed.

Thank you Lord. You are great.


:)

laugh trip!!!



Hindi dahil "laugh trip" ang title e natatawa talaga ako ... hmmm.. siguro .. ako e ... more on .. natutuwa. magkaiba yon.

yung title, yan ang pangalan ng album sa facebook ni Wendy, ang laman niyan ay ang mga litratong kanyang kinuha noong Tuesday (sayang talaga. sana talaga nakapunta ako.)

Ok ... so ... anong interesting dito sa album na to??

well...

haha.

(kanina iiyak-iyak e no... )


para lang maging masaya naman ang post ko diba ,,..


naalala ko la ng bigla at ayokong makaligtaang i-post...


kanina, habang tinitingnan ko ang album
na to ... nagulat ako sa isang litrato.





sa ilalim ng litratong yan, nag comment si Wendy ng ganito ...

tapos yung "waaaaa !!!!!!" tsaka yung ":D kyot." .. akin yun.

Bakit ganun ang comment ko?? Simple lang...


Ang lalaking yan kasi ay si ...



CRUSH!!!!


oo .. siya nga. siya si ♥34 ..


si Bro. Jun!!


naaalala ko pa ang bracelet niyang orange (my
favorite color) .. at ang kumikinang niyang ... wedding ring (tingnan ang litrato sa ibaba). :( hahhaha!




ayan. ang cute nya no?? kahit tulog siya .. kahit stolen ... cute pa rin. Loko talaga yun si Wendy .. pati ba naman to pinag-tripan. Grabe a. At ito nakakatawa .. di niya alam na ito ang crush ko. haha. Di man lang nagtaka kung bat ako nag-comment.

Hai...kung nakapunta lang sana ako .. edi sana ... nakita ko sya ng malapitan .. haizt.


at sana .. isa ako sa ka-laugh trip ni Wendy ... haizt.


pero ayos lang .. marami pa namang pagkakataon .. please Lord!




mulat pa.

Mukhang di ako makakatulog ngayon... mag-iisip nanaman ako nito .. haizt. Ayoko na. Parang sasabog na ang utak ko. Parang sasabog na rin ang puso ko .... hindi ko na kaya. Iniisip ko pa lang na ganito ... parang ..hai. Ayoko ng ganito. Gusto ko ng mabalik ang lahat sa dati. Yung masaya kami. Noong magkaibigan pa kami. Pero .. mukhang ayaw na niya talaga sakin. Siguro kailangan ko na talagang turuan ang sarili kong kalimutan ang lahat. Antanga ko kasi hindi naman talaga ako naka-move on .. nagpakamanhid lang ako. Tapos eto ngayon, ako din binabalikan ng emosyon ko ... mas doble tuloy ang sakit ... :(

Siya na lang e. Siya na lang talaga ... siya na lang..... :'(

06 April 2011

"I don't have to explain more..."

Di ko maalala kung yan nga (yung title) yung eksaktong nakalagay kanina sa email niya (ni MP). Pero ganyan yung pinaparating.

Di na niya kailangang mag-explain.

Ah...ok.


Di ko alam pero kanina ko pa naiisip buksan ang email ko. Pero ayun, nakapagsimba na ko't lahat di ko pa rin nabuksan. Tapos kani-kanina lang ... naalala ko nanaman. Binuksan ko na, pero di ako umaasa nun ng kahit na anong email mula sa kanya (dahil alam kong ayaw na niya ng kahit na anong uri ng koneksyon sakin).

Tapos laking gulat ko .. sa inbox ko .. nakita ko ang pangalan niya. Nag-email siya. Sinend niya yung sa devotion. Di ko maalala kung kailan ko siya sinendan ng email (basta mga last week na yun ng March)...

Tapos pag-scroll ko pababa (na sana di ko na ginawa), nakita ko ang maiksi niyang message. 'Sis' pa ang tawag niya sakin na napansin ko lang nung buburahin ko na ang message niya. Katulad ng mga nauna niyang sulat, walang kahit na anong kakaiba .. walang halong kaartehan (di tulad ko). Sinabi niya lang na nahuli ang devotion dahil hmm.. (inaalala ang nakasulat na kanina ko pa pilit na binubura sa isipan .. tanga ko talaga no?!) ayun .. nahuli daw kasi di niya mabuksan ang file. tapos kasunod nun, yung title nitong post ko na to. Tapos pangalan niya (may Bro.).

Ewan ko pero ayun, .. hindi ko alam kung ano bang impact sakin nung sulat na yun .. ang ibig kong sabihin ... hindi ko maintindihan kung bakit ako nasaktan. As in ayun... after ko mabasa parang natulala ako ng 5 seconds, walang laman ang utak ko as in na-blangko. Tapos nung nahimasmasan ako, dina-download ko ang devotion (na nakakatawa kasi di ko ma-download .. nananadya talaga). Tapos ayun, after ko mawalan ng gana at pinabayaan na lang, saka nagbukas ang ms word ... at ayun, nabura ko na yung message niya. Ayoko ng bakas. Ayoko na ng alaala.

So ayun na nga. After nun .. pinilit kong pigilan ang sarili ko (promise) pero wala e, naging emosyonal ako .. at .. nakakahiya mang aminin .. naiyak ako. Actually kakatapos ko lang umiyak .. mga isang oras din a.. (kasi 12:33 na e, kanina mga 11 pa lang).

Anong iniyakan ko?

Ewan ko. Siguro yung title nitong post ko. Ito kasi yung una kong conclusion ....

- wala na siyang iba pang sasabihin kundi yun lang ... ang dating, parang nag-email lang siya para sa devotion, wala ng iba.

Naintindihan mo ba ko? Ang nasa isip ko kanina, hindi na niya kailangan pang ipaliwanag kung bakit siya nag-email (kasi nga putol na ang lahat ng means of communication namin) dahil dapat alam ko na tungkol lang yun sa devotion at wala ng iba.

Pero sa kalagitnaan ng aking pagluha (naks. na pinagsisisihan kong gawin. haizt.), naisip ko naman ito:

- di niya na kailangan i-explain ang tungkol sa libro ko.

Naalala ko kasi na sa email ko sa kanya, yung libro ko nabanggit ko pero sa email niya di niya binanggit.

Tapos kanina nung nahimasmasan na ko sa pag-iyak (salamat sa mga Tests na sinagutan ko sa internet .. nakatulong sila sobra.), ito naman ang naisip ko:

- hindi na niya kailangang i-explain pa kung bakit nahuli ang devotion.

Ang ibig sabihin, nasabi na niya ang dahilan .. na di niya mabuksan. Wala ng ibang dahilan pa bukod dun (na baka kasi iniisip ko na dinadamay niya pati devotion sa nangyari samin .. na totoo namang naisip ko).

Tapos ngayon-ngayon lang, ito naman ang naisip ko:

- hindi na niya kailangan mag-explain dahil ... (shit, wala na, nakalimutan ko na., haizt... the best pa naman yung naisip ko. kainis.).


---------------------------

Ayun, pero ang ano dito ... ah .. kaya ako naiyak kasi .. feeling ko may something dun sa statement niyang yun. Oo, sige .. pwedeng ako lang nagpapahirap sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko .. pero kasi .. di ko naman maiiwasang mag-isip ng ganito e ....

Hay, hindi ko talaga siya maintindihan. Isang statement niya, andami kong conclusion. Tapos kadalasan ang napipili kong conclusion mali. Haizt. Buti pa siya. Alam niya agad kung ano ang takbo ng isip ko .. pero nitong huli nagkamali siya .. kaya eto .. ganito kami ngayon. haizt. haizt talaga.

Wala na .. wala ng kwenta mga sinasabi ko. Mas may kwenta siguro to kung kanina ako nag-post nung kasagsagan ng pag-iyak ko. Pero hindi e, ni di ko kayang pindutin ang keyboard... hirap na hirap din akong hawakan ang mouse kanina. Nanghina ako.

Nakakapanghina isiping ....














ganito na lang kami ngayon ....














" It's funny how two strangers become friends ... then into more than friends .. and then suddenly .. back to being practically strangers again... "

27 March 2011













Right Brain/ Left Brain Quiz
The higher of these two numbers below indicates which side of your brain has dominance in your life. Realising your right brain/left brain tendancy will help you interact with and to understand others.
Left Brain Dominance: 8(8)
Right Brain Dominance: 5(5)
Right Brain/ Left Brain Quiz




The Right Brain

According to the left-brain, right-brain dominance theory, the right side of the brain is best at expressive and creative tasks. Some of the abilities that are popularly associated with the right side of the brain include:

  • Recognizing faces
  • Expressing emotions
  • Music
  • Reading emotions
  • Color
  • Images
  • Intuition
  • Creativity

The Left Brain

The left-side of the brain is considered to be adept at tasks that involve logic, language and analytical thinking. The left-brain is often described as being better at:

  • Language
  • Logic
  • Critical thinking
  • Numbers
  • Reasoning


12 March 2011

goodbye girl by david gates

All your life you've waited for love to
come and stay
And now that I have found you, you must
not slip away
I know it's hard believin' the words you've
heard before
But darlin' you must trust them just once
more... 'cause baby
Goodbye doesn't mean forever
Let me tell you goodbye doesn't mean
we'll never be together again
If you wake up and I'm not there, I won't
be long away
'Cause the things you do my Goodbye Girl
Will bring me back to you.

I know you've been taken, afraid to hurt
again
You fight the love you feel for me instead
of givin' in
But I can wait forever, for helpin' you to see
That I was meant for you and you for me
...so remember

Goodbye doesn't mean forever
Let me tell you goodbye doesn't mean
we'll never be together again
Though we may be so far apart you still
will have my heart
So forget your past my Goodbye Girl
'Cause now you're home at last.

15 February 2011

parang tanga talaga. grabe. kakagigil.

ayun.. tumawag siya. humabol pa talaga. nagulat ako kasi 2am na ... dapat nakauwi na siya ng bahay. no choice... dapat kong sagutin.
tinanong niya ko kung asan na yung devotion ko, hindi kasi ako nagsend sa kanya. puro .. 'ah...' 'oh...' lang ang sagot ko. tapos tinanong niya ko kung nakita ko si Abby. sabi ko hindi kasi walang pasok, pero nung Sunday nakita ko. tapos tinanong niya kung bat gising pa ko. sabi ko 'ano naman?'. haha. tapos sabi niya kanina pa daw nakapatay phone ko ngayon lang daw niya nakontak. di ko sinagot. kunwari wala akong narinig.
tinanong ko siya kung bakit di pa siya nakakauwi. tumambay pa daw kasi siya sa office niya, naglaro. pauwi na siya nung kausap ko siya sa phone. hindi naman sa tinatamad pero wala ako sa mood kausapin siya. nagtanong siya kung anong ginawa namin (kasi ganito format ng mga tanong niya e, "anong ginawa niyo?") so sabi ko, wala.. natulog buong araw. sabi niya bat di daw ako nakipag-date ... with friends. sabi ko di pwede. sabi niya may date daw kasi sila. no, he's wrong .. grounded kasi sila. kung pwede lang edi sana group date kaming lahat. pero ayun na nga. tinatanong niya kung bakit at paano. hello, grabe a .. ikukwento ko pa ba sa kanya? ano namang pakialam niya dun diba?? sinabi ko sa kanya na masyado syang pakialamero (yeah, hindi ko talaga siya kinausap ng matino.. pinamukha ko sa kanya na wala ako sa mood kausap siya.). sabi niya nagtatanong lang naman .. sabi ko, wala ako sa mood magkwento. ayun, napikon din siya .. nagbabye na. akala naman niya magpapatagal pa ko, nagpaalam na rin ako at pinatay ko na.
grabe. para siyang tanga. akala niya di ko alam kung bat 2am na pauwi pa lang siya .. kaya siya tumambay sa office niya .. kasi .. takot siyang umuwi ng bahay nila ... feeling niya ng kasi galit sa kanya ang mahal niyang asawa .. hainako .. kaasar talaga. ang arte. feeling bata. kung kailan tumanda saka nagkaganyan. badtrip talaga.

scenario

Valentine's day, wala akong ka-date. Meron akong mahal pero hindi ko naman siya pwedeng makasama ngayong araw. Ang mga kaibigan ko, lahat may kasintahan at kasama nila ang kani-kanilang mga mahal. Ako, meron din naman .. ang kaiba nga lang, di ko siya pwedeng makasama kahit anong oras ko gusto .. scheduled girlfriend niya ako.

Wala akong kasama sa bahay, kaya naman napagpasyahan kong maglakad-lakad sa park pampalipas ng oras at ng araw. Daming lovers sa side. Hindi naman ako naiinggit dahil alam kong one day after Valentines pwede rin naming gawin yun .. yun nga lang, kailan yun? kailan kaya pwede? at ang malupit pa dun, bakit hindi pwedeng ngayong araw na ito mangyari yun?

Habang naglalakad ako, may isang batang sumalubong sa akin at nakabangga ko. Natumba siya kaya itinayo ko. Napaka-cute niyang bata. Napangiti ako ng tumingala siya para tingnan ang mukha ko.

Bata: Malungkot ka no?
Ako: Ha? Malungkot? Ako?
Bata: Oo, ikaw. Sino pa bang kausap ko.
Ako: Paano mo naman nasabi?
Bata: Nakikita ko sa mata mo. Naiiyak ka na nga e.
Ako: (punas ng mata) O e ano naman?!
Bata: Kung may gusto kang makasama ngayong araw na ito, sino yun?
Ako: Hmm... bakit?
Bata: Basta sagutin mo na lang.
Ako: Ok sige .. a .. syempre si ------- -. hehe.
Bata: Gusto mo talaga siyang makasama?
Ako: Oo naman. Sobra. Kung pwede lang e. kung pwede lang talaga.
Bata: E bakit ba hindi kayo magkasama?
Ako: Kasi .. pag-aari na siya ng iba .. isa pa, magkasama sila ngayon.
Bata: Ah, kawawa ka naman pala.
Ako: Di naman...
Bata: Ako nga pala si Cupid.
Ako: Wow ang cute naman ng name mo.
Bata: Yeah right. May pana ako dito, gusto mo panain ko yung mahal mo?
Ako: hahahaha!
Bata: Di ka naniniwala? Totoo to.
Ako: Haha .. talaga lang a.. sige nga panain mo siya.
Bata: O sige .. kaso yung epekto ng pana ko may expiry. 24 hours lang to.
Ako: Sige ayos lang basta nandito siya. (nakiki-ride lang sa bata.)

Umalis na ang bata.........

After 5 mins......

(------- -. Calling ...)

Ako: Hello?
------- -. : Hello. Happy Valentine's. San ka?
Ako: Dito samin.
------- -. : Ah, may kasama ka?
Ako: Wala.
------- -. : Ah.. pwede ba tayong magkita?
Ako: Ha?
------- -. : Kita tayo ... kung ok lang sayo ..
Ako: Ok lang.

After 30 mins. nagkita.... whole day, whole night magkasama (walang di magandang ginawa. hahaha.)

the next day ...

------- -. : May gusto kong sabihin sayo matagal na .. alam ko alam mo to .. di ko lang masabi sayo kasi hindi pwede.
Ako: Ano yun?
------- -. : I .....

Nawalan na ng bisa ang pana ni kupido.

Ako: ? (T.T shet .. wala ng bisa ..)
------- -. : I love you...
Ako: Ha?
------- -. : Mahal kita ..
Ako: ???
------- -. : Kaso ... nauna na siya. Mahal kita pero ... mas mahal ko siya. kung alam ko lang na darating ka pa .. gusto kita ... sobra .. pero siya ang binigay sakin ng Diyos .. dahil siya ang kailangan ko ... pero sana ganito pa rin tayo ..di ko kayang mawala ka...
Ako: Ok .....



Anong ginawa ng pana ni cupid kay ------- -. ? Hindi nito binago ang nararamdaman at nasa puso niya, hindi nito pinilit ma-inlove si ------- -. sa akin for 24 hours. Kung ano ang nararamdaman ni ------- -., yun talaga yun. Ang binago lang ng pana ay ang pagkakataon at panahon. Sa totoo kasi, wala kaming pagkakataon ni ------- -. na magkasama dahil hindi pwede, maraming hadlang. at ang mga hadlang na iyon ang tinanggal ng pana. Ngayon, nasabi na ni ------- -. sa akin ang tunay niyang nararamdaman, pero wala na ring kwenta. wala na rin akong magagawa. ang realidad ay ito: kailan man ay di kami maaaring magsama. pero at least, kahit 24 hours lang natupad ang pangarap ko. Ang 24 hours na yun ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Climax kumbaga. Pinakamaiksi pero pinakamasaya.


a day well spent. :)

Valentine's day kahapon! (Feb. 15 na eh. hahaha.)

kahit na wala akong boyfriend at wala akong date, matiwasay at masaya ko pa rin namang nai-celebrate ang araw ng mga puso.

buong araw akong tulog. may tumawag, may nagtext, pero wala .. di ko inentertain lahat ... natulog lang talaga ako. gumising ako nung tanghali para samahan si Papa bumili ng trono (upuan) ni Mama at ng ice cream, kumain saglit tapos natulog ulit. nagising ako hapon .. naligo, bumili sa cake at roasted chicken .. pati na rin ng bag.. haha.

tapos ayun, uwi .. gumawa ng devotion (maaga ko siyang ginawa mga 7pm na nun para kasi magawa ko ang assignment ko ng diretso) then ayun kain ulit, gawa assignment.

ang sarap talaga kumain kasama ang pamilya. bagamat kanina medyo malungkot ako kasi noong nakaraang Valentines kasama namin sina kuya at ngayon hindi ...pero ayos lang yun .... masaya pa rin over-all.

naisip ko nga kanina, buti na lang wala pa kong boyfriend ulit .. kasi kung meron, sa araw na ito, gagastos ako, mapapagod. e ngayong wala, relax ako buong araw, di pa ko gumastos, nakain ko pa lahat ng gusto ko. hahahahaha.

14 February 2011

nakakabwisit.!!!!!!!!!!!!!!!!!

kani-kanina lang, ngtext si MP. ayun, tamang good eve. ayoko na sanang replyan kaso parang ambastos naman. so ayun tamang good eve lang din ako. tapos tanong tanong ... maya-maya sabi niya galit daw asawa niya sa kanya. syempre ako di naniwala, pero tinanong ko siya kung bakit. ewan niya daw (gago). tapos tanong ko, bakit niya naman nasabing galit sa kanya. sabi niya, kasi daw di natawag at natetext. tapos may naiisip daw siya pero baka mali lang daw iniisip niya. sa sabi ko, mali nga ang iniisip niya, nagpapamiss lang yun para pag-uwi niya excited sila sa isa't isa. aba sabi niya, alam ko daw ba kung anong naiisip niya. sabi ko, hindi ko alam dahil di naman ako nakakabasa ng isip (pero ito talaga ang ibig sabihin non sa utak ko: wala akong pakialam. hindi ako interesado. pwede ba tumigil ka na??) tapos sabi niya, ang iniisip niya, baka kaya hindi siya nagtetext o natawag dahil wala siyang load. reply ko, 'edi ikaw tumawag. para kang tanga.'

yun lang naman. bakit ako naiinis?? e para kasi siyang tanga .. alam mo yun ... para siyang bata. antanda na niya ganun pa siya. napaka-childish .. jusko naman ... alam naman pala niyang walang load tapos ganun iisipin niya. parang gago. nakakabwisit talaga. naaasar talaga ko. tapos alam naman pala niyang walang load bakit hindi siya ang tumawag .. kailangan ba lagi na ang asawa niya ang tatawag sa kanya??? nakU!!!! bwisit talaga!!!!!!!!!!!!! nakakaasar!!!! grrrr!!!!

ayun, pinalitan ko ang sim ko. ayoko ng makabasa ng text niyang hayop siya. pero alam ko di na magtetext yun. ganun naman yun e. magtetext lang siya kapag wala siyang magawa at walang makausap. user friendly talaga. bwisit!!!!!!!!!!!!!!

12 February 2011

ang lahat ng nangyayari ng may dahilan

sa fb .. habang tinitingnan ko yung news feed, nakita ko ang link ng isang friend ko .. video siya galing sa youtube .. ang title is, "MU (magulong usapan)".
hindi ko na kinuha yung link niya. search na lang sa youtube. haha.
so ayun na nga. tungkol sa MU. hindi naman ako nakarelate sa story kasi hindi naman ganun yung nangyari sakin pero naluha ako (ang korni ko talaga. kainis.) kasi alam ko kung gaano kahirap yung MU lang kayo. alam mo yun. haizt.
yung tipong mahal niyo nga ang isa't isa, hindi naman pwedeng maging kayo dahil sa napakaraming rason na nakakainis dahil nag-exist pa. kung wala yung mga rason na yun edi sana masaya kayong dalawa.
grabe .. infairness a .. nagustuhan ko yung format niya .. yung pagkakadeliver .. gawa nga din ako ng ganun pero hindi ko na siya i-youtube .. ipopost ko lang dito taos di rin siya video format. sulat lang talaga. tapos kwento ko. astig. :)
tapos meron pa kong isang vid niya na pinanood. yung sa facebook. wala cute lang kasi tamang assume si girl. di naman ako tinamaan kasi wala naman akong crush na ka-chat ko sa fb lagi ..
ayun lang. share lang. hahaha.